Together #3

183 17 1
                                    

Kagaya ng pinag usapan namin ni Dennis.Nakipag kita ako sa kanya after ng klase.

"Five minutes late?" Walang imosyong tumingin sya sa wrist watch nya sabay tingin sa akin na parang naka patay ako ng ipis.

"Grabe! Five minutes lang big deal na?"

"Dapat lagi kang on time,paano kung lumagpas na si Edison and Angelica? Edi nasayang ang isang araw ko?"

Natigilan ako sa pag habol ng hininga ko,tinakbo ko kasi ang kinaruruonan nya.

Teka anong sinabi nya?

" Di-dito dumadaan sina Angelica at Ed? Nakikita mo ba sila palagi?"

"Oo,dito sila dumadaan,iniikot muna nila ang field bago tuluyang lumabas ng school,tuwing hapon."

"Waaah! Why!? Ginagawa namin ni Ed yun dati eh,nag kukulitan pa nga kami tapos nag hahabulan,minsan binabatukan ko pa nga yun ."

Gusto ko na tuloy mag wala sa field.Kami ang gumagawa ng bagay na yun dati.Pero ngayon iba na ang kasama nya.

" O relax ka lang,wag kang pahalata."

"Paano ako mag rerelax!"

Nakita kong palihim syang ngumingiti,pinag tatawanan siguro ako nito sa isip nya.Bully!

Wala na akong magawa,nasaktan na ang feelings at ego ko. It should be me!

Maya maya ay may tinawag sya,na nag pa estatwa sa akin sa kinatatayuan ko sa gilid nya.

"Angelica!"

Si Angel?! Bakit nya tinawag ! Kasama kaya si Ed?

Hindi ko magawang lingunin yung direksyon ni Angel at kung may kasama sya,hindi ko alam.

Na bibingi ako sa pintig ng puso ko.Sobrang lakas! What if magkasama sila now,ready na ba ako to see them together?

"Tol!? Andito ka din pala?" 

Sinasabi ko na! Mag kasama nga sila. Dahan dahan akong humarap sa kanila.

"Uy! Ed... dito pala kayo nag di-date ?"

Isip! Isip! Na ba-blanko ako! Magka dikit sila... physical contact?! Omg... sila na ba?

"Ahm,actually kumain kami sa labas kaninang lunch,dinala ako ni Edison dun sa favorite nyang food cort."

"Ta-talaga? Saan naman yun?" Pilitin mo pang ngumiti Angel Dale.Sige Lang kaya mo to.

"Sa Robinson Tol,yung madalas nating kainan dati."

At masaya pa nyang ikinwento ang moment nila ni Angelica doon. I'm so done!

"Huy! Ayos ka lang ba ? Na mumula ka?"  Bigla akong kinabig ni Dennis at tinitigan ang mukha ko.

Sh*t kaya ba nag iinit ang mukha ko? Please Dennis save me!

"Tol ayos ka lang ba? Nilalagnat kaba?" Agad nya akong dinampian ng palad nya sa may nuo ko.

"No! I'm ok." Agad kong inalis ang kamay nya,nagulat sya sa ginawa ko kasi napa awang ang mga labi nya at nag salubong ang kanyang makakapal na kilay.

"Angel Dale are you sure you're ok? " 

"Oo Angelica ok lang ako,sige uuwi na ako... mauna na ako Ed."  Agad akong tumalikod sa kanila .

Hindi ko alam kong bakit ginawa ni Dennis yun na tawagin sila. Tapos wala manlang syang ginawa at sinabi,bully talaga tong ugok na to eh.

Waaah! Anong sunod! Anong sunod na lugar pa ang pupuntahan nila! Lalagnatin nga yata ako.

Naka uwi na ako sa bahay,pero tulala parin ako sa pader ng kwarto ko.

"Ahhh... bakit?" Sinapo ko ng dalawang palad ko ang mukha ko habang pabagsak akong humiga sa kama.

"Ano bang mali sa akin? Parehas naman kami ng pangalan,it's actually the same,pero bakit mas gusto mo sya!?"

Habang nag iimote ako ay tumawag si Mama sa labas ng pintuan ng kwarto .

"Anak! Si Edison nandito!"

"Ok po!" Back to normal muna ako. Kailangan ok akong haharap sa kanya.

Pag pihit ko ng doorknob,agad nyang itinulak ang pinto ang lawak ng mga ngiti nya.

Obviously Hindi ako ang dahilan ng magaganda nyang mga ngiti.

"Tol! "

"Ha!"

Bigla nya akong binuhat at inikot ng inikot ng inikot hanggang sa mahilo na ako.

"Ano ba! Ibaba mo na ako! Nahihilo na ako!"

"Tol! Thank You! Ang saya ko! Pumayag na si Angel na ligawan ko sya." Tsaka sya pabagsak na humiga sa Kama ko,feeling nya kanya yung kama na yun.

"Talaga? Akala ko kayo na?" Hinihimas himas ko ang sintido ko dahil talaga namang nahilo ako ng sobra sa ginawa nya.

"Ano kaba,getting to know each other stage pa kami,ang saya!"

"Di halatang masaya ka,hindi ka pa ba umuuwi sa Inyo?" Napansin ko kasi yung damit nya,yun parin ang suot nya mula kanina.

"Dito ako matutulog."

"Pero—"

"Ops! Nag sabi na ako kay tita Lou...Hindi kana makaka tanggi."

"Fine! Kailan ba ako naka tanggi sayo."

"Ayieh! Tol you're the best,as in!"

Nasanay na sila mama na dito minsan na tutulog si Edison. Simula mga bata pa kami naging bahay bakasyunan na nya ang bahay namin.

Masyado na silang kampante,kahit magkatabi kaming matulog...Oo magkatabi kaming matulog sa iisang kama.

Pero don't worry,walang malisya yun sa kanya. Pero sa akin.. wala din,promise.

Kumulog at kumidlat man ngayon!

"Ayy!"

"Uy! Grabe ang lakas naman ng kulog,buti na lang naka uwi na ako."

TogetherWhere stories live. Discover now