CHAPTER 37 - TRUTH

12.6K 373 211
                                    

CHAPTER 37 - Truth

"May bisita po kayo ma'am." Sabi nito. Saka ko nakita ang nakasunod dito.

"Kiara."

"Sheena?" Bulong ko.

Bakit siya nandito?

"Kiara." Maiyak iyak na sabi nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Feeling ko maawa sa sarili ko. The girl loved by the man I love is in front of me. Bakit siya nandito? Para ipamukha na siya ang mahal ni Ian at hindi ako? Sana nagdala na rin siya ng baril tapos putok niya na rin sa puso ko para hindi ko na mafeel tong lesh$ng sakit na to.

"Kiara I'm sorry. I know hindi dapat ako nagpunta dito. Hindi ko na kasi kaya. Di ko na kaya ang ginagawa ni Ian sa sarili niya."

Nagtaka ako.

"At bakit ka nandito? Bat ako ang pinuntahan mo. Ikaw ang girlfriend diba?" Matigas na sabi ko. Muntik na akong maiyak ng sabihin kong siya ang girlfriend ni Ian. Hindi ako.

"Nagsinungaling kami." Matatag na sabi niya. Nakatitig sakin.

O.o

"What are you saying?"

"May tumawag kay Ian. One of his ex. Pinagbantaan niyang gagawan niya ng masama ang babaeng mamahalin ni Ian." Nagsimula na itong umiyak. "Kaya ako umuwi ng Pilipinas ay para tulongan si Ian. Para makabawi sa kanya pumayag akong magpangap. Ayaw niyang masaktan ka. Ayaw niyang mapahamak ka ng dahil sa kanya."

"Teka? Bat naman ako mapapahamak?" Naka pagtataka lang kasi. Bat ako nasali sa usapan?

Sheena took a deep breath and looked at me in the eyes.

"Ian loves you."

Parang may kung anong pumutok sa puso ko. Mixed feelings. Shocked. Confused. Over happiness. Anger. I don't know what to say. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako umiiyak.

"He was protecting you. He was trying to find kung sino yung tumawag. Nagbayad na rin siya ng detective pero hindi pa rin matrace. Oh God! He would difinitely kill me for telling you. " Paliwanag nito.

"How is he?" I managed to ask.

"His-" humahagolhol na ito. "-- his ruining his life. Inaabuso niya ang katawan niya. Sinubsob niya lahat ng oras niya sa trabaho. He barely eat. Araw araw pang mainit ang ulo niya. Wala nang nagtatagal na secretarya niya. Wala na siyang pakialam sa buhay niya. Ang alam lang niya ay trabaho trabaho trabaho. Ang dating Ian na mapagbiro ay wala na. Wala na ang Ian na nakilala ko. Please Kiara." Tuloy parin ang pagtulo ng luha nito. "Tita asked me to find you. We need your help. Please Kiara. Come back to Ian." Sabi nito. "Kiara please. Sumama ka sakin sa Manila."

"No."

Parang tumigil ang lahat. Hindi na ata gumagana ang utak ko. Pagod na ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Please leave." I managed to say it while not dropping a tear. Gustong gusto ko ng maiyak.

"Kiara please nagmamakaawa ako." Lumapit ito sakin. She was begging for Ian. Mas lalo akong natakot.

"Ano ba kasing pinagagagawa ng gag*ng yun?" Sabi ko na umiiyak na nagagalit. Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at napaupo nalang ako sa Bermuda grass. Yung bermuda grass ang pinagdiskitahan ko.

Natatakot ako. Natatakot ako na maging katulad ako ni Sheena pag nakita ko si Ian. Baka hindi ko kayanin.

"Kiara." Naramdaman ko ang kamay ni Dominic sa balikat ko. "You should go. You don't have to be hurt anymore." Sabi nito.

Seducing Mr. PervertWhere stories live. Discover now