The Only Exception

35 5 8
                                    

Hindi ko hiniling na mabuhay.

"Nandito kapa sa pamamahay ko kaya sumunod ka sa mga gusto ko! Naiintindihan mo ba?! Anak kalang!"

Hindi ko hiniling na maging ganito.

"Line of 8? Bobo kaba?!"

"S-sorry po papa-"

"Bobo!"

Sanay na akong magpanggap.

"Okay kalang ba Enzo? Bakit nakatulala ka?"

"H-ha? Ah o-oo okay lang ako."

"Sure kaba?"

"Yup! Ako paba?"

Sanay na akong magtago sa dilim at umiyak ng ako lang ang nakakaalam at nakakarinig. Sanay na akong mag-isa sa panahon na kailangan ko ng karamay, magpanggap na masaya at maging clown ng mga kaibigan ko.. mapasaya ko lang sila. Kahit na ubos na ubos na ako.

Iyon ang buhay ko. Hindi ako naniwala sa pagmamahal dahil sa palaging pag-aaway ng mga magulang ko. Halos araw-araw kong nasasaksihan iyon. Pati ako ay nadadamay, isinusumbat sa akin lahat.. na kung tutuusin ay hindi ko naman ginusto.

Hanggang sa dumating ka.

"Hi.." Walang emosyon akong nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at tinaasan ito ng kilay. "Hehe."

Tsk.

Ibinalik ko sa binabasang libro ang atensyon at hindi na siya pinansin.

Pero aba, makulit. Hindi siya umalis at tila may hinihintay pa mula sa akin.

Aish. "Low."

"F-Fanboy ka?" Turo nito sa damit ko na may nakasulat na 'Say the name Seventeen'

Kung hindi pa halata "Yup."

"Nice.."

"Why?" Masungit kong dagdag.

"Wala naman." Nakangiti niyang saad bago nagpaalam na aalis.

Pinanood ko ang papaalis niyang imahe nang hindi namamalayang nakangiti na pala ako.

-

Nagbabasa lang ako sa library sa school nang may biglang nakiupo sa table ko.

"Nagbabasa ka ng wattpad?"

Tanong nito na ikinagulat ko. Tumingin ako sa magkabilang gilid pero wala namang nakarinig kaya nabawasan ang kaba ko.

Yeah, nabawasan lang at hindi nawala. I dont even know why!

"Yup." Kalmadong sagot ko sa kanya. Siya rin 'yong babae last time.

"Binabasa mo ngayon?"

"Ang binabasa ko? O kung nagbabasa ba ako ngayon?"

What a stupid question, self.

"Aish! Anong story na ang nabasa mo? Kailan kapa nagbasa? Favorite author? Favorite story?"

"Wow ha. Fanfic-"

"Minimize your voice." Saway sa amin nung librarian.

"Pfft." Tumingin ako sa kanya nang marinig ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"What?"

"Sungit. Wala ang cute mo lang tumiklop."

Tsh.

"Nga pala.. anong name mo?" Tanong niya sa akin sabay ngiti. "I'm Lynn."

"Enzo." Pagpapakilala ko.

"Nice to meet you, Enzo."

Short Stories Compilation✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon