23: Plato, Who Are You?

92 10 0
                                    

“Read the 'Allegory of the Cave by Plato' and i-explain mo sa 'kin kung tungkol saan 'yon,” saad ni Sierra. Nakatayo siya sa harap ng binata na ngayon ay napako na sa kinatatayuan niya, tulala at hindi makakilos.

“O, ba't natulala ka? Hindi mo kilala si Plato?” tanong muli ni Sierra dahilan para mapakurap ng ilang beses si Spencer na ngayon ay bumalik na sa normal ang itsura.

“S'yempre kilala ko!” sagot niya't mukhang confident pa.

Tumabingi ang ulo ni Sierra at binigyan ng mapang-inong tingin si Spencer. Mukhang wala siyang tiwala sa sinasabi ng lalaking ito.

“'Di mo kilala.” Pinanatili ni Sierra ang matamlay, walang buhay ngunit malinaw na pagsasalita.

“Alam ko 'yon!” sagot ni Spencer habang lumilingon pa sa paligid kung may nakaririnig ba sa kanilang dalawa. Baka kasi mamaya nakakaistorbo na sila sa pagbabasa ng iba.

“Kakakita ko nga lang sa kanya kanina, e!” sabi pa ni Spencer. Tumindig ito ng maayos dahilan para mas lalong manaig ang pagiging mas matangkad niya sa babaeng katalo niya sa argumento.

“Saan?” tanong ni Sierra habang pinagkrus ang dalawang braso sa kanyang harapan.

“Sa cafeteria,” sagot ni Spencer na malakas na muli ang loob. “Plato, kinakainan 'yon, 'di ba?”

Ngumiwi si Sierra oras na narinig ang mga sinabi ni Spencer na walang katuturan at silbi— pawang kalokohan lang at walang kaseryosohan, 'di niya katulad.

Inirapan niya si Spencer kasabay ng pagtalikod at paglakad ng mabilis bitbit ang bag, libro at iba pang mga gamit na mabilis niyang pinagdadampot ngayon-ngayon lang.

“Oy, saglit! 'Di ka naman mabiro!” ani Spencer nang hawakan ang braso ng dalagang kanina'y nakatalikod dahil aalis pero ngayon ay nakaharap na ulit sa kanya. Mabuti na lang naabot niya pa si Sierra.

“'Pag nabasa ko 'yon? Friends na tayo?” tanong ni Spencer, seryoso na ito at hindi na makikitang nagbibiro. Kaya niya naman palang magseryoso, bakit niya pa laging binubwisit itong si Sierra? Mapang-asar!

“Let's see.”

Tumalikod na si Sierra matapos ibigay ang malamig niyang tugon sa binata. Pinagmasdan ni Spencer ang babaeng naglalakad palayo sa kanya, palabas ng library.

Natulala siya at doon sa gilid ng bookshelf ay nakita niya ang masungit na librarian— si Madam Fiona Libranda— nakatingin ng masama sa kanya na animo'y nakagawa siya ng isang napakabigat na kasalanan— iyon ay ang pagiging maingay niya at malakas ang boses dulot ng pagtatalo nila ni Sierra kanina.

Kinawayan at nginitian niya si Madam Fiona kasabay ng pagtakip sa bibig niya. Namilog ang mga mata niya at bumaluktot ang labi niya. Slow motion pa siyang tumatalikod at nang makatalikod na siya ay binilisan niya ang lakad hanggang sa makatakas siya kaya Madam Fiona.

“Ay, keso— Gie!” gulat na ani Spencer na napalingon sa katabi niyang nakatingin na rin sa tinitingnan niya. Nagulat siya kasi hindi niya alam na nando'n na pala si Reggie sa tabi niya.

“OA mo,” ani Reggie na napailing lang.

“Aatakihin ako sa puso sa'yo!” inis nitong sabi at lumayo ng kaunti sa kaibigan dahil masyado nang malapit ang mga mukha nila.

“Oo, aatakihin talaga tayo ni Ma'am Pananaliksik,” sabi ni Reggie at nauna nang maglakad.

“Cheese!” ani Spencer at sinundan ang kaibigan “Yung masungit na 'yon?”

“Malas!” umiiling niyang sabi.

Naglakad silang dalawa palabas ng library hanggang sa makabalik sila sa room. Pagsilip nila sa pinto ay naroon na sa harapan ang teacher nila.

“Magandang umaga!” bati nito sa eskwela at nagtayuan na ang mga kaklase nila. Sa puntong iyon sila sumalisi, pumasok sila habang nakatayo ang mga kaklase.

“Magandang umaga rin po, Gng. Ana Losala!” sabi ng dalawa na nakisabay sa mga kaklase nila. Nakayuko silang tumakbo papasok kanina at maswerte silang hindi napansin kaya naman nakarating sila sa upuan nila na hindi nasasabon.

Si Ana Losala ang teacher nila ngayon na teacher din nila Sierra, dalawang strand kasi ang hawak niya— STEM at HUMSS.

Sina Reggie at Spencer na akala mo pinagkaitan ng kaligayahan na nagtiyaga matapos ang isang oras na subject ng masungit na gurong si Ana Losala at ng mga sumunod pang subject ay nagkaroon din ng kalayaan nang matapos na ang klase nila sa buong araw. Iniluwa sila ng pintong kanina pa nila gustong buksan, tumakbo ng mabilis paalis ng High School Building at papunta sa athletic fields.

“Yeah!” masayang sigawan sa baseball field ng mga katatapos lang maglaro na kabilang si Spencer. Inapiran niya pa ang mga kasama na kinuha na rin ang mga gamit dahil magtatakip-silim na, kailangan na nilang umuwi para hindi masyadong gabihin.

••••••

“Gie, tulungan mo na 'ko!” sabi ni Spencer. Makailang ulit niya na ring sinasabi kay Reggie 'yon. “Sabi mo, tutulungan mo 'ko! COC ka lang nang COC d'yan!”

Nandito sila sa kwarto ngayon ni Spencer dahil after ng practice game kanina ay nagkita ang dalawa sa field at napagkasunduan nila na mag-overnight si Reggie sa bahay nila. Napag-usapan na nila 'yon kanina sa klase at maayos na ang lahat pero heto ngayon ang dalawa sa realidad na malayong-malayo sa inaasahan nila.

Ang eksena nilang dalawa ay si Spencer ay nakaburat ang mga mata sa harap ng kanyang laptop, busy sa paghahanap no'ng story ni Plato na pinapabasa ni Sierra na hindi niya pa rin mahanap-hanap tapos itong si Reggie sitting pretty sa kama ni Spencer, feel na feel at home habang magkakrus pa ang mga paa, busy sa paglalaro ng Clash of Clans.

“Wait lang p're, mayayari na,” sagot niya kay Spencer— kanina niya pa rin sinasabi 'yan— at nanatiling nakapako ang tingin sa screen ng cellphone, seryoso sa kanyang laban.

“Hay! 'Wag na nga!” pagmamaktol ni Spencer at inexit na ang Chrome dahil wala siyang ibang makita sa Google Image Results kundi mga picture ng iba't ibang breed ng buwaya. Ano ba kasing sine-search niya?

Nag-browse siya sa Instagram sa cellphone at inihinto muna ang pagse-search sa laptop hanggang sa makailang scroll siya ay picture ni Miss Lhera ang nakita niya. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha at gumanda ang awra nito na para bang nakita niya na ang solution sa problem sa matematika kumbaga.

“Hello, Miss Lhera.” Binati ni Spencer ang teacher na kanyang tinawagan dahil nakita niyang active ito. Si Miss Lhera Pontillas ang maalam pagdating sa Philosophy dahil ito ang subject na itinuturo niya kaya naman, hindi nagdalawang isip si Spencer na humingi ng tulong at saka isa pa, mabait naman ang teacher na 'to kaya hindi siya nag-alangan.

“Miss Lhera?” ani Reggie na pumapalakpak ang mga tenga sa tuwa't napabalikwas sa kinauupuan nang marinig ang pangalan ng gurong iyon. “Whoa! Sexy cow!”

Tinampal ni Spencer ang bibig ng kaibigan dahil baka marinig ito ng teacher. Napakaganda ng timing ni Spencer dahil inabala niya ang pag-i-skincare ng teacher, mayro'n pa itong ebidensiya na white cream moisturizer sa mukha.

“Oh, Spencer, bakit napatawag ka?” sagot ng teacher na kausap ng dalawa sa video call. Ipinagpatuloy nito ang pagpapahid ng cream sa mukha na hindi pa nalalagyan.

“Sorry po, ma'am sa abala. May itatanong lang po sana ako?” ani Spencer habang tinitingnan-tingnan pa ng masama ang katabi na si Reggie na ngayon ay nakikisilip na rin at tinatanaw ang kausap niya sa video call.

Snicker & TearsWhere stories live. Discover now