Chapter 23 : Her Worst Nightmare

71.7K 4K 1.5K
                                    

23.

Her worst nightmare

Third Person's POV

"Nadapa ako! Ba't di mo ako tinulungan?!" Galit na sigaw ni Dustin kay Ponzi habang pinupunasan ang dugo mula sa sugat na dulot ng pagkakadapa. 

Hindi tumigil sa pagsigaw si Ponzi. Papalit-palit niyang itinutok ang liwanag ng flashlight mula kay Dustin at sa lapida.

"Tarantado! Ano ba ya--" Naiwang nakanganga si Dustin nang mahagip ng paningin niya ang pangalang nakaukit sa kapida. "T-teka.. A-anong..." Halos hindi siya makapagsalita. Napatingin siya kay Ponzi na ngayon ay tumigil na sa kakasigaw.

"Hindi ka multo?" Nakangiwing sambit ni Ponzi.

****

Tammy

"Tammy, tammy look at me!" Giit ni Kirk habang hawak ang magkabila kong pisngi.

Andito na ulit kami sa kotse niya. Nakalabas na kami mula sa apartment ni Jerome pero hindi parin ako matigil sa kakaiyak at hirap na hirap narin akong huminga.

"Tammy breathe!" Giit niya at tiningnan ako sa mga mata, nagsimula siyang huminga ng malalim kaya napapagaya ako sa kanya.

"He's really back." Pilit kong hinabol ang hininga ko.

"Sino?" Tanong niya.

"Jerome said he's back!" Dagdag ko pa pero umiling-iling lamang si Kirk at ikinabit sakin ang seatbelt ng sasakyan.

Namalayan ko na lamang na nasa tapat na kami ng bahay ko. Nakakahinga na ulit ako ng maayos pero ayaw parin tumigil sa pangingig ng nanlalamig kong mga kamay at ayaw ring tumigil sa pagbuhos ng luha ko.

My bestfriend just killed himself right infront of me.

Thats not okay.

Its never going to be okay.

Kailanman, hindi na siguro maalis sa isipan ko ang imahen niya.

Wala akong kabuhay-buhay na bumaba ng sasakyan at nagbukas sa pinto ng bahay. Matapos kong mapindot ang password ay naramdaman kong bigla na lamang akong kinarga ni Kirk. Hinang-hina na ako at wala na akong lakas pang makipagtalo kaya hindi na lamang ako nagpumiglas.

"Kukuha lang ako ng tubig." Paalam niya at inihiga ako sa sofa namin.

Sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko pero naagaw ng atensyon ko ang isang nakabukas na wallet sa sahig. Nalaglag siguro ni Kirk. Hindi ko sana ito papansinin pero nagtaka ako kasi may pamilyar na mukha sa litratong nasa loob nito.

Nanghihina man, tumayo ako at pinulot ang wallet. Napatingin ako kay Kirk na kasalikuyang kumukuha ng tubig mula sa ref. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa wallet at tiningnan ang litratong nasa loob ito. 

Napasinghap ako.

Pinagmasdan ko ng maagi ang litratong animo'y isang family picture. May dalawang bata sa litrato, ang isa ay Kirk. Mas bata pa siya rito kumpara sa litrato niya kasama si Calix. Pero ang mas nakababatang kasama niya... yung matang iyon... yung ngiting iyon.

Bigla na lamang inagaw ni Kirk ang wallet mula sa mga kamay ko.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya. hindi lang siya kasi pati ako, gulat na gulat din.

"Kirk...." Parang pinunit ang puso ko. Pakiramdam ko tuluyan na ngang gumuho ang wall na matagal ko ng binuo para maprotektahan ang bago kong buhay.

Hindi kumibo si Kirk. Nakita kong unti-unting bumuo ang luha sa mga mata niya kaya naman unti-unti niyang iniyuko ang ulo niya.

"Kirk sino yung batang kasama mo?!" Napasigaw ako at lalong napahagulgol.

Hindi ulit siya kumibo.

Bigla kong naalala ang lahat... at sa isang iglap, nasagot ang ilan sa mga katanungan ko.

Kaya pala ayaw niyang makialam ako....

Kaya pala siya nag-aalala kay Dustin...

Kaya pala tuwang-tuwa siya nang mailigtas namin siya...

Kaya pala gumagawa siya ng paraan upang magkalapit sila...

Kaya pala niya ako tinutulungan.....

"K-kapatid ko...." Nagdadalawang isip na sambit ni Kirk kaya parang tuluyang tinakasan ang mga paa ko't napaluhod na lamang ako sa harap niya.

Umiyak. Gaya noong mawala ang totoong Dustin, iyak ako ng iyak. Pakiramdam ko mawawala ulit sakin ang kapatid ko at ayokong mangyari iyon. Ikamamatay ko.

"Kirk... Parang-awa mo na..." Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay, "Kirk wag mo siyang bawiin. Kirk parang awa mo na, wag mong kunin mula sakin ang kapatid ko." Pagmamakaawa ko.

Namalayan ko na lamang na nakaluhod narin pala ko ang umiiyak na si Kirk.

"Kung gusto ko siyang bawiin mula sa inyo, sana matagal ko na iyong ginawa." Umiiyak niyang sambit pero hindi ito sapat para humupa ang matinding takot ko.

"Oo Tammy... Oo, kaya ako bumalik sa lugar nato kasi nalaman kong nandito ang kapatid ko. Noong una ginusto ko siyang bawiin kasi siya nalang ang natitirang pamilya ko." Tiningnan niya ako sa mga mata, "Pero Tammy nakita ko kung gaano siya kasaya... Nakita ko kung gaano mo siya kamahal... Tammy pamilya ang kailangan ni Kirby at hindi ko iyon mabibigay sa kanya."

Hindi ko na siya magawang tingnan pa kaya humahagulgol akong napatitig sa sahig.

"Parang-awa mo na, wag mo siyang kunin." Pagmamakaawa ko.

Umiling-iling siya't hinawakan ang magkabila kong pisngi, pilit niya akong pinapatingin sa mga mata niya. Umiiyak man siya, nakita kong unti-unting kumurba ang ngiti sa mukha niya.

"Hindi. Tammy hindi ko 'yun gagawin. Siguradong masasaktan si Dustin oras na malaman niyang ampon lang siya. Ayokong masaktan ang kapatid ko dahil sa katotohanan at mas lalong ayaw kitang masaktan." Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin. "Tammy hayaan mo lang akong protektahan si Dustin kahit bilang kaibigan. Hayaan mo akong protektahan ka."

END OF CHAPTER 23.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon