Epilogue

318 52 48
                                    

"Affy!" bati sa akin ni Kuya Ezek, ang kuya ni Enro, habang nasa loob siya ng sasakyan. "Kumusta?" tanong niya sa'kin pagkaparada niya sa tapat ng bahay.

"Ayos lang, kuya," tugon ko habang inaayos ang pagkakasuot ko ng aking backpack.

Medyo napalapit na ako sa kuya ni Enro dahil nga sa paghahanap namin sa kan'ya. Hindi pa rin siya bumabalik sa ibang bansa dahil nga sa paghahanap ng kan'yang nawawalang kapatid.

Tatlong taon namg nawawala si Enro at tatlong taon na rin akong walang balita sa kaniya.

"Ta, umagahan muna tayo bago ka pumunta ng school! May mabuting balita ako." nakangising sabi niya sa'kin.

Pumayag naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at umupo naman ako sa unahan katabi niya. Binuksan ko ang radyo ng kotse na palagi kong ginagawa kapag pinapasakay niya ako dito para hindi na ako mag-isip kung ano ba ang p'wedeng mapag-usapan namin. Pagod na pagod na ang utak at puso ko kakaisip kay Enro.

Napakabait nitong si Kuya Ezek sa'kin. Itinuring niya na rin ako na parang sarili niyang kapatid. Alam niya rin ang nararamdaman ko para kay Enro at nirerespeto niya ako kahit na madalas niya akong inaasar.

Naramdaman ko naman ang paghinto ng aming sinasakyan sa tapat ng isang coffee shop. Hindi ko alam kung anong meron pero mukhang maganda ang mood niya ngayon. Hinayaan niya naman akong makalabas ng kotse at sumunod naman siya sa akin.

Pagpasok namin ay umorder agad siya ng aming maiinom. Humanap naman ako ng mauupuan at hinantay siyang makaupo na rin. Nang matapos siyang umorder ay tinawag ko agad siya para malaman niya kung nasaan ako. Pagkaupo niya sa aking harapan ay may nilabas siyang brown envelop at ipinakta niya rin sa akin ang mga larawang nasa loob nito.

Tumikhim siya at diretsahang tumingin sa akin. "We found Enro."

Sa pangungusap na iyon ay hindi ko alam ang aking mararamdaman. Tatlong taon siyang nawala nang wala man lang pasabi. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa pagbalik niya? Dapat ba akong matuwa o magalit? May karapatan naman ako siguro na magtampo man lang? Naging magkaibigan din naman kami e.

Tinignan ko isa-isa ang mga larawan, mga stolen shots ito ni Enro. Mula siguro ito sa private investigator ni kuya.

Ganoon pa rin naman ang itsura ni Enro, nakaka-inlove pa rin.

"Sa Maynila naglagi ang mokong, kaya pala ang hirap hanapin," dagdag ni kuya.

Gusto kong mainis at mawalan ng pake pero ang hirap talagang gawin n'on pagdating kay Enro. "Ayos lang ba siya? Nakakakain ba siya nang ayos? May natitirhan po ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.

"Easy, Affy!" sabi ni kuya habang natatawa. "He's a working student. Scholar din siya dahil sa skills niya sa soccer. I guess he's really doing well."

"Pupuntahan ba natin siya?" nagdadalawang-isip na tanong ko.

Umiling si kuya. "Hayaan na muna natin," sagot niya. "He seems happy."

Napanatag ako ngunit nasaktan sa huling pangungusap niya. Masaya naman pala siya samantalang ako ay hindi mapakali sa pag-aalala.

Siguro nga ay gusto n'ya muna ng bagong lugar at bagong mga mukha para tuluyan na niyang makalimutan ang lahat ng kaniyang masasalimuot na ala-ala. Kung masaya siya, dapat ay maging masaya na rin ako.

Napatawa naman bigla itong baliw na kasama ko.

Napakunot ako ng noo at tumingin sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.

Para kay Enro (Completed)Where stories live. Discover now