I loved you

33 3 3
                                    

"So.. bakit ka sumuko?"

I am Sandy, 25 years old. A lesbian.

"Gumising lang akong hindi ko na siya mahal."

"Honest answer?"

"Ofcourse.." I paused for a second before smiling, "..not."

It wasn't easy.

Letting go of someone who's willing to fight for you isn't something I can easily do.

Masakit, oo. But that was the best choice for the both of us, I had to.

"So tell us the truth."

I heaved a sigh before replying, "Wala na kaming time sa isa't isa. We both have our own priorities. Hindi na ako, hindi na siya. We need to grow apart kasi hindi na nagwowork kapag magkasama kami. We're getting toxic."

Walang nagloko pero parehas na nagbago.

"Kung bibigyan ka ng isa pang chance para balikan ang nakaraan, alin doon?" She asked.

I smiled bitterly. "Siguro yung hindi ko pa siya nakikilala?" Bahagya pa akong natawa.

"Bakit naman?" Nagtataka nitong tanong, gayon din ng iba pang mga tao na nandirito.. maging siya.

"Kasi I want to improve my past self nung hindi ko pa siya nakikilala. Gusto kong maging better para sa future ko which is supposed to be her." Saad ko at tumingin sa gawi niya. Nakita ko ang pagtulo ng luha nito. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa lalaking katabi niya.

"Nagkakilala tayo sa maling panahon. You were the right person but in a wrong time. Kung maibabalik man ang dati, mas magiging maayos na tao ako para sa iyo. I want to treat you right than before. I want to be the best for you. I want to fix myself, so.. we don't need to grow apart from each other again." Saad ko at ngumiti.

Hinintay ko ang sarili kong umiyak pero wala.

Siguro naubos ko na. Siguro huling patak ng luha ko na iyon na para sa kanya.

Siguro nga tanggap ko na.

"But I'm grateful kasi nakilala kita. You're the best girlfriend, bestfriend and such. I know Kean thinks that too." I chuckled and the latter just smiled at me, hawak hawak ang kamay ng babaeng dating pagmamay-ari ko.

"Congratulations to the both of you. I'm happy, I really am. Matagal na din naman na, naka move on na ako. Nagulat nga ako invited pala ako. Haggard pa may dare dare pa pala." Tumawa ako at nakitawa naman sila.

"I'm happy for you Vielle." I said and smiled genuinely at her. She smiled back and mouthed 'I'm sorry'. Ngumiti ako lalo.

Yumuko ako sa harapan bago bumalik sa upuan ko at nagpaalam na aalis dahil may appointment pa ako sa Clinic.

Nakalabas na ako sa venue at hinanap ang sasakyan ko. Mainit pa. Bigla namang may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako.

"Vielle?"

Bumaba ang tingin ko sa paa niyang walang suot na sapatos. Tumakbo ba siya para habulin ako? Nakasuot pa rin siya ng gown.

"Can we talk?"

"No- I mean, yes? Pero may appointment pa ako, eh."

"Mabilis lang."

Hindi na ako komontra pa at pinakinggan nalang siya sa sasabihin niya.

"I'm sorry for being disrespectful. Hindi ko alam na tatanggapin mo pala talaga ang invitation ko sa kasal namin ni Kean."

"It's fine. Wala na sa akin 'yon. Matagal na 'yon." Ngumiti ako. "Pakisabi nalang sa mga kaibigan mong huwag nako ulit pagtripan, haggard e may trabaho pa ako."

"I'm sorry Sand." Bigla niya akong niyakap. I was stiffed.

"I'm sorry for letting you go. I'm sorry for moving on. I'm sorry for everything."

"I told you that I'll wait pero ako pa ang unang nakamove on sa atin. Sorry kung kailangan mong dumaan sa mga yon-"

Niyakap ko siya pabalik. "It's fine. I'm fine. You did the right thing."

Binitawan ko siya at tinitigan. Tagal na din nung huli naming pagkikita. I missed her scent, her face, her voice.. her touch. I missed everything about her.

"Ang ganda mo pa din." I can't help but to say. "Ganda naman ng ex girlfriend ko."

"Well." She chuckled, pinunasan na din ang luha nito.

"I'm really happy for you Vielle." I smiled.

"Magiging masaya ka din." Aniya at ngumiti pabalik. "Mas masaya kaysa noon. You're already a better person Sand, you don't have to go back to the past and change yourself just to be better. Kahit hindi na ako, maraming magpapasaya sayo."

Kahit hindi na ikaw.

Ngumiti ako ng mapait.

"Hmm. I loved you."

"Minahal din kita Sand. Sobrang minahal kita."

"Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Bago ko nakamit ang buhay na mayroon ako ngayon. Because of you, I became stronger. Thank you Sand."

That was the last thing she said before walking away. Our last goodbyes. Our last conversation ended with that.

Nagsinungaling ako sa parte na minahal kita gayong mahal pa din kita hanggang ngayon. Nagsisinungaling lang ako sa sarili ko na maayos na ako.

Her eyes were sparkling with happiness, and I hate the fact na hindi na ako ang dahilan kung bakit siya masaya.

Short Stories Compilation✔︎Où les histoires vivent. Découvrez maintenant