Together #1

637 20 3
                                    

"Ed! Ilag!" Sigaw ko nang makita kong tatamaan nang bola nang volleyball si Ed.
Nasa bench kami ngayon sa loob nang gymnasium at nanunuod ng practice nang crush nya na si Angel.

Varsity kasi nang volleyball si Angelica aka. Angel at sa kasamaang palad magkapangalan pa kami pero Angel talaga ang first name ko, Angel Dale.

Ewan ko, hindi ko lang talaga gusto si angel. Masyadong nahumaling itong best friend ko sa taglay nyang ganda.

Dali dali akong tumakbo para alalayan si Ed na bumagsak na sa sahig. Pero na unahan ako ni Angel.

"Oh my god are you ok? "

Tiningnan ko yung ibang babaeng nasa cort, nag tatawanan sila.Pinag tatawanan nila si Ed na tinamaan sa may ulo, tumabingi pa nga yung eyeglasses nya.

"O-ok lang ako, hindi ko din nakita yung bolang paparating eh."

Ito lang yung bagay na kinaiinisan ko sa kanya, halata namang sinadya ni Angel, pero deadma lang sya.

Naka ilang batok na ba ako sa kanya, para lang matauhan sya. Kulang na lang tumalsik ang utak nya kaka batok ko eh.

Umalis na kami sa loob nang gym. Hinatak ko na sya kasi na estatwa na naman sa kakatitig kay Angel.

"Uy,tol... bakit mo naman ako hinatak?! " Halata sa tono nang boses nya ang pagka inis, ginulo nya pa ang buhok nya.

"Sira kaba?! halata namang pinag ti-tripan ka nang mga yon sa loob eh" Pasimpleng batok ko sa kanya sabay akbay ko. "Alam mo Mr. Edison Manuel, kung gusto mo talagang maka points dyan sa crush mo, dapat mag pa poge ka."

"Hindi pa ba ako poge?"

At naka limutan kong may pagka mahangin din pala sya minsan, ako lang ang nakaka alam nun, sa iba mahiyain talaga sya sa akin nya lang nailalabas ang kakapalan nang mukha nya.

Inayos ko ang polo nya at ang kanyang magulong buhok. Inalis ko ang kanyang eyeglasses. Bahagya syang naningkit na parang nasisilaw nang alisin ko iyon.

"Teka bakit mo tinanggal?! "

"See? mas poge ka pag walang salamin, e kaso hindi pwedeng wala ka nito " At binalik ko na ulit ang salamin sa mga mata nya.

"So ibig sabihin, hindi parin ako mapapansin ni Angel?"

"Hmmm, may I remind you, si Angelica Torres ay Ms. Campus Princess, so ang gusto nyan e yung mga tipong Campus Prince ang datingan, gets mo na? "

Nakita ko ang pagyuko at pagsimangot nya, ayaw ko syang ma hurt pero kailangan nyang tanggapin sa sarili nya na Angelica is not for him.

Dahil breaktime naman yun, dinala ko na lang sya sa favorite spot namin sa school,sa rooftop. Dito kami nag tatambay pag wala kaming klase, kakain, at mag kukwentuhan lang kami dito.

"Tol, ano kaya kung sabihin ko na kay Angel yung feelings ko? " Habang naka tingin sya sa kawalan.

"Sa tingin mo ba, hindi na hahalata ni Angel ang pagiging stalker mo sa kanya? Lahat ata nang social media nya naka follow ka eh"

"Dun ko lang sya masusundan, alam mo yan"

"Oo alam ko." Sandali akong napatigil sa pagkain nang popcorn at tumingin sa malayo. "Ano kayang pakiramdam nang isang Ms.Campus Princess? "

"Bakit? Na iingit kaba kay Angel dahil, popular sya sa school? "

"Hindi naman, iniisip ko lang kung paano ang buhay nya outside the campus.Popular parin kaya sya?"

TogetherWhere stories live. Discover now