Cheating

795 14 6
                                    

I have a boyfriend for 3 years. Sobrang mapagmahal at intindihin niya. Gagawin niya ang lahat mapasaya lang ako kahit magmukha pa siyang tanga. That's why i love him at all cost.

But these past few days, nagiging cold na siya sa akin at minsan niya nalang ako inaaya sa date. I became confused because of his sudden actions pero binalewala ko nalang yon kasi mahal ko siya.

Im busy eating my snacks when someone knocked at the door.

"Bukas yan!" Sigaw ko

"Hoy Silva!" Inalis niya naman ang kamay niya sa mga mata ko at tumawa, "Tss."

"Piattos na naman?"

He's Reiner Silva, my childhood bestfriend.

"Oo baket?"

"Akin na nga yan."

"Ibalik mo nga saken yan! Gutom ako!"

"Kumain ka ng kanin you hard-headed brat."

-

2 weeks without calls nor texts from my boyfriend, Darrel. Im getting insane. Damn.

"Nag aalala na'ko, Rein. W-What if may nangyaring masama sa kanya?"

"Shhhh. Maayos lang naman siguro yon. Wag kanang umiyak okay?" Niyakap niya ako, "Nandito lang ako.."

"Thank you, Rein. Mabuti k-kapa"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non ang boyfriend ko na halatang nag aalala

Inalis ni Reiner ang pagkakayakap niya sa akin at tumakbo sa akin si Darrel saka ako niyakap.

"Im sorry baby.. i'm here. i love you so much."

Yumakap ako pabalik. Napalingon ako kay Reiner, ngumiti siya na halatang peke saka siya umalis.

-

Today is our 4th Anniversary and plano kong makipaghiwalay sa kanya. Alam kong mali pero habang tumatagal ay nahuhulog ang loob ko sa bestfriend kong si Reiner. Siya yung laging nandon at nagcocomfort sakin, bagay na dapat ay ginagawa ni Darrel.

Mahal ko ang boyfriend ko pero mas Mahal ko na si Reiner ngayon. You can't blame me. Masyadong walang oras si Darrel sa akin kaya ang oras ko ay itinuon ko nalang din sa bestfriend ko.

I know this is a kind of Cheating but i dont care. Mas mabuting kami nalang ni Reiner ang magkatuluyan. Alam kong parehas lang kami ng nararamdaman.

"Meet me at my restaurant" text niya

"I love you" dagdag pa niya

"Im on my way. I love you. Mianhe" reply ko. Hindi naman siya nakakaintindi ng Hangeul.

30 minutes akong bumyahe papunta sa Restaurant niya na dapat sana ay magiging 'amin' pag kinasal na daw kami. Pero dahil sa plano kong pakikipaghiwalay ay hindi na iyon mangyayari pa.

Walang tao sa loob ng resto pagkarating ko doon. Papalabas na sana ako nang may narinig akong mga ingay galing sa Kitchen kaya pumunta ako doon nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay.

"Darrel-- ah.. m-may girlfriend ka"

"Mahal kita"

"M-mahal din kita pero--- uhmm"

Nagtago ako sa isang sulok para makita kung sino ang naroon.

And I saw my boyfriend..










Kissing with my bestfriend.

Gulat na gulat ako sa aking nakita. Naging mapusok ang kanilang mga halik. Inalis ko ang paningin ko sa kanila at umalis na doon.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa nasaksihan

All this time, I thought I AM the one who's cheating but im wrong.

Ako pala yung niloloko.. at pinaglalaruan.

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now