Betrayal (Part 2)

136 9 4
                                    

Hindi ko maiwasang isipin ang naging reaksiyon niya kanina no'ng umamin ako.

Nandiri ba siya? Tama ba 'yong nakita ko?

Pinunasan ko ang pisngi ko nang maramdamang nababasa na naman ito. Ganon na pala ang impact niya sa akin. Kahit wala siyang sinabi, sa mga mata at reaction niya pa lang.. nasasaktan na ako.

"Gago okay kalang ba? Ba't ka naka shades, first time ah?!" Agad na bungad sa akin ni Ryle nang magkita kami sa Art Club.

"I'm.. fine." Pagsisinungaling ko.

Tumingin ako sa kanya pero agad din namang nag-iwas ng tingin nang makita ko kung gaano siya kasaya habang nagtatype sa phone niya.

"B-Bat 'di mo kasama si Mi—"

Naputol ang sasabihin ko nang agad siyang tumayo at inayos ang mga gamit niya.

"Gotta go bro!" Ginulo niya ang buhok ko at nagmamadaling tumakbo palabas.

Nakayuko lang ako at hinayaan na ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Kahit hindi ko man tanungin, si Mika ang dahilan kung bakit siya nagkaganon.

-

Nag aayos lang ako ng mga art materials ko pagkatapos ko magdrawing nang may kumatok sa pinto ng unit ko.

Inis naman akong nagtungo roon at ready nang sigawan kung sino man ang nantitrip sa akin. 10 na ng gabi at may gana pang kumatok sa pintuan ng iba.

Binuksan ko ang pinto at ang kaninang mga naiisip kong isigaw ay nakalimutan ko na nang makita kung sino ang nandoon!

"M-Mika? Late na anong ginagawa-"

Hindi ko napatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin.

"I'm sorry. I shouldn't have left you there."

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagpasya akong tumahimik na lamang.

"Im sorry, Aya." Hindi na siya makapag salita ng ayos kaiiyak. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at dahan dahan siyang pinapabitaw.

"Hey. It's okay.." Pilit akong ngumiti para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko.

"Okay lang naman 'yon. Sanay na ako." Para namang hindi ako nasasaktan kada kita kong nagde-date kayo.

Para namang hindi ako nasasaktan tuwing nakikita ko ang mga ngiti ng bestfriend ko kapag katawagan ka niya.

"I'm sorry." Pinunasan niya ang luha niya using the back of her hand. "I.."

"I need to go."

She sighed before hugging me again. Yung yakap na 'yon, parang iyon na ang huli. Pakiramdam ko.. iyon ang paraan niya ng pamamaalam.

"Aya.."

"Hmm?"

"The feelings are mutual." Aniyang ikinalito ko. "But.. this is wrong."

"Masasaktan ko.. yung taong walang ginawa kundi mahalin ako ng buo." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"Masasaktan ko yung taong bumuo sa 'kin. Kahit.. kahit nung una hindi dapat.. pero nangyari na. I'm sorry."

Tuluyan niya na akong binitawan. She kissed my cheek before leaving me.. dumbfounded.

-

"Aya.. pwede kabang makausap?"

Napaangat ako ng tingin sa nagsalita, siya naman ang naka shades ngayon.

"Gaya gaya kaba?" Pilit akong tumawa bago ibinalik sa sinusulat ang paningin ko.

"I am asking you.. pwede kabang makausap?" Pag uulit pa nito. I bit my lower lip before nodding.

"Sure. Hintayin mo ako sa labas."

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Mabuti nalang at dismissal na, panigurado kasing mag-aaya siya ng gala.

"Ryle." Tawag ko sa kanya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo at inayos ang gitara niya.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong nito habang naglalakad kami palabas ng school.

"Kahit saan na."

"Okay.. I brought my car with me." Nagtungo kami sa parking at sumakay sa kotse niya.

Wala akong ginawa kundi sumandal lang sa bintana ng kotse at pinapanood ang bawat puno, bahay at sasakyan na madadaanan namin. Hindi din naman ako makakatulog dahil sabi niya malapit lang naman daw yung pupuntahan namin.

"We're here."

Pinagbuksan niya ako ng pinto, "Salamat."

Iniwan ko na doon ang bag ko para wala nang abala pa.

Pinagmasdan ko ang paligid, maaliwalas. Kitang kita ang mga city lights sa 'di kalayuan. Maggagabi na kaya kitang kita ang sunset mula rito. Nasa burol ba kami o bundok? I don't know.

"Aya. Dito!" Tawag niya sa 'kin. Sumunod ako at nagtaka sa pinrepare niyang picnic mat. May parang led lights pa sa gitna at nandoon din ang gitara niya.

"Ano 'to?" Tanong ko nang makaupo sa harap niya. "Weird mo. Mag-uusap lang tas ganito. Gara naman natin Mr. Rich Kid."

Natawa siya, pero parang pilit 'yon. Alam kong may problema kaya inaya niyakong makipag usap at sa ganito pang lugar. Hindi niya na rin suot ang shades niya, kahit madilim.. kitang kita ko ang namamaga niyang mga mata.

Hindi na ako nagtanong at pinanood na lamang ang mga ibon sa kalangitan habang nagsstrum siya ng gitara niya.

"Pakinggan mo 'tong ginawa kong kanta." Aniya. Tumango ako at pumikit, dinadama ang malamig na hangin.

"Sa likod ng kanyang mga ngiti nakikita ko ang lungkot." Panimula niya.
"Lumbay na dahil sa iyong paglisan. Ako ang labis na nasasaktan."

"Tila may mahika sa iyong mga mata, kung bakit nais niya laging pagmasdan.
Ako ang narito ngunit presensya mo ang hanap at nais mahagkan."

Hindi ko alam kung bakit natatamaan ako at nasasaktan dahil sa kanta. Para saan ba to? Para kanino to?

"Nangako kami sa isa't isa, akin siya at ako ay kanya. Kasinungalingan pala.. dahil ikaw.. ang sinisigaw ng puso.. niya."

Doon ko na iminulat ang mga mata ko. Nababasag na ang kanyang boses.

"Ryle.." Umiiyak siya.

"Bakit Aya? Bakit?" Iyak nito. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.

"Bakit.. bakit pakiramdam ko.. hindi na ako?" Parang napipi ako sa mga sandaling iyon.

Siya naman ang mahal ni Mika.. hindi ako.

"Masaya ako kasi naging close kayo.. yung bestfriend at girlfriend ko.. close. Pero.. pero bakit ganito Aya? Bakit parang inagaw mo naman siya sa akin?"

"Wala akong inaagaw, Ryle."

"Pero gusto mo siya!" Sigaw niyang ikinagulat ko, "At.. at gusto ka rin niya.. diba?"

"I was there. That night.. nung.. pumunta siya sa condo mo. Kasi tumawag si tita sa akin na nawawala daw siya kaya ikaw ang una kong pinuntahan.. tapos 'yon ang maaabutan ko."

"Ryle.."

"Ang sakit, Aya. Sobrang sakit nung mga narinig ko non." Pinunasan niya ang luha niya. "Parang tinraydor moko.. sa katotohanang ginusto mo ang girlfriend ko nang palihim."

"At kung bakit.. pakiramdam ko, hindi niya na ako mahal."

Short Stories Compilation✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon