08

202 69 39
                                    

"Wow, wala ka atang pupuntahan ngayon ah?" bati sa'kin ni Ken. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko na naman ang kaniyang matamis na ngiti. Alam mo, sarap mong tirisin 'wag kang magpacute sa'kin please. I'm taken, ay hindi pa nga pala.

"Ah, paano mo naman nasabi?" sagot ko naman sa kaniya nang nakangiti rin.

"Dati-rati lagi kang nagmamadaling umuwi e, pero ngayon nagstay ka para sa reminders," sabi niya at tumabi pa talaga sa akin. Crush nga siguro ako nitong si Ken. Mga galawan ha!

Umupo ako nang maayos at nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. Medyo umiinit ang mukha ko dahil sa pagchika ni Ken sa akin. "Ah oo, baka kasi magalit na sa'kin si mayor. Lagi na lang akong nawawala tuwing may announcements siya e."Ni-zipper ko na ang bag ko nang matapos ako sa pag-aayos at isinuot ko na ito sa aking likuran.

Napatingin naman ako kay Ken nang isinuot niya rin ang kaniyang bag. "Sa totoo lang, ayaw ko rin namang makinig sa announcements niya e. Tungkol lang naman 'yan sa event sa Friday," nakangiting sabi niya sa akin. "Tara na?"

Ang bad influence naman nitong si Ken. Minsan na nga lang ako maging mabuting estudyante e pero sige lang basta siya kasama.

Napaka-blessing din naman talaga nitong si Ken, niyaya niya akong magtusok-tusok sa may kanto, libre n'ya daw. Gaanong kasarap sa tenga 'yon? Naglaway naman agad ako.

"Wala kayong lakad ngayon nung Enro?" tanong nya habang tumutusok ng mga kwek kwek at nilalagay sa disposable cup na hawak niya.

"Wala e, ayaw niya rin ata akong kasama," malungkot na sagot ko. Bahala siya sa buhay niya, napaka-manhid.

"Hala? Paano ko babalik motor niya?" sabi niya sabay tingin sa motor sa tabi niya. Nasa kan'ya pa nga pala 'yong motor ni Enro. Itong si Enro naman, hindi man lang kinukuha.

"Hayaan mo na," bitter na sabi ko saka sumubo ng isang buong kwek kwek. "Sigurado akong makakahanap din 'yon ng paraan kung paano n'ya 'yan makukuha sa'yo."

"Sige, sabi mo e," sabi niya saka sumubo rin ng kwek kwek. "Alam mo ba address n'ya?" tanong naman niya. "Para kung may extra time ako, ako na ang magdadala sa kanya."

Tumango naman ako at ibinigay sa kan'ya ang address ni Enro. "'Yan." Sa kamay niya lang ako nagsulat dahil parehas kaming tamad magdala ng papel. Ngumiti siya at hinawakan ang sulat ko sa kamay n'ya.

"Saka nga pala!" turan n'ya. "May kasama ka na ba sa College Night. 'Di ba this Friday na 'yon?"

Napaisip naman ako at napaliit ang mata sa kanya. "May ganun ba?" tanong ko.

"Oo. Iyon nga 'yong ineexplain kanina ni mayor e," sagot niya habang natatawa. Napakamot siya ng ulo at ngumit sa akin. "Akala ko naman nakikinig ka talaga."

Sorry na sis, sabog ako.

Napangibet ako at napainom ng palamig. "Ah, wala namang umaalok---"

"Pwede ka ba?" Muntik na akong mabulunan ng gulaman nang dahil sa tanong n'ya.

"Ha? Ako? Ayos lang, sige." Wow Affy, 'pag naging choosy ka pa naman e ewan ko na sa'yo. Isang Ken Magsaysay ang sumagip sa College Night mo.

"Sige. Sunduin kita sa inyo sa Biyernes," masayang saad ni Ken habang tinatapik pa ang balikat ko.

"Huy, ang layo ng amin," tugon ko habang nanlalaki ang aking mga mata. "Ma-trapik ka pa. Parehas lang tayo malelate."

"Ayos lang. Basta kasama ko partner ko." Kumindat pa talaga s'ya. Ano ba 'yan, Ken? Napakalandi. "Partner?" dagdag niya sabay taas ng kanang palad na nag-aabang para sa isang apir.

Para kay Enro (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon