Let Go

40 10 2
                                    


"Drea!"

I called her name once again. Umaasang baka lumingon siya sa pagkakataong ito.

"Drea, please"

Muling tawag ko. Konti nalang ay bibigay na ang mga tuhod ko. Unti unti na ring bumubuhos ang ulan. Grabe, kahit ang langit ay nakikiramay sa sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito

Lumingon siya sa 'kin. Umiiyak siya.

Ayokong nakikita siyang umiiyak.. nanghihina ako

"Drea!"

Napatingin kami pareho sa lalaking sumigaw na di gaanong malayo sa kinaroroonan namin. Si Kiro, kaibigan niya at alam kong may gusto sa kanya.

Alam kong may nararamdaman din si Drea sa kanya. Ngunit hindi ko masabi kung hanggang kaibigan lang ba iyon o iba na.. o mas higit pa. Natatakot ako.

"Drea.."

Muling tawag ko at lumingon siya.

"Alam.. a-alam kong nahihirapan kana.."

Nababasag ang boses kong wika habang naglalakad papalapit sa kanya. Sobrang bigat ng bawat hakbang na nagagawa ko. Sobrang bigat ng dibdib ko.

"Alam kong.. alam k-kong nasasaktan kana.."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya kasabay ng pag iyak ko, namin.

"Babe.."

"Alam k-kong ayaw mo na.."

"No! Di totoo yan.. g-gusto ko pa.. mahal kita.."

"Pero iba ang sinasabi mo sa pinaparamdam mo"

Hindi siya nakapagsalita. Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at lumuha siya nang lumuha.

"Hindi ko alam ba't ganito"

Sabi niya. Ngumiti ako ng mapait at Inalis ko ang mga kamay ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinilit magsalita..

Kahit sobrang sakit

"Pagod kana babe.."

Nakangiti ngunit umiiyak kong wika. Tinanaw ko si Kiro at umiiyak din siya habang nakatingin sa amin.

Binaling kong muli ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Ang pinakamamahal ko na ngayo'y handa ko nang bitawan

"Hindi tayo p-pwede.. alam natin yun pareho.. at ngayong.. ngayong pagod kana.. han-hand-da nakong b-bitawan ka"

Niyakap niya ako. Sobrang higpit..

Hindi ko nagawang yumakap pabalik.

Nakatingin lang ako kay Kiro. Nginitian ko siya.

"Sumama kana sa kanya"

"A-ayoko"

"Alam kong pagod kana."

"M-mahal kita"

"Pero 'di na pwede. Di pwedeng dalawa kami, Drea."

"M-mahal nga kita!"

"M-mahal din kita pero.." tinitigan ko ang mga mata niya, halata ang lungkot at sakit doon. "Mahal mo siya Drea, ako na ang nagpapaubaya."

Napalunok siya bago niya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin, mas napahagulgol lamang ako. "S-sige.. I love you so m-much.. p-pinapalaya na kita. I'm sorry." Umiiyak niyang sabi habang unti unting humihiwalay sa pagkakayakap sa akin. Nakayuko lang ako at patuloy na lumuluha.

Naramdaman ko ang papalayo niyang presensya. Naririnig ko ang mga mabibigat niyang yapak papunta sa gawi ni Kiro.

Muli ko siyang tiningnan. Lumingon siya sa akin.

Punong puno ng lungkot ang mga mata niya.

Mamimiss ko ang lahat sa kanya

'Mahal na mahal kita Drea'

Nais kong isigaw iyon ngayon pero di na pwede

Tuluyan niya na akong tinalikuran at pumunta kay Kiro. Hinawakan siya ni Kiro sa kamay at sabay silang tumakbo sa gitna ng ulan papalayo sa kung saan ako ngayon nakatayo.

Napaluhod ako sa sobrang sakit.

Eto na ata ang pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko.

Kailangan ko siyang bitawan para sa ikabubuti nang lahat.. at para maging malaya na rin siya. Sila.

Isa lang ang hiling ko sa mga oras na to.

Sana.. sana ay sumaya siya sa piling ng iba.

Sa loob ng mga taong magkasama kaming dalawa.. lalaki parin talaga ang totoong magpapasaya sa kanya.

Short Stories Compilation✔︎Där berättelser lever. Upptäck nu