Kasal

56 5 7
                                    

"Mahal smile!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Baby? Dali na hmm?" Saad niya at itinutok muli sa akin ang camera. Hindi ko maiwasang mapangiti nang banggitin niya ang kahinaan ko.

"Smile my queen, I love you!"

Tuwang tuwa naman ang mokong habang papalapit sakin. Pinagyayabang na maganda daw ang kuha niya.

He's Khael.. my boyfriend, bestfriend, drinking buddy and my husband kahit hindi pa kami kasal

-

"Okay don't open your eyes yet" seryosong sabi niya sakin. Natawa ako

"Anong trip na naman ba to Love?"

"Shh malapit na tayo"

Inalalayan niya akong maglakad, muntik na kong madapa at tumawa lang siya!

"Ewan sayo ano ba to malayo paba?" Naiirita kong sabi

"We're almost there"

Ilang lakad pa ang ginawa namin bago kami makarating sa sinasabi niya, nakapikit padin ako.

"Dilat na."

Ginawa ko ang sinabi niya at nagulat sa sumalubong sa akin. Isang romantic dinner date ata tong niready ni mokong. Ang pinakanagulat ako, ay ang nakasulat sa lupa.

Gamit ang mga kandila ay nakasulat doon ang 'Will you marry me?' Hindi ko maiwasang mapaiyak.

"Khael-"

Nakaluhod siya sa harapan ko, hawak hawak ang isang singsing. Mukhang mamahalin pa iyon, pinag ipunan niya na naman siguro. Napahawak nalang ako sa bibig ko. "Khael.." Wala nang natirang salita pa sa akin. Sa kung gano karami ang nasa isip ko ngayon, maski isa ay hindi mailabas ng bibig ko.

"I love you Dianna, I really do. Sa loob ng 3 years na magkasama tayo, walang nagbago sa nararamdaman ko.. mas nadagdagan lang bawat araw na dumaraan." Panimula niya, "I want to be yours, forever.. and be mine until our last breath. Will you marry me, Dianna Florendo?"

Napatitig ako sa mukha niya, umiiyak na rin siya ngunit walang nagbabago sa itsura napakaguwapo parin. Napangiti ako, kahit kailan hindi niyako nagawang saktan.. mentally, physically and emotionally. Napaka perfect niya na para sakin.

"Yes." Sagot ko na ikinagulat niya. "Yes Khael.. I'll marry you.. mahal na mahal kita"

He wiped his tears before giving me his sweet smile. Isinuot niya ang singsing sa akin at tumayo upang yakapin ako ng sobrang higpit.

-

"Ma!"

Galit kong sigaw nang sabihin ni mama na sa iba niya ako ipapakasal. "Hindi pwede! Mahal ko si Khael! 3 years na kami ano pabang gusto mo?!"

"Mahirap ang pamilya nila, Dianna. Hindi ka puwede sa kanya." Mahinahon na sabi niya

"I dont care! I love him! Ginagawa niya ang lahat para sa akin ma! Siya ang buhay ko naiintindihan mo ba ako? Ang nararamdaman ko?!"

Natumba ako nang bigla akong sampalin ng daddy ng pagkalakas lakas.. naramdaman ko ang pangmamanhid ng pisngi ko at pagbasa nito nang dahil sa luha ko.

"Wala kanang respeto sa amin ng momma mo! Dahil ba don sa lalaking yon?! Pwes! Dahil dyan mas lalo mo kaming kinukumbinsi na hindi siya pwede para sayo!"

"Oscar tama na!" Awat sa kanya ni mommy. "Bukas na bukas ipapaayos natin ang kasal nila sa anak ng kaibigan ko."

"Ma.." Nanghihina kong sabi. Gusto kong ipaglaban si Khael.

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now