Play

7 2 0
                                    

Kalilipat lang namin ng bahay dito sa isang subdivision.

Sa loob ng ilang araw na pananatili namin dito, lagi kong nakikita ang isang batang naglalaro sa labas ng katabi naming bahay.

Habang tumatagal ay naging magkaibigan kami dahil sa minsang pag aaya niya sa'kin na makipaglaro sa kanya. Nalaman ko rin ang kanyang pangalan, Abby.

Matagal ko na ring napapansin na palaging nag iisa si Abby sa kanilang bahay. Mag isa lamang siyang naglalaro sa kanilang bakuran o sa harap ng kanilang bahay. Marahil ay maaga pang pumapasok sa trabaho ang kanyang mga magulang kung kaya't nag iisa lang siya.

Isang beses, naisipan kong bisitahin si Abby at yayain na rin siyang makipaglaro. Nagdala ako ng mga snacks at laruan na binili ko pa noong isang araw. Naghintay ako sa labas ng gate nila hanggang sa may isang babae ang dumating at binuksan ang gate.

'Siguro kamag anak nila'

Sumunod ako sa babae papasok.

Nilingon naman ako nito nang may nagtatakang tingin, "Ba't ka sumusunod? Anong ginagawa mo pala dito?"

"Ah ano po kasi.. bibisitahin ko lang sana si Abby.. maglalaro po kami"

Pinakita ko sa kanya ang mga dala kong pagkain at laruan

"Ay iho.. hindi mo pa ba alam? Sa tingin ko nga ay bago ka palang dito"

"Ano pong hindi ko alam?"

"Matagal nang walang nakatira sa bahay na ito. Namatay kasi ang pamilyang nakatira dito sa nangyaring murder sa mismong bahay nato. Si Abby na tinutukoy mo ay matagal nang patay. May usap usapan pang ginahasa daw siya ng kanyang sariling ama bago nangyari ang brutal na pagpatay sa magpamilya"

Mahabang salaysay niya. Umalis naman siya dahil may naiwan daw siya sa kanilang bahay. Nabitawan ko ang mga dala ko dahil sa labis na kaba at hindi makapaniwala sa narinig.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko..

"Kuya Samuel let’s play.."





"Or you want me to kill you too, like what i did to daddy?"

Short Stories Compilation✔︎Where stories live. Discover now