Chapter 9

3.6K 154 52
                                    

Ramdam ko ang kamay ni Luke na naka akbay sa may upuan ko. Kanina ko pa gustong sumandal pero hindi ko magawa dahil nga sa kamay niya. Kanina pa ako naka baluktot dito at hirap na hirap na ako. Nangangawit na ang likod ko sa totoo lang.

"You know what, bakit hindi tayo mag set ng swimming? Like sa beach. Sa weekend? G kayo?" Suggest ni Lucia.

Wow. If ever na matuloy 'to, it will be the first outing naming mag kakaibigan ulit.


"Oo nga no? Isasama ko na ang asawa ko para makilala niyo na siya pati ang dalawang anak ko." Ryoga said. "Makabili na nga swimsuit para sa baby ko bukas. Sexy nun e."

"Sexy din naman kami ah?" Bawi ni Lucia. "Hindi ba, Lancie?"

"Ah y-yes."

Although hindi na ako ganon ka confident mag soot ng swimsuit.

"So, ano? G kayo ha? Raine?" Tanong ni Lucia.

"Yes. Anytime, I'm in."

"Kayo Luke and Lancie? Okay lang sa inyo? Sa weekend?"

"Yep." Sagot ni Luke.

"Sige." Sagot ko na lamang din.

Siguro isasama ko na lamang si Aster. Sasabihan ko siya na huwag nalang muna mag punta kina Kai ngayong weekend dahil aalis kami.

"Hindi ka ba nangangawit?" Napa tingin ako sa katabi ko nang bumulong ito.

What the? Malamang nangangawit ako! E hindi ako maka sandal e.

"Ah no. I'm fine." Pag sisinungaling ko sakaniya. Alanganamang sabihin ko ang totoo.

"Bakit hindi ka sumandal?" Tanong niya ulit at napa nganga ako.

Does he want me to lean my back while his hand is there?

"Naiilang ka?" He asked again.

"N-no." Sagot ko sakaniya.

"Then, sumandal ka." Tinaasan niya ako ng kilay. Sumandal na lamang ako para wala na lamang siya sasabihin.

I felt his hand on my back at para akong naginhawaan. Kanina pa ako naka yuko at ito ang gusto kong gawin simula kanina. Naka dikit ang kamay nito sa may likod at para akong nakukuryente. Bakit kaya ako na aapektuhan nang ganito sakaniya?

"Man, nag text na si Rej." Paalam ni Ryoga kay Luke. "Mauna na ako guys. Miss niya na yata ako. Baka gusto niya ng mag sexy time kami. Lam niyo na. Iba talaga kapag ako ang asawa."

"Ang kapal mo, Ryoga." Raine said at mahinang sinuntok niya ito sa may braso niya.

"Well? I'm a good performer in bed. You cannot blame me."

Natawa na lamang ako dahil feel na feel niya talaga. Manyak yata ang isang 'to e.

"Tatawa tawa ka riyan, Lancie. Gusto mo pakitaan kita ng skills ko sa kama?"

What the hell? Ang bastos niya.

"Fuck you, man." Sita ni Luke at hinagisan niya ito ng tsitsirya. "Umuwi ka na nga."

"Sabay na ako." Raine said at tumayo na rin ito.

Hala? Uuwi na sila? Ano? Iiwan nila kami ritong apat?

"Sige. Ingat kayong dalawa. Sendan ko nalang kayo ng details para sa weekend ha? Tawagan ko nalang din kayo if may lakad."

"Sure. Thank you, Lucia. Thank you rin, Evan bro."

"Ingat kayo."

Nag paalam na sila sa amin atsaka na silang umalis na dalawa. Apat nalang kami rito na nag iinom. Anong oras kaya kami matatapos? Makaka uwi pa ba ako?

I Love You, LoveWhere stories live. Discover now