CHAPTER 29- Day 3 (part 1)

10.9K 189 19
                                    

Hindi po to masyadong mahaba pero nagtry nalang po ako dahil sa mga very very heart warming comments ninyo :*** Hehe

No expectation po ahh. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

Love lots

@myhearts

P.s.

Don't forget to vote, share and be a fan? :D

---------------------

"Ano ba naman to. Aga aga ganyan na agad? Pwede paki liitan ang ngiti? Parang baliw."

I did not mind her. Nakangiti lang ako. Siguro nga tama siya. Baliw na ako. Kay Ian!

(Gus pakisampal ako. And corny ehh. Hahaha)

"Naku Naku Naku. Ano na naman bang nangyari?" Tanong ni Cheska.

"We kissed." I said smiling while stirring my coffee.

"You did?" O.O gulat na gulat na tanong nito.

'Haynaku Che hindi mo lang alam kung gaano na karaming halik ang pinagsaluhan namin.'

I just smiled and stirred my coffee again.

"Noh? Kelan? Saan? Paano?"

"Baka gusto mo pang dagdagan ang tanong mo. Nahiya naman kasi ako sayo. Masyadong tinipid." Sabi ko pero nakangiti parin. Hala. May problema na nga siguro ako.

"Ito naman nagtatanong lang. Sige na." Pangungulit nito. Umupo pa talaga ito sa tabi ko. Tsismosa nga naman oh o.....

"Ehh di yung kiss. Sa lips. . may pasyon. . pagmamahal. . Basta he he. ." Para akong kinikilig na ano. Ehh basta. Yung feeling na nilapitan ka ni crush nung high school ka pa? Yun yun ehh.

"Ayyy Good na yan Beastpren. Sabi ko na nga ba ehh. Di magtatagal ay mahuhuli mo rin si Ian. Mahirap din yun. Tsaka In fairness. Maganda pala talaga yun ex niya."


"Tsk. Nakakabad vibes. Jan ka na nga!" Nag walk out na ako. Sarap ng usapan bat pa nasali si ex? Ex nga diba? Tsaka kahit hindi ko pa yan nakita. Mas maganda parin ako. Love your own. Sabi nga nila. In richer or poorer. :p


-""""-

Walang taong hindi nakapuna ng ngiti ko. Mapa guard, katrabaho, guests. May foreigner pa ngang nagsabi saking-

"If only the world is full of like you. Then the world would be full of beautiful."

Chaarrring!!! Haba ng hair ko? Mahaba pa sa traffic sa EDSA Hahahaha

Nakangiti akong pumasok ng elevator.

Pa close na ang elevator na sinasakyan ko ng makita ko si Ian.

And guess what?

May babae na namang nakasabit sa kanya.

Well ano pa bang bago.

Immune na ako sa ka echusan ng lalaking yan noh. Ang problema ko lang.

Bat di nalang ako?

Mambababe ka na lang din naman ehh di ako nalang.

Ano bang wala sakin na meron sila? Ehh di hamak na mas maganda naman ako kesa sa mga babae niya. Magandang mata, matangis na ilong, namumulang labi kahit walang lip stick. Maganda ang katawan. Sweet, sporty and smart. Mayaman rin naman ako. At higit sa lahat! May ganon din naman ako. Alam niyo yun? Hindi lang naman po talaga ako mayabang. Diba?

Seducing Mr. PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon