13

189 62 14
                                    

"Opo, papagawa po sana ako ng pampalimot. Hindi pa rin po kasi nawawala ang pagmamahal ko kay Enro, nasasaktan lang po ako," pagpapalusot ko sa harap ng mag-asawa at sa harap din ni Ken. Alam kong walang kwenta ang mga sinasabi ko pero kailangan ko man lang mag-isip ng alibi para hindi nila mabuko na sinusundan ko lang talaga si Ken.

Naniwala naman si Mang Ben sa akin ngunit sabi niya ay hindi siya gumagawa ng mga gamot na tulad ng ganyon kaya sinabi ko na lang na magpapahilot ako ng aking mga braso at kamay dahil masakit ang mga ito. Pinaupo naman niya agad ako sa silya sa kanilang salas.

Nakatingin naman sa akin si Ken na nakaupo rin sa isa sa mga upuan. Kanina ko pa ring iniiwasan ang mga tingin niya akin. Hindi ko alam kung bakit biglang nalungkot ako sa ginawa n'ya, tinago n'ya sa amin ang pamilya n'ya. Bakit? Ano ang dahilan n'ya? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya. Humanda s'ya pagkatapos kong magpahilot.

"May bali ka ineng," sabi naman ni Mang Ben pagkahawak niya ng kanang kamay ko.

"Talaga po? Hindi ko po ramdam," sagot ko naman.

"Ay, baka kakaselpon mo lang." Grabe naman 'tong si Mang Ben, ang judger. Hindi p'wedeng dahil sa pakikipaglaban ko sa masasamang-loob? Ang dami ko na rin kayang pinagdaanan, hindi lang ito sa pagce-cell phone.

Sa kabila ng aking mga iniisip ay hindi na lang ako sumagot sa kan'ya at napangibit na lang. Wala na rin namang mangyayari kung magpapaliwanag ako. Ang sarap din naman sa pakiramdam ng paghihilot n'ya kaya hindi na ako papalag.

Pinapanood pa rin ako ni Ken. Hindi pa rin siya nagsasalita. Siguro'y alam na rin n'ya na narinig ko kung paano n'ya tinawag sa Manang Ising.

Ma.

Hay, masyado talaga akong nadidismaya ngayon pero ayoko pa ring ma-turn off kay Ken, bilang isang kaibigan. Syempre naman no, ang dami na rin naming pinagsamahan. Ayokong mabaliwala lang ang mga 'yon nang dahil sa hindi pagkakaintindihan kaya gusto ko talagang marinig ang paliwanang niya. Kahit gaano pang kahaba ito ay makikinig ako.

Pagkatapos akong hilutin ni Mang Ben ay hindi na siya nagpabayad sa akin. Kaibigan ko naman daw ako ni Ken. Sapat na raw iyon para sa kan'ya. Napakabait naman talaga ng pamilyang ito.

Nagpasalamat naman ako nang madami sa kan'ya at sinabing babalik ulit ako para magpahilot. Walang takot ko namang nilapitan si Ken at nagulat naman siya sa paglapit ko.

"Alam kong may sasabihin ka," sabi ko agad sa kan'ya.

"Affy," panimula niya. "Sorry."

Sumenyas ako sa kan'ya na sa labas kami mag-usap. Ayokong marinig nina Manang Ising at Mang Ben ang mapag-uusapan namin. Gusto ko ay kami muna ni Ken ang magkaintindihan.

Dali-dali akong lumabas at nakasunod naman siya sa'kin. Humakbang pa ako ng ilang metro palayo sa bahay nila bago ako nagsimulang magtanong. "Ano 'yon, Ken? Magulang mo sila? Bakit mo tinago?" naiinis ngunit may panghihinayang na saad ko sa kan'ya. Bilang isang kaibigan n'ya, ayoko ng naglilihim s'ya sa akin. Kung ano man ang dahilan n'ya ay tatanggapin ko.

Napa-iwas siya ng tingin sa'kin. "Nahihiya kasi ako atsaka baka isipin nyo rin na may kinalaman ako sa pagkawala ni Kate."

Napapikit ako ng mariin at nilagay ang aking dalawang kamay sa aking bewang. "Hindi naman eh! 'Di ba magkaibigan na tayo?"

Nahihiya naman siyang tumango. "Pasensya na talaga."

Tinapik ko naman ang balikat n'ya. "'Wag mo ng uulitin 'yon a," saad ko.

Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

Hay, bakit hindi ko agad nahalata noong umpisa na magkamag-anak sila. Teka? Mapanalunan ang apelyido ni Manang Ising 'di ba pero sa pagkakaalala ko ay hindi naman ganoon ang apelyido ni Ken?

Para kay Enro (Completed)Where stories live. Discover now