Together #11

180 19 4
                                    

Mahal kita as a bestfriend...
Mahal kita as a bestfriend...
Mahal kita as a bestfriend...

Paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko yung sinabi nyang yun kagabi.Hindi rin ako basta naka tulog,kaya ito ang bigat ng talukap ng mga mata ko,parang gustong pumikit.

Pag gising ko naman ay wala na si Edison,ang sabi ni Mama ay maaga daw umalis.

"Angel!" Napalingon ako sa may likuran ko ng May tumawag sa pangalan ko.

"O Dennis bakit tumatakbo ka?"

"Nakita kasi kita eh,pasabay ah."

"Sus yun lang pala eh,akala ko naman kung ano."

Ngumiti Lang sya sa akin.

Tahimik lang kaming nag lalakad ni Dennis sa may hallway ng campus,pero ang pinag tataka ko,halos karamihan ng madaanan naming estudyante ay naka tingin sa akin,tapos nag bubulungan.

"Anong meron? Bakit ganyan sila maka tingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?"

Lumingon ako kay Dennis para tingnan nya kung may dumi ba sa mukha ko at bakit nila ako tinatawanan.

"Wala naman eh" mataas na tonong sabi nya.

Mayamaya ay may lumapit sa aking isang babae,naka ngiti pa sya at parang nakaka pika ang ngiti nyang yun.

"Trending ka gurl sa Twitter."

"Ano?! Wala akong Twitter paano ko makikita yun?" Bulalas ko sa kanya,tinawanan nya Lang ako tsaka lumayo sa akin at muling tumingin sa kanyang cellphone.

Nakita kong kinuha ni Dennis ang Cellphone nya sa may likuran ng pantalon nya.Kita ko ang pag laki ng mga mata nya sabay tingin sa akin.

"Ano ba yun?!" Tiningnan ko ang cellphone nya,nakita ko ang picture ko na naka post sa twitter,hindi ko nagustuhan ang nakita ko..kaya pala sila tumatawa dahil para akong palakang na natutulog at tulo pa ang laway!

"Paano na punta yan dyan?!" Impossibleng kung sino lang ang nag take ng picture dahil nasa kama ko ako naka higa.

"Hindi ko alam?"

"Impossibly to..." wala na akong ibang maisip na pwedeng kumuha sa akin ng picture kundi ang bestfriend ko lang! Pero bakit nya ginawa yun?

Walang pag dadalawang isip na hinahanap ko si Edison. Wala sya sa room namin,sinubukan ko sa rooftop wala din. Pero nang makita ko si Angelica na lumabas sa may restroom ay naisip ko syang sundan,dahil Sigurado ako na mag kasama sila.

Hindi ako nagkamali magkasama nga sila,hinihintay ni Ed si Angelica.

Bago pa man sila maka alis ay mabilis akong tumakbo at hinarang sila.

"Hoy!" Parehas silang nagulat sa bigla kung pag harang.Maging ang ibang estudyante ay napalingon din sa lakas ng pag tawag ko.

"Tol bakit?" Malumanay naman tanong ni Ed.

"Tol!?..Tol-tolin mo ang mukha mo! ikaw ang nagpakalat nang picture ko habang na natutulog ako!?" Pinanlakihan ko sya ng mga mata ko.

TogetherWhere stories live. Discover now