Chapter 37

4.5K 195 78
                                    

Lancie's POV

I've been crying for how many days since I and my family came here in Iceland. Gulong gulo na ang isipan ko lalo na't sa mga sinabi ni Luke kanina. I didn't expect that they would come here kasama sila Lucia at iba pang mga kaibigan namin.

Kasi naman! Did they really put an effort like that para lang maka usap ako? Para magka usap kami?! Sana hindi nalang siya pumunta rito para hindi ko siya nasaktan. Para hindi ako nakapag salita sakaniya ng masasakit na salita. I'm regretting all of the words that I've told him pero hindi ko pwedeng bawiin sakaniya 'yon kahit gusto ko. Aasa lang siya. Aasa nanaman siya.

But that's not the issue here right now dahil tama ako. Kilala ko na si Luther noon pa man at kilala ko na rin si Luke. Lahat ng naririnig ko at pumapasok sa isipan ko ay mga alaala ko noon. How did I manage to forget all of those things?! Wala akong ideya kahit isa!

Bumaba ako ng kotse at naka sunod sa akin si Pat. Umuwi na kami agad after ng harapan namin ni Luke. Inaya ko siyang umuwi dahil hindi ko na kayang harapin pa si Luke. Hindi ko kayang makita siyang ulit na ganon na nagmamaka awa sa harapan ko. It breaks me.
Buti na lamang at wala ang mga bata rito at nandoon sila kila Daddy. Ayaw kong makita nila ang ayos ko.


"Lancie." Tawag ni Pat sa akin.

Tahimik lamang siya buong byahe kanina at ngayon lang siya nag salita ulit. Hindi ko siya pinansin at dire diretso lamang ako sa loob. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap niya ako sakaniya.

"What?" I asked while I'm still in tears.

"A-are you okay? Masakit ba ang ulo mo?"

Really? Bakit ganiyan ang tanong niya sa akin? After what he saw, 'yan lang ang itatanong niya? Wouldn't he ask me about explanation? Si Luke 'yon!

"Don't talk to me."


Inalis niya ang pagkaka hawak niya sa kamay ko atsaka ako dumiretso sa taas. I went inside the guest room at kinuha ko ang cellphone ko to dial Doc Ona's number. Siya lang ang gusto kong kausapin ngayon sa lahat nang nangyari.



"H-hello? This is Lancie." I said when she answered my call.

"Yow. What's up? Napa call ka?"

"A-are you in the Philippines?" I asked. I want to meet her. I don't know if she's here or she's in another country. Sana nandirito siya. Please, Lord.

"Hmm, wala girl. I am here sa Iceland again." Naka hinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya. Pakiramdam ko may masasandalan na ako at mapag susumbungan sa lahat nang 'to.

"That's good. Can we meet? Now?"

"As in now na? Are you nagmamadali?"

"Yeah. I need you. S-something happened and I dsicovered something kasi."

"Oh I see. Just punta to the hospital where I am nag tatrabaho. I'm nandito e. Night duty is me."

"Okay."

I ended the call at mabilis akong nag shower. I changed my clothes. I just wore pants, shirt and a jacket.





"Where are you going?" Pat asked me habang papalabas ako papuntang garahe. "It's late." Pagpapa tuloy niya pa.

"I'm going to my doctor." Walang gana kong sagot at pumasok na lamang ako sa may sasakyan. He just let me and I drive myself going to the hospital where Doc Ona works.



When I arrived at the hospital ay agad ko siyang tinext. I am waiting in front of the hospital dahil ayaw kong mag tanong tanong sa loob kung nasaan siya banda, at isa pa I hate hospitals. I am scared.

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon