Chapter 4 : The Bad blood

124K 5K 1.5K
                                    

Author's Note : 

Kung nabasa mo ang previous chapters before OCTOBER 10, then I suggest you re-read the previous chapters kasi madami akong binago at baka malito ka. Kung nabasa mo na, gorabels na sa chapter na itu. Godbless <3

- - - - -

4.

The Bad Blood

Tammy

 

 

Narinig kong may kumatok sa kwarto ko pero hindi ko ito pinagbuksan at sa halip ay nanatili lamang akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame.

Madaling araw na pero hindi parin ako nakakatulog. Paulit-ulit paring bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng bangkay ni Joy at ang iyak ng mga magulang niyang nagluluksa sa pagkawala ng kaisa-isa nilang anak. Kung hindi ko ginawa ang kwentong ‘yon, buhay pa kaya hanggang ngayon si Joy?

Nakita kong bumukas ang pinto at pumasok si Dustin na may dalang isang bowl ng ice cream.

“Tammy…” Nakangiti niyang sambit at agad na umupo sa kama ko.

“Wala ako sa mood mag ice cream alikabok.” Giit ko.

"Edi nood nalang tayo ng Angry Birds the movie, nakapirata na naman kasi si Ponzi at binigyan niya ako ng kopya!" Pagmamayabang ni Dustin sa hawak niyang flashdrive palibhasa bestfriend niya ang pusher ng pirated movies.

"Shut-up, matutulog na ako." Inirapan ko siya't tumalikod mula sa kanya.

"Matutulog o hihiga lang sa kama para mag-isip ng mga bagay na makakalungkot sayo? Tammy lets face it, hindi ka makatulog kakaisip sa mga nangyari. Kesa ba naman magmukmok ka at mamroblema, pwede namang libangin mo nalang ang sarili mo diba? Sabihin mo sakin anong movie ang gusto mong panoorin, Ponzi is just one call away." Aniya kaya napapikit na lamang ako't napabuntong-hininga. 

As much as it kills me, aaminin ko, My baby brother is right this time.

Umupo na lamang ako sa kama at kinuha ang laptop ko upang manood.

Like what siblings normally do, Dustin and I fight a lot. We don’t actually like each other because we are both different. Ako ang serious type samantalang siya ang tarantadong klase ng tao. Yet still, Its cheesy but I have to admit, we both love each other and he's the only one I could lean on.

******

"Grabe yung nangyari sa education student na si Joy!"

"Akala ko talaga naglayas siya."

"nangyari sa kanya yung dinescribe nung Tamara."

"Omg! What if siya ang pumatay?

"Gaga! Ambait kaya niyan."

"She's just a bad girl that's never been caught. Believe me, everyone is" 

Imbes na lumingon at mangatwiran ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang nakayuko ang ulo. May mga tao talagang ang sarap patayin. Alam nilang nasa malapit ka, pag-uusapan ka parin at wala silang pakialam sa kung anong mararamdaman mo.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon