05

257 88 41
                                    

"Po? Bakit nyo po pinakawalan?" agad na bungad ko sa pulis na siyang naka-toka sa lalaking dinala namin dito sa police station kahapon. Mukhang hindi rin siya mapakali, at halata ko ang kaba sa kaniyang pagsasalita.

Hay! 'Yong lalaki na lang na 'yon ang lead namin kay Kate e. Siguradong may kinalaman siya dito sa mga nangyayari, pero 'yon nga, nakawala.

"Eh sabi nitong kasama mo ay jaywalking lang naman e. Tsaka nagpiyansa yung lalaki," palusot na naman ni manong.

Jaywalking? Seriously? Eh muntik na nga akong mapatay non! Sala rin pala itong si Enro. Ano na namang kalokohan 'yon?

"Bakit naman jaywalking lang yung sinabi mo?" naiinis na tanong ko kay Enro.

"Wala na akong maisip." Napa-face palm na lang ako sagot niya. Hay, kasalanan mo rin kung bakit nakawala ang lead natin.

"Pwede namang attempted murder keme keme!" gigil na sabi ko. Ang dami naman talagang pwedeng sabihin! Jaywalking lang talaga?

"Lalo lang lalala sitwasyon," mahinang sabi niya sa'kin.

"Oh ngayon? Saan na tayo pupunta? Nawala na yung pinakalead natin?" kungwaring pagtataray ko sa crush ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Wow?Ikaw na nga tinutulungan e.

"Umuwi ka na. Wala ka bang pasok ngayon?" sabi niya sa akin at akmang lalabas na ng police station. Hay, pagwawalk-out na lang ba ang sagot sa problema?

"Ikaw ba? Wala ka ding pasok? Tsaka bakit mo ako pinapauwi? Tapos napahamak ka sa daan, tapos mag-isa ka lang?" tuloy-tuloy kong sabi habang humahabol sa mabilis na paglalakad n'ya.

Tumigil siya at humarap ulit sa akin. "Paano kung ikaw mapahamak? Problema pa kita d'yan e."

Sus, problema raw. Ayaw mo lang talaga akong mapahamak.

Nilagay ko ang buhok na nakataklob sa mukha ko sa likod ng aking tenga at tinignan siya. "Kahit naman umalis ako sa tabi mo, mapapahamak pa rin ako e. Tignan mo nangyari noong isang araw! Mas safe pa nga siguro kung kasama kita." Kiligin ka naman kahit isa lang.

"Kasalanan mo 'yan. Kinuha-kuha mo pa yung wallet eh," naiinis na tugon niya at naglakad na ulit papalayo. Walk-out king ka ba? Hay nako, stress!

"Teka nga teka nga! Ano nga palang meron dun sa wallet na 'yun?" habol ko sa kanya. Nakarating na nga kami sa parking kakahabol ko.

"Ang ingay mo." Marahas siyang napakamot sa kanyang ulo at saka ako tinitigan ng masama.

Ngumiti naman ako sa kanya pero lalo lang ulit siyang sumimangot.

"Sakay," sabi niya habang pinapagpag ang upuan ng motor niya.

Napailing naman agad ako. "Ayaw ko. 'Di ako nasakay sa motor. Magbabyahe na lang ulit ako. Saan ba punta natin?"

"Bahala ka d'yan." Bigla na lang siyang sumakay sa motor niya at inistart ang makina nito.

"Huy huy! Teka!" Hawak hawak ko yung dulo ng motor at pinagpilitang isakay ang sarili ko parang kung paano ko rin pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya ngayon. Nakakapagod sis. Muntik pa akong malaglag. At yun nga, unti-unti na naman akong nahuhulog sa kanya. Akala ko rin nakamove-on na ako eh. It's a prank pala.

Nakasakay naman ako ng motor niya kahit gusot-gusot na ang damit ko ngayon. Napaka-walang hiya talaga, hindi man lang siya tumigil para makasakay ako nang maayos.

Para kay Enro (Completed)Where stories live. Discover now