Chapter 15

4K 190 95
                                    

Badtrip na badtrip ako ngayon. Kasama ko si Lucia at pinapunta ko siya rito sa bahay, dahil oo! Nag iinom kami rito sa may garden. Niyaya ko siyang mag inom dahil bwisit na bwisit ako sa walanghiyang lalaki na 'yon! Ang kapal ng mukha niyang balewalain ako! Nakaka inis talaga!

"Bakla, ano ba kasing problema mo? Kanina ka pa irap ng irap diyan. Sa akin ka ba galit?"

"Hindi! Hindi ako galit sa'yo. Never naman akong magagalit sa'yo."

Tumawa siya ng pagka lakas lakas. Anong nakakatawa?

"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Natawa lang ako. Ikaw? Never magagalit sa akin? Ulol. DMN."

"DMN?" Ayan nanaman siya sa mga pa kulo niya. Hindi pa rin siya nag babago.

"Don't me nga."

"Huh? Never naman talaga akong magagalit sa'yo e. Ikaw nga 'tong nagalit sa akin."

Ni minsan ay hindi pa ako nagalit sakaniya. Magka sundong magka sundo kami sa lahat ng bagay at malayong mangyari 'yon.

"Oo nalang. So ano nga? Bigla bigla kang nag aaya uminom tapos inis ka pa. Ano bang meron? WN?" (WN- What's new?)

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin 'to sakaniya. Pero kung hindi ko ito isi share sa iba ay baka sumabog nalang ako sa galit. I want to let this out of my chest.

"You can judge me. Dahil ka judge, judge naman talaga ang ginawa ko. Kasalanan niyo 'to e." Paninisi ko sakanila.

Alam kong gusto nila si Luke para sa akin. Lagi nila akong inaasar. Sila nila Evan, Kennedy, Ryoga and even Raine. Siguro matatanggap ko pa kung single ako ngayon. Baka nga pinatulan at jinowa ko na si Luke e. Kaso hindi! May asawa na ako.

"Oh? Bakit ka naninisi? Ano ba 'yun?"

"It's Luke."

"Oh? Anong meron naman sakaniya? Nag iyot kayo? Okay lang 'yan. Hindi kita ija judge. Susuportahan pa kita. Basta sa labas ipuputok ha? Safe sex lang." Sabi niya at parang wala lang ito sakaniya.

Jusko ang bastos niya pa! Hindi ba siya kinikilabutan? God! That's cheating! Tumungga siya ng alak atsaka siya namulutan.

"Bakit ganiyan ka? Bakit parang okay lang sa'yo ang cheating? Kapag ba si Evan nagcheat sa'yo hindi ka masasaktan? Parang ang normal lang kasi sa'yo e."

Sumubo siya ng chicken na nasa may fork at nginuya niya ito. She swallowed it at dinuro niya sa akin ang tinidor na hawak niya. Napa atras ako sa ginawa niya dahil baka mamaya ay masaksak niya ako.

"Alam mo Lancie, si Evan at Patricio magka iba. Iba ang kwento niyo ni Patricio sa kwento namin ni Evan sa road to forever namin. Makinig ka ha."

Ibinaba niya ang tinidor na hawak hawak niya atsaka niya ako tinitigan.

"Una, si Evan malandi. Alam mo kung gaano siya kalandi 'di ba? Akala nga ng lahat wala ng pag asa 'yun e. But what? He fell inlove me. So deep and so much. Nag bago siya para sa akin kasi nga mahal niya ako at 'yun ang naging rason niya. E si Patricio?" Tanong niya sa akin.

"Gosh, bakla. College palang tayo alam mong wala ka ng pag asa sakaniya. Pero pinakasalan mo pa rin. Tapos ngayong kasal na kayo, may iba siyang babae? Hindi ka niya mahal simula't simula at never siyang nag bago sa'yo kahit kasal na kayo at may mga anak pa. Asawa ka nga niya, may mga anak nga kayo, mahal ka ba niya? Masaya ba kayo?"

"H-hindi."

"O 'di ba hindi? Kaya reasonable naman 'yang pag tutukso ko sa'yo kay Luke. Hindi ko naman ipupush sa'yo ang kaibigan ko kung matinong asawa 'yang asawa mo. Paano ba kayo nagpakasal niyang si Pat ha? Hindi ko alam ang kwento niyo."

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon