CHAPTER 34 - Salvador Family

9.3K 163 11
                                    

CHAPTER 34 - Salvador Family

---------------------------

Unang una po, bago po kayo magbasa ng Seducing Mr. Pervert Chapter 34 ay humihingi ho ako ng paumanhin. Mag yo'UD ho sana ako last week kaso po ay sumemplang yung isang gadget ko kaya kinailangan kong gumawa ulit. SORRY po talaga!

At sa mga walang sawa hong sumoporta sa akin at sa estoryang

ito. MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Sana ho ay patuloy ninyong tangkilikin ang aking nga gawain. Mwah mwah! :D

Enjoy the chapter.

I love you all!!!! :****

-myhearts

----------------------

Kiara's POV

Umuwi ako ng Cebu. Sa huli ay hindi ko din napigilan si Che na sumama sa akin. Nakapag leave na daw siya kaya wala na raw akong magagawa pa.

"Che! Gising na. Andito na tayo."

Pukaw ko kay Che. Pinabayaan ko kasi itong makatulog. Inapura niya ang sarili dahil may pinagawa sa kanya bago kami pumunta dito.

"Titaaaa!!!!" Narinig ko ang napakatuling tili ng pamangkin ko pagkababang pagkababa ko ng sasakyan.

"Babey?!" ngumiti ako ng salubongin ko ang pamangkin ko. Siya si Francis June. Ang pangalawang anak ni Kuya at ni ate Kat. Napakalaki na nito. Almost 3 years na rin pala. Tanda ko pa ng tanungin niya ako kung love ko ba daw siya. At ng sabihin kong oo ay sinabi niyang dapat daw ay baby ang tawag ko sa kanya dahil yun ang tawag ng mama niya sa kanya, sa ate niya at kay Kuya. Niyakap ako nito ng napakahigpit. Sa yakap nito ay hindi ko napigilang maiyak.

"Tita? Umiiyak po ikaw?" Tanong ng inosenting bata. Pilit na tinitignan ang mukha ko pero pinigilan ko ito. The next thing I know. Hinihipo hipo na niya ang likuran ko. "Stop crying na tita. I promise I'm not gonna make you cry, so just marry me instead okay?" Inosenting sabi ng bata. He was already seven years young and he is this sweet. Sigurado akong maraming paiiyakin ito.

"Opo." Sagot ko rito. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Ahm. Tita, you know I love you and I will always protect you when I grow up right?" Biglang tanong nito.

"Ahem." Sagot ko.

"You're hugging me too tight. I know you miss me sooo much and I miss you too big big time but I won't grow up and I'll die easily."

Tinignan ko ito. Questions in my face.

"It's because you're hugging me too tight..."

Pinunasan ko ang mga luha ko at saka siya kiniss.

"Naman tita grown up na June." Sabi nito. "Daddy said I should kiss many girls but mommy said I should only kiss the girl I love after a marriage. I don't believe in daddy because his doing what mommy said." Ngumiti ito ng napakasweet. "I already passed loving you. So you can kiss me but if we're already married okay?"

"Sir yes sir." Sagot ko rito.

"Kiara? Yan na ba yung pamangkin mong dis-di pinlano?" Tanong ni Che na pinapanood pala kami.

"Shunga! Ito yung-." Naputol ang dapat na sasabihin ko ng may pumokpok sa ulo ko.

Tumingala ako. As expected. It's my ever loving gorgeous alien brother.

"Aray naman Kuya."

"Ano ba naman yang pinagsasabi niyo? Nilalason niyo ang bata ehh." nagsusungit pero nakangiti naman. Tumayo ako saka humalik sa pisngi ni Kuya.

Seducing Mr. PervertWhere stories live. Discover now