Chapter 12 : Tattle

98.2K 4.3K 2.1K
                                    

12.

Tattle

Tammy

"Is there something you're not telling me?" Tanong ni Calix kaya agad akong umiwas ng tingin at umiling-iling. Lumingon ako sa bahay at nakita ko sa balkonahe ng kwarto niya si Dustin. Napakasama ng tingin niya kay Calix kaso hindi naman siya mukhang nakakasindak kasi yakap-yakap pa niya ang isang bote ng stick-o habang kumakain nito. I'll say it once and only once. My brother looks so cute.

"Tammy pumasok ka na!" Sigaw niya kahit hindi pa niya natatapos nguyain ang stick-o.

"Commander's calling." Biro ko na lamang kay Calix. Ngumiti naman siya't tumango-tango habang hawak ang kamay ko.

"Whatever it is Tammy, you can always tell me." Aniya kaya tumango ako't niyakap siya. Mahal na mahal ko siya kaya lang nag-aalala ako, paano kung bigla siyang madamay sa gulong pinasok ko. Si Dustin, nadamay siya kasi kapatid ko siya. Sina Tyler at Tessa... Hindi ako sigurado kung bakit sila ang naging target. Tyler and I... Okay, I guess we were friends. But Tessa though, hindi naman kami masyadong close sa isa't-isa in fact, nagngingitian lang kami everytime we see each other.

Matapos magpaalam, pumasok na ako sa bahay at naabutan ko si Ponzi na nasa tapat ng bookcase namin, nakaupo siya sa pinagpatong-patong na mga libro habang napapalibutan ng iba pang mga librong kinuha niya mula sa lalagyan. He's reading, I think. His headphone's on his head and it looks like he has his own world.

Muntik ko ng makalimutan, mags-sleepover nga pala sina Ponzi at Ford dito kasi bukas na ang balik ng parents namin.

"Ponzi clean this up when you're done." Masyado akong napagod sa araw nato at sumasakit parin ang sugat  sa paa ko kaya wala na ako sa mood na pangaralan siya. Aakyat na sana ako sa kwarto ko pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Ponzi yung mga libro ko--"

"Tammy what's happening?" Nakunot ang noo ko nang lumingon siya sakin. Teka gumagana ba ang headphones niya?

"You just messed up my bookcase and you're gonna need to clean that up." Biro ko na lamang sa kanya at nginitian siya.

"Something else is messed up Tammy." Tumayo si Ponzi at lumapit sakin. Bago nagsalita tiningnan muna niya ang hagdan na para bang sinisiguradong walang ibang makakarinig samin, "Ano bang nangyayari? May tinatago ka ba sa aming lahat? Kung sila napaniwala mong okay lang ang lahat, ako hindi. Tammy para ko naring kapatid si Dustin, akala ko mawawalan ulit ako ng kapatid nang gabing hinanap natin siya sa kakahuyan. Tammy nilibing si Dustin ng buhay, that's not a prank. Sa limang taon kong pagtira dito sa Crimson Lake ngayong buwan lang ako nakarinig ng may pinatay sa kahindik-hindik na paraan at hindi lang iisa kundi sunod-sunod pa. Tammy may alam ka ba sa gumawa nun kay Joy, Dustin, Tyler at Tessa?"

The look on Ponzi's eyes gave me goosebumps.

It's as if he's no longer the Ponzi that I know.

Two years, We've known Ponzi for two years kasi siya ang unang naging kaibigan ni Dustin pero ni minsan hindi ko siya nakitang naging seryoso.

Ito ang unang pagkakataon na nakausap ko siya ng ganito ka-seryoso. Its creepy. Its weird.

The girl who cried murderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon