Chapter 30

3.6K 157 95
                                    

"Love, Happy 6th Anniversary too." I said at umiiyak pa rin ako. Hindi siya sumagot at tanging hininga niya lang ang naririnig ko.

"What did you say? Y-you rememb-?"

"Pinagti tripan mo 'ko. Bakit mo 'ko binabati ng anniversary e hindi naman natin anniversary." Bulong ko dahil baka marinig ako ni Pat sa labas though he's still sleeping.

"A-ah? Si R-Ryoga may gawa niyan. Pinag titripan lang nila tayo."

Bwisit na Ryoga na 'to. Anong trip niya sa buhay?!

"Ganon ba? Okay. I'll hang up now."

"Okay, love."

Namatay ang tawag pero panay pa rin ang agos ng luha ko. Kinalma ko ang sarili ko at nag hilamos ako para mahimasmasan. Tinago ko sa likuran ng cellphone ko ang small card na nasa may bulaklak. Gusto kong itago 'to sa akin. Mas maigi ng dito ito naka lagay para mas malayong makita ni Patricio.


Lumabas ako ng CR and he is still sleeping. I look at my watch and it's 2:25 PM na. Tumawag ako sa restaurant ng hotel para mag order ng pagkain. Malamang pag gising niya, gutom na gutom siya.

Nang dumating ang inorder ko ay inayos ko ito sa may table. I looked at my watch again at 2:45 PM na. Hindi pa kaya siya magigising? Jusko. Baka naparami pala ang lagay ko ng gamot.

Umupo ako sa may tabi niya at tinitigan ko ang mukha niyang mahimbing pa rin na natutulog. Anong oras kaya siyang magigising? Nakaka konsensya tuloy pero naging masaya naman ako sa ginawa ko e. Hindi ako nag sisisi. Bwisit Lancie!

Hinawakan ko ang pisngi niya and I smiled sadly while doing it. All my life, he is the only man I have loved. Nagpaka tanga ako, nagpaka martir at siya lang ang inisip ko. Then all of the sudden a man came into my life unexectedly.

Isang lalaki na hindi ko akalaing papatulan ko. Lalaki na nagpaparamdam sa akin ng iba't ibang emosyon na ultimo kay Patricio ay hindi ko naramdaman.

Kung dumating kaya noon si Luke sa buhay ko, si Patricio kaya magiging asawa ko? Pero mukhang malabo ring mangyari 'yon. Kasi noong mga panahong 'yun, may mahal si Luke e.

Unti unting bumukas ang mga mata ni Pat atsaka ko siya nginitian. He smiled at me too and he closed his eyes again. He still looks sleepy.

"Hey, wake up now." I said dahil baka masobrahan siya sa tulog at hindi makatulog mamayang gabi.

"What time is it?" He asked using his husky voice.

"Magti-3 PM na. Nakaka inis ka alam mo 'yun?" Ginalingan ko ang pag aacting ko para hindi niya mahalata na may ginawa ako sakaniya.

"What?! 3 PM?!" He shouted at umupo ito. "I slept the whole fucking day?!"

"Yes, you did." Inirapan ko siya at tumayo ako para lumapit sa table. Inayos ko ulit ang mga pagkain para maka kain na siya.

"Come here and eat please."

"Bakit hindi mo ako ginising? Fuck. Sayang ang araw."

Lumapit siya at umupo sa chair atsaka ko siya tinabihan.

"I tried to wake you up but ayaw mo magising e."

Okay, Lancie. Galingan mo pa ang pag sisinungaling na babae ka.

"Kainis naman. Bukas nalang kaya tayo umuwi? Let's stay one more night here."

"Let's go home na mamaya. Alam ni Reid mamaya na natin siya susunduin kina Papa e."

I Love You, LoveWhere stories live. Discover now