CHAPTER 38

121 5 2
                                    

Sinundo kami ni David sa NAIA. Inaway pa ito ni Cheska at bakit daw hindi niya sinabi ang totoo dito. Sinabi nitong bago lang niya nalaman ang tungkol doon at nais daw ni Ian na makahanap muna ng lead kung nasaan ang ex nito.

"Ian knows Kiara. Kiara is a fighter. At alam niyang hindi basta basta titigil si Kiara. Naawa nalang ako sa ginagawa niya sa sarili niya. Pero anong magagawa ko? We are all convincing him to get back with Kiara pero mas priority daw niya ang kaligtasan ni Kiara." Paliwanag ni David. Sumulyao ito sa akin. "Im sorry. But your guy's too stubborn. I'am happy you're here. Sana pakinggan ka na niya."

"David natatakot ako. Bakit ganiyan kayo makapagsalita? Ano ba talagang nangyari kay Ian?" Naiiyak na ako.

Hindi ko alam anong itatawag ko sa nararamdaman ko. Parang gusto kong panawan ng kaluluwa. Natatakot ako sa makikita ko. Nag aalala ako kung napaano ba si Ian at hindi na napigilan ni Sheena na lumapit sa akin. I am damn scared. Hindi ko ma explain yung feeling ko. Basta natatakot ako.

Hindi ko na namalayang nasa harap na pala kami ng King Tower.

"Let's go. Baba na." Cheska

"Sana maging ok na ang lahat. Sorry Kiara. If only I know this would happen to him hindi na sana ako pumayag sa gusto niya." Sheena

"Tapos na yun Sheena. Hindi mo kasalanan yun. Kasalanan to ng manyak na yun." Huminga ako ng malalim bago pumasok ng King Tower. Agad namang nakabalik mula sa receptionist si David.

"Nasa office daw si Ian." David

Hinga ng malalim ulit.

"Dito na muna kayo. Magtotoos kami ng tangang pervert na yun." Saka ako tumungo sa elevator. 28th floor. Damn my heart beat is racing. Mixed feelings. Takot. Kaba. Pero mas nangingibabaw yung pananabik ko sa kaniya.
Exactly pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin si Ellen.

"Ki—" Ellen na nasinyasan ko agad na tumahimik. Nginitian ko lang ito saka dumeretso sa office ni Ian.

I took a very deep breath then pushed his office's door.

Then I saw him.

I stared at him. Para akong nawalan ng lakas. Napaupo sa sahig. This is not Ian.

"What have you done?" Napahagolhol ako. Takip ng mga palad ko ang mukha ko. Natatakot akong makita si Ian ulit. Nakapikit ako. Umiiyak ako. Pero hindi nawawala ang pigura nito sa utak ko. Parang bumuhos lahat ng nararamdaman ko kay Ian sa oras na iyon. Yung sakit sa dibdib ko na pilit kong tinatago ay parang pinakawalan na dam sa oras na iyon.

"Shit!" I heard him utter. And in a flash naramdaman kong may nakayakap na sa akin.

Iyak lang ako ng iyak.

"A-anong ginawa mo?" Sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko.

I gathered all my strength and looked at him again.

"Ian naman ehhh!" Kinurot kurot ko na yung braso niyang nangangayayat na. "Ian naman. Ilang weeks lang kitang hindi nakita ano ba naman ang ginawa mo sa sarili mo?" Iyak parin ako ng iyak.
"Diba kaya mo naman? Ian ehhh!!!!!" I managed to look at his face. Shit.... Ian... He has this look in his tired eyes na hindi ko maipaliwanag. I instinctively hug him. Naaawa ako na nagagalit na hindi ko alam.

Kitangkita ang pangangayayat nito. Yung dati na feeling mo bato sa tigas na katawan niya ay wala na. Yung mata niya nanlalaki na nga tapos ang laki pa ng eyebags. I felt him carrying me. Nakasobsob lang ako sa dibdib niya habang umiiyak. Binaba ako sa couch ng office niya. Saka siya lumuhod sa harap ko.
I heard him clear his throat.
"Why are you here?" Malumanay na sabi niya habang mahinahong pinupunas ang hindi tumitigil kong luha.
Hindi ako nagsalita.
"Babe why are you here?" Ng marinig ko ang babe ay lumakas ang iyak ko. "Babe?" And as if it was a magic word that cued me to kiss him. I missed this man.
He replied my kisses pero kalmado lang siya. Hindi ko na din namalayang nakaupo na kami sa couch.
"Stop crying Kiara." Pinupunas punasan parin nito ang luha ko. Inaalo lang ako the whole time. Hindi ko alam ilang oras ang nakalipas. Hanggang sa kumalma na nga ako. I calmed myself and I fixed my mind.
I looked at him and finally said....

"Babe? Will you marry me?" Halata na nagulat ito pero ngumiti din sa huli.

"Babe Im guessing tinotoo talaga ni Sheena ang puntahan ka. And based on how you acted, she definitely told you the truth."
Tumango tango lang ako. Pero hindi ako sumagot. Nakaakap parin sa kaniya. "Do you still want to marry me after hearing those threat?" He asked me.

I composed myself. Nandito ako para makipag usap. Hindi para umiyak. Sabi ko sa sarili ko. Took a deep breath and started talking.

"Ian bakit ngayon lang? Sana naman tinanong mo sa akin yan few weeks ago. Ediee sana hindi tayo nagkaganito. Ian. I love you. And I don't care whatever happens to me as long as I am with you. If being with you would mean me taking a bullet in my head-" pinutol nito ang sinasabi ko.

"Don't say that. Hindi magandang biro yan Kiara. What I did was whats best for you." Konot noong sabi nito.

"No. Let me finish. You decided what you think is best for me. Pero Ian have you asked me kung ano sa tingin ko ang makakabuti para sa akin?" I cupped his face. "Ian. You are what's best for me. I am soo tired of faking it's ok. When it's really not. And if you're not willing to marry me. I will seduce you till you say yes to me. Tama na Ian. Please. Wag mo ng tiisin ang kagandahan ko." It made him smile , and that smile melted my heart. How I missed this smile. "Ian Salvatore, will you marry me, please?"
Ginulo lang nito ang buhok ko. Then snipped my hair. "I'm gonna die because of missing you." He said still snipping my hair and hugging me.
"You brought it to yourself. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag aalok ng kasal ngayon. Ehhh ilang weeks mo akong pinahirapan. Alam mo bang muntik na akong makasal?"

"Yes." He lowered his gaze.

"You knew and you did nothing?" I asked with exaggeration.

"I went to sneak on you a few times when you were in Cebu. Nakontento na ako sa pagmamasid ko sayo sa malayo. Knowing you safe was making me strong. Yet killing my soul. I thought it would be best for you. That way hindi ka na malalagay sa kapahamakan."

"Ian? Will you marry me or not? Paulit ulit ulit ko tong sasabihin and you are what's best for me. Period." Nawawalan na ako ng pasensya hah.

"Hah?"

"Ian?"

"Kiara-a...." well he was caught off guard. I kissed him. I will seduce him. And as soon as possible I will start now. "Kiara." He said between our kisses. "Kiara stop."

Hindi ko siya pinakinggan. I was half way taking off my shirt ng biglang bumukas ang pinto that made Ian roll para hindi ako makita ng pumasok. "Damn." He murmured. Hindi ko namalayang nakapaghubad na din pala ito ng polo. Napahiya naman ako ng makita ko kung sino ang pumasok. It was tita. His mother.

"Ahy sorry." She said saka lumabas agad. "Thank god!" We loudly heard hindi pa man din nasisira ang pintuan.

A moment of silence and our eyes met.
I stared at his eyes. And said a statement, not a question.

"Marry me Ian."

—————————
A/N
Sorry is never enough. But still I'm sorry. 😔

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing Mr. PervertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon