Chapter 30 : She who cried murder

81.8K 4.2K 2.7K
                                    

PLEASE REFRAIN FROM POSTING/TWEETING/COMMENT-ing SPOILERS ON SOCIAL NETWORKING SITES. MAAWA SA MGA HINDI BA NAKAKAHABOL SA KWENTO. HAHAHAHA. 

PS, Wag naman sana puro "UD na" or any demands. Alam ko namang kailangan kong mag-update eh -_-  natagalan lang talaga Ngayon dahil sa exams. Please use the comment box for posting feedbacks and not demands. 

Nga pala, alam kong super waley and lame ng kwentong to kaya thank you so much sa nagbabasa nito hanggang ngayon. hahaha. I'll try my best to not make it worse. hahaha. Ready na sa twist?

Enjoy :)))

30.

She who cried murder

Tammy


Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang maulinigan ko ang dumadagundong na kulog. Suminghap ako ng suminghap hanggang sa tuluyan akong makaipon ng lakas. 

Napakasakit ng buong katawan ko pero mas pinili ko paring umupo. Nalilito ako, hindi ko maintindihan, bakit may benda ang mga kamay ko? Bakit may band-aid ang noo ko? Bakit may kumot na bumabalot sa buong katawan kong basang-basa parin ng ulan?

Lalo akong mas naguluhan ngayong tuluyan ko ng nakikita kung nasaan ako.

Marumi. Luma. Maliit. Nakakasilaw sa mga mata ang kulay dilaw na liwanag na nanggagaling mula sa maliit na bumbilyang nakasabit sa kisameng tadtad ng mga lawa ng gagamba.

Ang kisame at mga dingding ay gawa sa pinagpi-tagping mga yero at kahoy na hindi magkakatugma. Sa sobrang luma ng mga materyales, parang ano mang oras ay guguho na ang buong barong-barong.

Simple lamang ang mga kasangkapan. Wala akong makitang tv, isang radyo lamang na gutay-gutay at para bang kinumpuni lamang para gumana kahit noong hindi pa ito nililipas ng panahon. Walang sofa o mesa, tanging mga kumot at unan lamang sa sahig na gawa sa mga pinagtagpi-tagping tela. Maraming mga guhit sa dingding, may mga letra ng alphabet at sunod-sunod na bilang ng numero.

Kung sino man ang nakatira dito noon, halatang napakahirap ng naging buhay niya.

****

"Milky?! Quinn?!" Iika-ika man, lumabas ako mula sa barong-barong sa kabila ng tila ba walang hanggang dilim na sumalubong sakin. Para akong bulag na tumatakbo pero wala akong pakialam. 

Takbo ako ng takbo hanggang sa may nabangga ang mga paa ko. Napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ang buo kong katawan sa isang napakalamig na bakal. Muli, suminghap ako ng suminghap habang kinikilatis kung ano ang bakal na ito sa pamamagitan ng paghimas dito. Parang walang hanggan ang nahahawakan kong bakal at natatabunan na ito ng damo't putik. Parang alam ko na kung ano ito--Lumang Riles ng tren. Kung tama ang pagkakaalala ko, may lumang train station ang lungsod nato.

Wala na akong ibang mapagpipilian pa kaya tumayo na lamang ako habang ginagamit ang riles bilang gabay. Walang liwanag kaya ito lamang ang makakatulong sakin.

"Quinn?! Milky?!"

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pagtakas ng luha mula sa mga mata ko. Hilong-hilo ako at basang-basa sa ulan, napakadilim, napakalamig, hindi ko alam kung nasaan ako pero sa bawat hakbang ko ay bumabaon ang paa ko sa sa malalim na putik. Gusto kong tumakbo pero wala na akong lakas pang gawin ito.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon