Chapter 32 : The Bloody History of Crimson Lake

97.4K 4.3K 4.8K
                                    

32.

The Bloody History of Crimson Lake

Third Person’s POV

“Sisa! Gisingin mo nga yang lasing na natutulog sa porch!” Umalingawngaw ang sigaw ng isang matandang babae hanggang sa pangatlong palapag ng city library kung saan naroroon at nag-aayos ng mga libro ang dalagang si Sisa.

“Sisa this, sisa that. Fuck you bitch.... shit i ran out of rhymes.” Napairap na lamang si Sisa at padabog na inilagay ang huling libro sa hilera. “Sandali lang!” Habol niya ng sigaw at dali-daling bumaba mula sa pinapatungang hagdan.

Alas-sais pa ng umaga, walang katao-tao sa buong palapag ngunit napakaingay na dahil kay Sisa na pakanta-kanta habang tumatakbo sa gitna ng mga mesa at book shelf. Walang pakialam ang dalaga kahit na gulong-gulo pa ang kulay pula niyang buhok at punong-puno pa ng alikabok ang mukha niya. Taas noo siyang lumabas ng library kung saan naabutan niyang natutulog si Ponzi.

“Teka? Kilala kita ah?” Napasinghal na lamang si Sisa sabay hawak sa kanyang bewang.

“Huy ulol! Gising! Huy! Yuhoo!” Sigaw ng sigaw si Sisa habang sinusundot ang pisngi ng binatang tumutulo pa ang laway sa himbing ng pagkakatulog.

“Holy shit!” Nanlaki ang mga mata ni Ponzi nang magising at tumambad sa harapan niya ang maruming mukha ni Sisa. Sa gulat nito ay aksidente itong nalaglag sa sahig.

“Tong mukhang to Holy shit? Aba pakyu with feelings! Umalis ka na nga dito! Shoo!” Bulyaw ni Sisa kay Ponzi habang pinanlilisikan ito ng mga mata.

Babalik na sana siya sa loob ng library ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang hinigit ni Ponzi ang likurang bahagi ng sweatshirt niya kaya napako siya sa kinatatayuan lumingon sa binata.

“Hala! Huy yung strap ng bra ko nahila mo gago!” Pagwawala ni Sisa kaya maging si Ponzi ay nagulat at dali-dali itong binitawan.

“Aray!!!” Lalong napasigaw si Sisa sa sakit at napaigtad.

“Binitawan ko na nga diba?! Sorry!” Sarkastikong sigaw ni Ponzi na naguguluhan dahil sa reaksyon ng dalaga.

“Ulol! Ikaw kaya pitikan ko ng strap?! Palibhasa kayong mga lalake hindi nagsusuot ng bra! Humanda ka—“

“Sisa nakikipag-basag ulo ka na naman ba?! Bumalik ka na sa trabaho!” Sigaw ng matandang babaeng nakadungaw sa bintana kaya napabuntong hininga na lamang si Sisa at pinilit ang sariling ngumiti.

“Sisa kailangan ko ng tulong mo.” Biglang bulalas ni Ponzi kaya kunot-noong lumingon sa kanya ang dalaga.

Naguguluhan man, unti-unting nagbago ang ngiti sa mukha ni Sisa. Ang kaninang pilit na ngiti ay napalitan ng pilyang ngisi kaya si Ponzi naman ang napakunot ang noo.

“Magic word?” Tanong ni Sisa.

“Say what movie and I’ll download it for free.” Giit ni Ponzi.

“Bruh, I’m a pirate too.” Nakangiwing sambit ni Sisa.

“O sige, lilibre kita ng lunch hanggang next sem.” Pangungumbinsi ng binata pero umiling-iling parin ang nakangising si Sisa.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon