Together #16

193 22 2
                                    

"Hindi ka sumusunod sa pinag usapan Dennis."

"Pero Angelica,hindi ko na kontrolado kung ano ang iniisip ni Angel,kahit anong gawin ko,si Edison parin talaga ang mahal nya."

"Kasi wala kang ginagawa! Ang sabi ko gawin mo lahat para lumayo ang loob ni Angel kay Edison,e parang pinu-push mo pa eh!"

"Di deserve ni Angel ang gusto mong Mang yari,ayaw ko syang lukohin.Mabait sya at di mahirap pakisamahan,ibang iba sya sa ikinu-kwento mo lang sa akin."

"So anong ibig mong sabihin?!"

"Kumakalas na ako sa usapan.Sayo na yang pera mo,hindi ko kailangan nyan! Total solve na ang problema ko sa financial."

Mabilis kong tinalikuran si Angelica at lumabas na sa may bakanteng classroom.

Hindi nya lang alam kung gaano ako na gi-guilty sa tuwing ngingiti sa akin si Angel.

Ang sabi nya sa akin,matagal na silang di magka sundo dahil na iinggit daw ito sa kanya,dahil palanging sya ang center of attraction mula noon hanggang ngayon.Sabi pa nya mahilig gumawa ng kwento si Angel para siraan sya.

Naniwala naman ako dahil malapit syang kaibigan ng ex-girlfriend ko at itinuring ko narin syang kaibigan.

Tsk! Di pala lahat pwede mong kaibiganin.

Kailangan ko ng ipag tapat kay Angel ang totoo.

Sa classroom palang hindi na ako mapakali gusto ko ng matapos ang klase para maka usap ko na si Angel Dale.

(Tak-tak-tak)

Panay ang hampas ko ng hawak kong ballpen sa may armchair ko,at tinitingnan ang bawat pag galaw ng minuto ng orasan.

Nang dumating na ang oras ng dismissal ay agad kong dinampot ang bag ko at tumakbo ako papa labas ng classroom,nag punta agad ako sa tapat ng classroom ni Angel Dale.

Alam kong may posibilidad na magkita din kami ni Angelica dahil iisa lang ang section nila,pero bahala na..ayaw ko nang lukuhin pa si Angel.

"Angel!"

"Oh! Ok ka lang?"

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Sige pero nasa loob pa si Edison hintayin—"

"Tayong dalawa lang sana...importante lang."

"O sige."

Pumunta kami sa loob ng gym at doon ko na sinabi sa kanya ang lahat.

"Please Angel! Patawarin mo ako,ipagawa mo na sa akin ang lahat basta wag ka lang magalit sa akin." Nakaluhod ako ngayon sa harapan at humihingi ng kapatawaran nya.
I don't care kung may maka kita at pag tawanan nila ako.

"Huy ! Ano kaba tumayo ka nga!" Inalalayan nya ako para tumayo.

"Sorry na please..."

"Alam mo sa totoo lang,naiinis ako sa ginawa mo,pero dahil umamin ka sa akin at alam ko naman na,you are really sorry,sige pinapatawad na kita."

"Talaga! Yes! Thank you ."  Sa sobrang tuwa ko ay na yakap ko sya,kaya naman naka tawag yun ng pansin sa ibang students na nandun.

"Wow! Sinagot na ata sya!"
"Grabe na kaka inggit sana all!"
"Yeeeahh!"
(Clap-clap)

Bigla kong na sipat si Angelica na mukhang bagong dating palang sya at kasama nya ang ex-girlfriend ko,naka pag palit na sila ng pang volleyball, dito talaga kasi sila nag papractice.Mukhang nagtataka pa sila kung anong nang yayari.

TogetherWhere stories live. Discover now