Chapter 28

3.7K 172 136
                                    

"Sigurado ba talaga kayo rito? Pupunta tayo ng Palawan? Tayong anim?" Tanong ni Lucia sa amin.

We are now in the airport and waiting for our flight. I'm with Ryoga, Cole, Lucia, Luther and Aster at gabi na. Mas nauna ang flight nila Lancie at Patricio kaysa sa amin. Maybe about one hour before they had their take off.

"Mukha pa ba tayong hindi sure? E nandirito na nga tayo." Sagot ni Ryoga habang pinapakain niya si Cole. Ako naman ay pinapakain si Aster.

"Taena talaga. Pupunta tayo ng Palawan nang hindi alam ng mga magulang ng bata na 'to na susundan natin sila. Kapag ako nakulong ha."

"Huli lang pero hindi kulong." Tumatawa na sabi ni Ryoga.

"Pati ako na nananahimik sa bahay, sinama sama niyo rito." Reklamo ni Luther habang umiinom ng milkshake.

"Huwag ka na ngang mag reklamo na ulol ka. Wala ka namang gastos." Binatukan siya ni Lucia atsaka niya inagaw ang iniinom nitong milkshake atsaka siya ang uminom.

"Hey, witch! That's mine! Bakit 'di ka bumili?!"

I asked Lucia na tawagan si Lancie kagabi. I told her to tell to Lancie na sakaniya nalang muna si Aster para may kasama si Vanvan dahil aalis si Evan at Lorence. But it was just a lie. Gawa gawa lamang 'yun para magkaroon lang kami ng reason. Pumayag naman si Lancie because she trusts Lucia. Reid is with his grandfather though.

"I'm full na po, Daddy." Aster said to me nang matapos na siyang kumain. Kinuha ko ang towel niya sa bag ko at pinunasan ko ang bibig niya.

"Drink water." Pinainom ko siya ng tubig at kumandong ito sa akin after.

"Tatay na tatay datingan mo riyan Kuya ah."

"Kapag hindi nag work ang sainyo ni Lancie, kidnapin nalang natin 'yang si Abnoy."

"Aster pangalan niya. Bobo ka talaga witch."

"Are you two fighting po? That's bad." Bawal sakanila ni Aster. Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ko ang ulo nito.

"That's normal for them baby. Don't mind them. I told you they are crazy."




Buong byahe namin sa kalangitan ay nag aaway si Luther at Lucia. I think it's a bad idea that I brought Luther with us. They are like cat and dog. Napapatingin na lamang ang ibang pasahero sakanila at ako na ang nahihiya.

"Man, pauuwiin na kaya natin 'yung dalawa. Ako na mag babayad ng ticket nila." Inis na sabi ni Ryoga habang buhat buhat nito si Cole na ngayon ay tulog na. Aster is sleeping in my arms too. He is tired especially may pinuntahan pa sila kanina.

"It's okay. We'll have a peaceful sleep. Si Luther ang kasama niyo sa kwarto. Kasama ko si Lucia."

I stopped in our room at sa katabing kwarto namin ay sila Ryoga.

"Luther, you stay with Ryoga. Lucia stay with us."

Binuksan ni Lucia ang kwarto namin at pumasok ito sa loob.

"Let's just meet tomorrow morning." I said to Ryoga at tinanguan na lamang ako nito.

I went inside our room. May dalawang kama ang naroroon. One king size bed at isang single bed. Humiga agad si Lucia roon sa mas maliit na kama at may katawagan na ito. Maybe he's calling Evan to update him.

Hiniga ko si Aster na tulog na tulog sa king size bed. I smiled just by looking at his innocent face. Inalis ko ang ilang hiblang kulot nitong buhok na sumasagabal sa mukha niya.

"You love that kid so much na no?" Umupo si Lucia sa may likuran ko at yinakap ako nito. Hinawakan ko ang isang kamay niyang nakayakap sa akin.

"Yeah. So much." Naka ngiti na sagot ko.

I Love You, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon