22: Spencer's Mediocre Day

91 12 1
                                    

Tahimik na ipinagpatuloy ni Sierra ang pagbabasa niya sa book na ‘Introduction to Philosophy of the Human Person’, kagabi niya pa binabasa 'yon noong nanggugulo sa kanya si Spencer.

“P're, tara tumambay sa library.” Sina Reggie at Spencer naman ay nasa cafeteria ngayon kasama ang iba nilang kaibigan from Interscholastic Sports Association.

“Bakit? Anong gagawin natin do'n? May assignment ba?” tanong ni Spencer matapos magpaalam ng mga kasamahan nila at sila na lang ang naiwan.

“Wala, naisip ko lang.” Ngayon ay naglalakad na sila paalis ng cafeteria.

“'Wag na nakakatamad,” sabi naman ni Spencer na ayaw pumayag sa sinasabi ng kaibigan.

Kakaunti lang ang mga estudyante rito sa library kaya naman napakagaan ng pakiramdam ngayon ni Sierra dahil malayo siya sa ingay at gulo pero hindi na ngayon dahil sa dalawang lalaking paparating.

“Ikaw na mauna,” utos ni Reggie kay Spencer na nasa likod niya. Nakabusangot at halatang napipilitan lang sumunod sa kaibigan.

“Hooh! Edi ikaw!” sagot ni Spencer at itinulak ang kaibigan.

“Ay, Peng!” Hinatak ni Reggie si Spencer na nakatalikod dahil aalis na at iiwan siya.

“Ayoko matulog!” sabi ni Spencer nang muli siyang mapaharap sa kaibigan.

“'Di naman ikaw, e! Ako,” sagot naman ni Reggie na iniiwasang lakasan ang boses dahil nasa labas na sila ng library.

“Sige na, sige na!” ani Spencer na wala nang nagawa kundi ang sumunod sa kaibigan na nakaakbay sa kanya ng mahigpit.

Nag-sign muna sila sa log book bago tuluyang pumasok sa library.

“Hello, Madam Fiona Libranda,” ani Reggie saka ngumiti. “You look lovely today,” sabi pa nito at kinindatan ang masungit na librarian na pinandilatan lang siya ng mata. Madaling naglakad papasok ang dalawa sa takot at naghanap na sila ng mauupuan.

Naupo na si Reggie sa napili niyang pwesto sa gawing dulo kung saan may katapat silang mga babae sa kabilang table.

“Sa tingin mo makakatulog ka sa ginagawa mong 'yan?” tanong ni Spencer kay Reggie. “Nagpapatigas ka lang, e!”

Umiiling na tumayo si Spencer at iniwan ang nahihibang na kaibigan. Pumunta sa mahaba't mataas na bookshelf si Spencer para maghanap ng librong babasahin. Hindi naman siya palabasa at sa totoo lang tumatambay lang sila rito sa library hanggang sa makarating siya sa dulo ng bookshelf.

Hinugot niya ang panghuling libro na nahawakan at naglakad hanggang sa lumampas na siya sa bookshelf. Natatanaw niya na ngayon ang mga reading tables na pwede niyang upuan.

Binawi niya ang tingin pero kaagad niya ring ibinalik kung saan siya may nakita. Nakita niya si Sierra na nagbabasa at nagulat siya dahil hindi niya alam na nandito rin pala ang babae. Naaalala niya pa ang ginawa niya kagabi at baka galit ito sa kanya kasi binlock siya nito sa Instagram.

“Holy cheese!” mahinang sabi ni Spencer at halos wala nang boses dahil nasa library siya. Kumubli siya sa bookshelf at nang sinilip niya ulit si Sierra ay nakatingin na ito sa kanya at hindi na siya nakawala pa kahit na itinakip niya pa sa mukha niya ang libro na nakuha niya.

Wala na. Nakita na siya kaya naman wala ng dahilan para magtago pa. Bumuntong hininga siya at tinanggal ang librong itinakip niya sa mata gawa ng pagkabigla niya kanina.

Patay-malisya siyang naglakad papunta sa kinaroonan ng dalaga na ngayon ay hindi na siya tinitingnan at nagbabasa na ulit ng tahimik.

“Hey, @ponsierra!” bati ni Spencer nang makarating sa kinaroroonan ni Sierra. Tinawag niya ang babae sa username nito sa Instagram.

“What are you up to? @pengpeng_desarapen?” sagot naman ni Sierra sa lalaking nakatayo sa harapan niya at iniinis siya sa pamamagitan ng pagngiti nito.

“Makikiupo lang, ho... saka magbabasa rin,” ngiting sagot nito sa babaeng walang kagana-gaba. “Bakit ho miss, ikaw ba may-ari nitong library?”

“Dito pa talaga sa tapat ko? Maraming space sa kabila saka maluwag din do'n sa dulo.” Tumingin si Sierra sa dulo kung saan walang mga estudyanteng nakaupo. Spencer gave glimpsed at the same direction.

“Ay, 'di ako rito uupo sa tapat mo.” Naglakad si Spencer hanggang sa makarating sa dulo. Tinitingnan naman siya ni Sierra. “Dito 'ko uupo...” sabi pa nito nang makaikot at hinila ang upuan na hawak. “Sa tabi mo.”

“'Wag ka ngang ngumiti, mukha kang tae.” Inirapan ni Sierra ang lalaking nakatayo na sa gilid niya. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa na ginambala nitong si Spencer. Samantala, kaagad nabura ang mapang-inis na ngiti sa labi ng binata.

“P'wede bang magtanong?” tanong nito sa magalang at mabait na tono. Hindi siya gan'yan dati. Anong nakain niya? Namatanda ba siya? May lagnat?

“Oo, pero isang beses lang,” sagot ni Sierra habang gumagalaw ang mata dahil tahimik siyang nagbabasa at hindi hahayaang maistorbo ng nang-iistorbo na katabi.

“Bakit mo 'ko binlock sa IG?” tanong ni Spencer at kumalumbaba siya— nakangiting pinagmamasdan ang mukha ni Sierra na walang sigla, matamlay— as usual.

“Pangalawang tanong na 'yan. Hindi ko na 'yan masasagot.” Sumagot ang dalaga at hindi na ulit umimik pa. Tahimik niyang binubuklat ang bawat pages ng book. Spencer was just observing her actions.

“Nagbabasa ka.” Tiningnan ni Spencer ang seryosong mukha ni Sierra na ngayon ay parang wala nang naririnig.

“Anong binabasa mo?” tanong pa ni Spencer pero dedma pa rin si Sierra. Ayaw niya nang pansinin ang nagpapansin na binata.

Ang ginawa ni Spencer ay dumasog siya at lumapit pang maigi sa dalaga. Para na siyang giraffe ngayon— sobrang haba ng leeg niya dahil sinisilip niya ang librong binabasa at pinagkakaabalahang basahin ni Sierra— kung bakit hindi siya magawa nitong pansinin.

“Cheese!” bulalas ni Spencer sa katamtamang lakas ng boses. “Philosophy na naman?”

“Kaya pala...” sabi pa niya habang tumatango-tango. Lumayo na siya nang kaunti at ibinalik ang dating pagitan ng distansiya nila ni Sierra. “Pilosopo.”

Narinig iyon ni Sierra kaya naman sinamaan niya agad ng tingin si Spencer.

“Joke lang, peace.” Naka-peace sign pa ang dalawang kamay nito habang ang mga mata ni Sierra na para bang nagdidilim— kulang na lang, e, patayin siya sa pamamagitan ng titig.

Umiwas na ng tingin si Spencer dahil hindi niya na kayang makipagtitigan sa babaeng ngayon ay daig pa ang mabagsik na tigre kung makaangil.

“Seryoso na,” sambit ni Spencer habang diretso lang ang tingin. “'Yung about sa kahapon, no'ng uwian sa may—”

Huminto siya dahil ayaw niya nang magpaligoy-ligoy pa sa sasabihin.

“Hay, paano ba kasi maging kaibigan mo?” tanong niya, mabilis na tumatayo sa kinauupuan sabay hampas ng dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa dahilan para lumikha siya ng ingay sa loob ng library. Ano ba naman 'yan, Spencer? Hindi ka nag-iisip, bawal mag-ingay sa library. At saka, ba't parang galit?

Napatingin ang mga nagbabasa at sa ibang tumitingin ng librong babasahin sa book shelf. Hindi na ito pinansin pa ng dalawa.

Inis na itiniklop ni Sierra ang librong binabasa at tinapunan ng tingin ang katabing lalaki na ayaw siyang patahimikin. Nagtitigan silang dalawa. ‘Walang kukurap challenge’ yata 'to. Mabilis na tumayo si Sierra dahilan para umusad patalikod ang bangko niya at ang lamesa ay bahagyang umusad paharap.

“Gusto mo talaga?” tanong ni Sierra sa lalaking ngayon ay tumayo na rin at nakikipagtitigan pa rin.

Marahang tumango si Spencer habang hindi inaalis ang tingin kay Sierra. In fairness, gusto niya talaga!

Snicker & TearsWhere stories live. Discover now