Chapter 21 : Hoodwinked

89K 3.9K 2.7K
                                    

21.

Hoodwinked

Tammy

"Ate!" Sigaw ni Dustin at agad akong niyakap ng mahigpit. Iyak siya ng iyak kaya heto ako at sobrang nako-konsensya. Nabigo ako. Nangako ako noon na hinding-hindi ko siya ulit sasaktan pero nabigo ako, heto sa harapan ko ang kapatid ko at labis na nasasaktan.

"Dustin sorry." Bulong ko at gumanti sa kanya ng mahigpit na yakap.

"Ate saan ka ba nagpunta?! Ate alam mo bang alalang-alala kaming lahat sayo?! Akala ko kung napano ka na! Akala ko--" Natigil si Dustin sa pag-bulyaw sakin nang biglang dumaan sa harap namin ang walang buhay na katawan ni Ford na nakahiga sa isang stretcher na itinutulak ng mga paremedics. Huli na ang lahat. Hindi na nila naisalba pa ang kawawang si Ford.

"Teka--" Naiwang nakaawang ang bibig ni Dustin. Sinusubukan niyang magsalita pero hangin lamang ang lumalabas mula sa bibig niya dahil sa matinding gulat. Kasabay nito ang pagragasa ng luha niya.

Hindi ko alam kung paano siya aalunin kaya niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. 

"Hindi..." Sa unang pagkakataon, narinig kong humagulgol si Dustin. Sinusubukan niyang habulin ang mga paramedics na nagtutulak ng katawan ni Ford pero pinigilan ko na lamang siya sa pamaagitan ng paghigpit lalo sa pagkakayakap sa kanya. 

*****

"What happened?" Iniabot sakin ni Milky ang mainit na kape. Di gaya noon, wala ng ngiti sa mukha niya kasi apektado rin siya sa pagkawala ni Ford.

"I dont know." Pagsisinungaling ko at napasulyap na lamang kay Dustin at Ponzi na magka-akbay habang pinagmamasdan ang paglayo ng ambulansyang lulan ng katawan ni Ford.

"You dont know?!" Sarcastic na sambit ni Milky at tinaasan ako ng kilay. "Tammy you are not Quinn. Hindi mo ugaling basta-basta nalang mawala ng hindi nagpapaalam lalo na kay Dustin. Alam mo bang tong kapatid mo, kinalimutan niya ang takot niya sakin at nakiusap pa talaga siyang tulungan ko siyang hanapin ka kasi ayaw niyang sabihin sa parents mong nawawala ka!"

Wala akong nagawa kundi maiyak na lamang dahil sa sinabi ni Milky. 

My brother must have felt so alone lalong-lalo na't Ako, sina Ponzi, Ford at Kirk ang biglang nawala. It must have been hell for him fearing he could lose everyone close to him in snap.

"Tammy sabihin mo nga! Anong ginawa ni Kirk?! Did he rape or hurt you in any way?" Tanong ni Milky na para bang kinikilatis ang mga braso ko sa kahit na anong mga sugat o pasa.

"He didnt!" Giit ko. "Bakit ba parating si Kirk palagi ang pinagbibintangan niyo!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw.

"Tammy hindi ka nakatira dito noong mga panahong gumagala pa ang demonyo kaya hindi mo alam kung bakit kami nagkakaganito!" Makahulugan niyang sambit. I swear, all I could see in Milky's eyes are pure fear. This is the first time nakita ko siyang nagseryoso. Siguro nga nalalabas ang ibang side ng tao sa tuwing takot siya.

"Tammy magsabi ka nga ng totoo, kasinungalingan ba talaga yung kinwento mo sa mga bata o totoong may alam ka sa pagbabalik ng Crimson Ripper?" Hindi ko alam kung tatango ako o iiling kaya napakagat na lamang ako sa kuko ko.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon