CHAPTER 32- One Last Try

9.7K 174 25
                                    

CHAPTER 32- One last try

Kiara's POV

"Ian?" Nagising ako ng wala sa tabi si Ian. Hinanap ko siya kung saan saan pero walang Ian sa loob ng pent house nito. Naalala kong tignan ang oras. It's already 9 in the morning.

'Kaya naman pala.'

Binuksan ko ang cabinet niya. Manghihiram muna ako ng long sleeves o kaya ay kahit T shirt man lang nito. Kunot kunot na kasi ang soot ko kagabi.

Naghahanap ako ng damit ng may nahulog. Isang litrato. Pinulot ko ito. Isang napakagandang babae. Pati ata si Eba ay maiinggit sa kagandahan nito.

"Mas maganda ka Kiara." Sabi ko sa sarili ko.

'Lukohin mo pang sarili mo.' A part of mine. Her beauty is really intimidating. Masyado nga lang siyang payat.

Tinitigan ko ito hanggang sa napadpad ako sa mga mata nito.

It looks like---


--mine.

Sino kaya ito? Tinignan ko ang likod nito.

'I will always love you Sheena. You, and you only. I love you. -Ian.'

Tumulo kaagad ang mga luha ko. Alam kong dati pa ang litratong ito base na rin sa quality nito. Pero sa bawat salitang sinulat nito ay makakaramdam ka ng pag-ibig. Pag-ibig na mas malakas pa sa nararamdaman kong nararamdaman ni Ian ngayon para sakin.

Mas napalakas ang pag-iyak ko. Napahagolhol na rin ako.

'S-stupid Kiara. That's the past. And past is past. Mabuti na ang lagay niyo ni Ian ngayon.'

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Ilang minuto ng tuloyan na akong kumalma.

"Kiara. Fix yourself. Go home. And be beautiful." Sabi ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at saka pinunasan ang luha ko.

Umuwi ako. Nag ayos at saka ako pumasok sa opisina.

"Good morning Ellen." Masayang bati ko dito.

"Ahh g-good morning." Aligagang sagot nito.

"Nandyan na si Ian?" Tanong ko. Nagluto kasi ako ng makakain namin. Baka kasi hindi pa siya kumain kaya hindi narin ako kumain para sabay nalang kami. :)

"Na-andyan na. Kaso may - may kausap." Sagot niya na hindi nakatingin sakin.

"Ahh. Sige salamat." Papasok na sana ako ng pigilan ako ni Ellen.

"Sabi kasi ni sir ayaw niyang maestorbo ngayon."


"Ganon ba? Baka nga importante ang bisita niya. Hihintayin ko na lang siyang matapos." Nakangiting sabi ko.

"Mas mabuti pa. Pero mas mabuting mag day off ka na lang ngayon. Mukhang pagod ang mga mata mo. Kaya ko naman ang trabaho dito ehh." Nagmamadaling suhestyon niya.

"Salamat pero wag na. Nakakahiya naman sayo. Tsaka gusto ko ring makita si Ian." Pumunta na ako sa desk ko.

"Kung hindi ka na okay. Sigaw ka lang ng Darna ahh?!" Nag-aalalang sabi ni Ellen. "Basta kakampi mo ako." She smiled.

She's weird today.

Umupo na ako. Ilang minuto lang ang hinintay ko at lumabas na si Ian. Nagkatitigan muna kami ng nag-aalalang mata ni Ellen.

Lumabas na ng opisina si Ian. May kasama itong babae. Hindi ko nga lang makita kasi nakatalikod at nilagpasan lang naman nila ako.

"Ian!" Tawag ko dito. Parehong napalingon ang dalawa. Halatang nagulat ang babae. Pero mas nagulat ako. She's the one in the picture. She's the woman with the same eyes as mine. She's Ian's first love. She's Sheena. Napatingin ako kay Ian.

Seducing Mr. PervertOù les histoires vivent. Découvrez maintenant