02: Lonely Eyes

392 26 1
                                    

Pinapanood ni Sierra kung paano tumawa ang binata at kada-segundong lumilipas ay tila pinupukpok ang ulo niya sa sakit. Hindi niya na kaya pang tiisin pa ang naririnig niya.

Hindi niya gusto.

Ayaw niya sa masaya.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata na kanina'y pinagmamasdan ang masayang mukha ni Spencer kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. Nanginginig ang kanyang kalamlam at parang gusto niyang sumabog na ng tuluyan kung kaya't para maibsan ang kanyang pagkamuhi sa lalaking nasa harap niya ay idinilat niya ang kanyang mga mata pero wala siyang nadatnan.

Nasa'n na 'yon? Saan napunta si Spencer?

Iginala niya ang kanyang dalawang mata at wala siyang nakita nang lumingon siya sa kaliwa, tanging hallway na walang estudyanteng naglalakad.

“Peng! Tara na 'tol!” Napalingon si Sierra sa direksyon sa kanan niya at doon niya nakita ang likod ni Spencer. Naglalakad ito palayo sa kanya at palapit sa mga lalaki na mukhang mga kaibigan niya.

"Nando'n na ba sila?" Kahit malayo na si Spencer ay narininig pa rin ni Sierra iyon dahil medyo napalakas ang sabi ng binata para marinig siya ng mga kaibigan niyang nasa gawing dulo ng hallway na tumatawag sa kanya.

Pero hahayaan ba ni Sierra na umalis lang ng gano'n si Spencer nang wala siyang ginagawang kahit ano? Matapos sirain ng binata ang matahimik niyang mundo? Matapos niyang ipakita kung gaano siya kasaya habang tumatawa sa harap niya?

Of course not!

Hindi niya hahayaan at hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito.

Ang tulad ni Sierra na bully, sa ganitong oras at pagkakataon ay laging handa sa mga sitwasyon na gaya nito. Kinuha niya ang tumbler niyang bakal na nakasuksok sa gilid ng kanyang backpack bag.

Sinipat niya ang ulo ni Spencer habang nag-iipon ng pwersa at pinapalakas ang kamay gamit ang nabuong galit niya kanina. Sa perpektong pagkatataon ay pinakawalan niya ang pinaikot-ikot na bakal na tumbler at tulad ng inaasahan niya ay tumama iyon sa likod ng ulo ni Spencer dahilan para magulat at mapamura ang binata sa sakit.

Hinahaplos ng binata ang likod ng kanyang ulo ng sa gano'n ay maalis ang sakit na nararamdaman niya. Mukhang magkakabukol yata siya, ah! Napakalakas naman kasing bumalibag nitong si Sierra.

Bumaba si Spencer at pinulot ang tumbler na bakal. Pinagmasdan niya 'yon at sa pagkakataong iyon ay apat bagay ang pumasok sa isip niya...

First of all, iyon ang bagay na tumama sa ulo niya.

Second, hindi lang basta iyon tumama kundi may nagbato nito sa kanya.

Third, alam niyang sa likod iyon galing at alam niya na ang babaeng iyon ang salarin.

Kasabay ng pagtayo niya matapos pulutin ang tumbler ay ang pagpihit ng katawan niya sa direksyon sa likod niya kung saan masamang nakatingin sa kanya si Sierra. Nakita niya kung gaano katalim ang mga titig ng dalaga; kung paano manlisik ang mga mata nito sa kanya.

Humakbang ang binata papunta sa direksyon ni Sierra pero nang mapansin iyon ng dalaga ay ikinilos nito ang kanyang mga paa paatras hanggang sa tumalikod at tumakbo palayo.

Malalakas na halakhak naman ang lumabas sa bibig ni Spencer habang pinapanood niyang maglaho sa paningin niya ang dalaga.

Lastly, wala siyang balak na gumanti sa bumato sa kanya. Isasauli niya lang naman ang tumbler nito pero naging overreacting 'tong si Sierra at nagtatakbo na akala mong naduwag o nakakita ng multo or what.

Sa'n napunta yung angas niya kanina? Ba't bigla siyang umurong sa laban na sinimulan niya? Silly girl.

“Tol, tara na!” tawag sa kanya ng isa sa tatlong lalaki na kanina pa siya niyayayang umalis.

Hinarap niya ang direksyon patungo sa mga lalaking tumatawag sa kanya. Tumatawa pa rin siya hanggang ngayon dahil hindi niya na mapigilan kahit ayaw niya na at naglakad siya hanggang sa makarating sa mga lalaking ‘yon.

“Sino 'yun, 'tol?” tanong ng isang lalaki na ang tinutukoy ay walang iba kundi si Sierra.

“May galit yata sa ‘yo, siguro binusted mo?” sabi pa ng isa habang si Spencer ay wala pa ring imik at tinititigan lang ang tumbler na ibinalibag sa kanya ng babae.

“Wala ‘yon, binigay niya lang sa ‘kin ‘tong tumbler," ani Spencer habang marahang pinaiikot sa palad ang tumbler na hawak niya.

“Napakabrutal niya naman magbigay,” nakangising saad no'ng isa dahilan para mabanas si Spencer sa kanilang tatlo dahil sa kakulitan nila.

“Ayy! Tara na, kadaldal n‘yo!” Naunang bumaba ng hagdan si Spencer at sinundan siya ng mga kasama niya.

Samantala, si Sierra ay nakauwi na ng bahay. Bumungad sa kanya ang mama niyang tahimik na nakaupo sa upuang gawa sa kahoy. Paboritong pwesto ng mama niya iyon at sa t'wing uuwi ang anak niya ay nakikita niya ito kaagad dahil nakaharap siya sa pinto.

Nilapitan ni Sierra ang mama at inabot ang kamay nito para magmano. Isang mainit na yakap pa ang ginawad niya sa mama niya bago tuluyang pumanhik sa hagdan pataas. Pumasok siya sa madilim niyang kwarto, halos puro itim ang kulay na makikita sa bawat sulok na silid na siyang nagpapadilim lalo at nagiging dahilan upang hindi makapasok sa loob ang liwanag na nagmumula sa labas.

Inilapag niya ang kanyang bag at hinubad ang unipormeng suot. Marahan siyang naglakad patungo sa banyo at nang makarating siya roon ay tahimik siyang tumulala sa isang direksyon.

She's sad but happy. Happy 'cause she's sad.

Tears began to fall from her lonely eyes at hindi niya pinigilan ang sarili sa pag-iyak dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya. Natatakot siyang maging masaya. Because for her, whenever she felt happiness... there's always something bad happens and she wants to avoid it.

Pumapatak ang luha niya kasabay nang pagpatak ng tubig na nanggagaling sa shower. Hindi niya kailangang pigilan ang pag-iyak dahil siya lang naman mag-isa. Siya lang naman lagi ang karamay niya. Walang ibang makakakita sa kanya at walang ibang makakaalam kundi siya. Pakiramdam niya ay siya na lang mag-isa.

Salungat sa kalagayan ni Spencer ngayon na kasama ang kanyang mga ka-teammate sa baseball. Nandito sila ngayon sa baseball field ng school at siya ay kasalukuyang nakikipag-high five sa mga nakalaro nila. Ang laban na naganap kanina ay nagsilbing practice na rin nila para sa darating na laban na pinaghahandaan nila.

“Bro! ‘Musta laro?" tanong ni Reggie na kararating lang galing sa football practice. Siya ang kaibigan ni Spencer, nagkakilala sila dahil pareho silang part ng Sports Club at saka ng school's team. Si Spencer ay part ng baseball team at sa football team naman si Reggie.

“Ayos lang,” sagot naman ni Spencer na nagpupunas ng pawis gamit ang puting bimpo na hawak niya. “Ayy! Ba’t ka ba nanghahampas!?”

“Wala lang, bakit ba?” ani Reggie. Ugali niya na ‘yon, nanghahampas kapag natutuwa o kapag walang masabi. Namimisikal siya.

“May bukol ako sa ulo, ‘wag kang ano d’yan!” inis na sabi ni Spencer saka tumayo at kinuha ang mga gamit.

“Ba’t ka naman nagkabukol?” hindi seryosong tanong ni Reggie sa kaibigan. “Sinong tumira sa ‘yo? Sabihin mo sa ‘kin at ako ang bahala.”

Snicker & TearsWhere stories live. Discover now