Chapter 18 : The Name Game

77.8K 3.5K 1.1K
                                    

18.

The Name Game

Tammy

Napasinghap ako nang maidilat ko ang mga mata ko. Malabo man, nakikita ko sina Ponzi at Kirk na nakapalibot sakin. Inalalayan nila akong umupo at pinasandal ako sa pader.

"Are you okay?" Tanong ni Kirk.

Makailang ulit kong kinurapkurap ang mga mata ko upang masanay ito sa liwanag at pagkwuwa'y tumango-tango na lamang ako.

"Where are we?" Nilibot ko ang paningin ko. Walang kagamit-gamit sa kwartong kinaroroonan namin pero mayroong isang tray ng pagkain malapit sa pintong nakakandado at para ito sa tatlo katao. Kung pagbabasehan ang kulay kahel na ilaw na nagmumula sa isang maliit na bumbilyang nakasabit sa kisame, masasabi kong luma na ang kwartong kinaroroonan namin. Iisang bintana lang ang meron, malaki ito pero hindi namin ito mabuksan. Dilim. Yan lang ang nakikita namin mula dito.

"I told you this was a crazy idea!" Giit ni Kirk habang sapo ang sentido.

"Wala namang nasaktan sa'tin diba?!" Pakikipagtalo naman ni Ponzi.

"Wala ngang nasaktan pero ang tanong makakalabas ba tayo ng buhay?!" Pinanlisikan ni Kirk ng mga mata si Ponzi. Pakiramdam ko, ano mang oras ay magkakapisikalan na sila kaya pumagitna na ako.

"Kirk listen to me. If he wanted us dead, he could've done that earlier. If you want to blame someone for being here, blame me." Pagpapakalma ko na lamang sa kanya kaya napasinghal siya't sumandal na lamang sa dingding.

"Ponzi, are you okay? Did the Crimson Ripper hurt you?" Tanong ko at umiling-iling lamang siya.

Napatingin ako sa relo ko at nanlumo ako nang makitang alas-kwatro na pala ng umaga. Nag-aalala ako para kay Dustin. Paano kung hanapin niya ako? Ayokong sumama ang loob niya at ayoko siyang mag-alala sakin. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng suot kong pantalon.

"The bastard took our phones." Walang emosyong sambit ni Kirk habang nakahalukipkip ang mga braso.

"You son of a bitch! 'Wag mo ng patagalin to! Ginawa na namin kung ano ang gusto mo! Nasaan si Ford?! Ilabas mo siya!" Kapwa kami nagulat ni Kirk nang bigla na lamang nagsisigaw si Ponzi. Nakakatakot si Ponzi, buong lakas siya sa pagsigaw at wala siyang pakialam kahit na mamula na ang mukha niya at bumakat ang ugat sa leeg niya.

"Tahimik."

Nagulat kaming tatlo nang bumaha sa kwarto ang napakalalim na boses ng salarin. Dala ng tensyon, nanatili kaming nakatayo sa tabi ng isa't-isa, silang dalawa, pinagigitnaan ako. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang speaker na nakakabit sa kisame. Dito pala nanggagaling ang boses niya.

"We did what you want! Where's Ford?!" Sigaw ko naman kahit na wala akong kaide-ideya nasaan siya, isa lang ang nasisiguro ko, nakikita at naririnig niya kami.

Bigla na lamang may kumalabog at namalayan naming maliwanag na ang kabilang dulo ng bintana. Akala namin kanina bintana ito patungo sa labas, mali kami. Isa pala itong bintana na konektado sa isa pang kwarto. Two-way mirror to be exact, pero sa ngayon wala kaming ibang nakikita kundi kulay pulang kurtinang nakatakip dito.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon