Chapter 22

3.5K 154 136
                                    

We had our dinner last night and I tried my best to act like I was okay. Na wala akong tinatago na kung ano sakanila lalong lalo na kay Patricio. Medyo naninibago ako sakaniya ngayon because all of the sudden ay sobrang clingy nito sa akin. He was sometimes clingy before pero iba ngayon. He is so sweet too at nagugulat na lamang ako dahil hindi naman siya ganito ka sweet noon.

"Aster, give this to Mommy." Utos niya. Lumapit si Aster kay Pat at inabot nito ang hotdog na nasa may stick. Aster went to me at kinuha ko naman 'yon sakaniya.

"Thank you, baby."

"You're welcome po." Masayang sabi ng anak ko at umupo siya sa may tabi ko.

We are now in the park dahil nag aya mag picnic si Reid. He wants to have bonding daw kasi with me and Aster habang buo kami.

"Wife, I talked to Kai before coming home here. Papasok na ulit sa Monday si Reid. Okay na lahat ng papers niya."

"Sige. Hahatid ko sila sa Monday."

Mamayang gabi na kasi ang balik ni Pat ng Europe. Hinatid niya lang talaga si Reid dito at hindi siya mag tatagal.

"Baby, are you excited to go back to school?" Tanong ko sa pangalawa kong anak.

"Nope." Ayan nanaman ang sobrang tipid niyang sagot. Ewan ko ba rito. Hindi ko alam kung nang hihinayang ba siya sa laway niya o ano.

"Why? Aren't you excited to meet your friends?"

"Miss ka na kaya nila Ken." Aster said.

"I don't miss them." Masungit na sagot niya. Nag susungit nanaman ang bunso ko.

"Liar." Tumatawa na sabi ni Aster.

"Come here nga, baby. Namiss ka talaga ni Mommy e. Lalo na 'yang kasungitan mo." Tumayo naman ito at kumandong siya sa akin. I wrapped my hands around him. "Kanino ka ba nag mana ha? Hindi naman masungit si Mommy."

"Hindi rin ako masungit." Singit ni Pat.

"Hala! Kanino ka nag mana?" Pang aasar ni Aster sakaniya.

"Stop it. Hindi ako ampon."

"Oh. Tampo na ang bunso ko." Pang aalo ko sakaniya.

Pikunin pa man din 'to. Baka mamaya awayin niya kaming tatlo. Mahirap na.

"Anyway, I have new friends Reid. I'll introduce them to you."

"Really? Baka kamukha lang 'yan ni Kit. No thanks."

"Ang sama niyo kay Kit." Pat said while laughing.

"Makanto kasi e."

"Reid." Bawal ko sakaniya at mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko.

Bully rin ito e. Ngayon palang na aawa na ako kay Kit dahil nadagdagan nanaman ang mga listahan ng mga nambubully sakaniya. Pag sasabihan ko na lamang siguro siya.

"Laro nalang tayo. Buti pa." Tumayo silang dalawa at inabot ni Patricio sakanila ang bola.

Pumunta sila sa may gitna ng park at pinanood ko silang mag laro ng pasa pasahan ng bola. Kahit simpleng laro lamang ang ginagawa nila ay nag eenjoy naman sila e. They are contented as long as they are together.

Natigil ang panonood ko sakanila ng lumapit sa akin si Pat at mabilis niya akong ninakawan ng halik sa may labi ko. Inayos niya ang mga legs ko at humiga siya roon. Ginawa niya akong unan.

"They look so happy." He said habang pinapanood niya rin ang mga anak namin.

"Yeah, and it makes me happy too." Sagot ko sakaniya.

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon