CHAPTER 13- Under the rain

10.9K 213 7
                                    

Masipag ako noh? At dahil masipag ako. 9/20 ang result ng major subject quiz ko. Yehey!!!! PALAKPAKAN!!! Papalakpak talaga ako tapos sa gitna yung face ko. T.T

Ito na titigil na po.

@DakilangReaderAngPeg

Para sayo. ^.^ since ikaw ang kauna unahang nagcomment :)) salamat again.

-------------

Kiara's POV

"Tsk." halos tubuan na ako ng mushroom sa kahihintayt pero wala paring Ian na dumarating. Iwan ko ba kung bakit ko hinihintay ang manyak na yun. I mean marami pa kasing works dito sa office at bilang isang presidente ay responsibilidad niyang pamahalaan kami. Oh diba!

"Elen. Pwede pakitawagan si Sir kung nasaan na siya? May kailangan pa kasi akong papermahan sa kanya ehh." utos ko kay Elen. Alibi. Hahaha ayoko yatang tawagan yun. Baka akalain pa niyang dead over heels ako sa kanya.

"Sige po ma'am."

'Yes! Success!' patalikod na sana ako ng magsalita ulit si Elen.

"Naku po ma'am, nakalimutan ko nga ho palang sabihin sa inyong may iniwang notes si Sir sa opisina niya. Para daw ho sa inyo." sabi nito.

"Ahh ganon ba? Kelan niya iniwan?" hindi ko naman kasi napansing pumasok si Ian.

"Nung nag brunch po kayo."

"Ahh! Sige salamat." pilit kong kinalma ang sarili ko para hindi ako mapatakbo papunta sa opisina ni Ian. Nakakahiya naman kasi Kay Elen at Baka akalain niyang may pagnanasa ako Kay Ian. Ahm!

'wala nga ba?' brain brain brain

'OF COURSE meron' brain brain brain brain

Pagkasara ko ng pinto ng opisina ni Ian ay agad kong tinakbo ang desk niya. May nakita nga akong post it na nasa isang folder dun.

'Meet me at the park. 1 pm sharp. I'll be waiting.'

Sabi sa notes.

Tinignan ko ang oras. Past 3 na. Tapos umuulan pa. Haynaku siguro nakauwi na yun.

Though it was what I was thinking ay nagpaalam parin ako Kay Elen at agad na tinungo ang park. Kunwari ay may pinagawa si Ian. Pero partly ay tama naman diba?

Walang katao tao.

'Siguro umuwi na yun.'

Nanlulumo akong pinagpatuloy ang paglalakad ko sa park slash ng umuulan.

"Stupid." nag-angat ako ng mukha at nakita ko naman si Ian. Basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Walang malalapitan. Joke lang :D

Hindi ko namalayang sa upuang may katabing puno pala ako dinala ng mga paa ko. Yung inupuan namin nung friday night. Hehehe. Agad na lumapit ako sa kanya para mashare yung payong ko. Tumayo naman siya. At dahil tumayo siya, katawan na niya ang kaharap ko. Hanggang balikat lang kasi ako ni Ian. Napalunok ako. Bakat na bakat sa white long sleeves nito ang kayamanan ng abs niya.

Gulp...

"Alam mo ba kung ilang oras na akong naghihintay sayo? Nabasa pa tuloy ako." paninisi niya sakin.pero yung feeling na wala akong pakialam kahit pa isisi niya sakin ang World War III?

Nag angat ako ng mukha at tinitigan siya.

His wet look.

His wet hot hair. His thick handsome eyebrows. His mesmerizing eyes. His beautiful long nose. Then to his tempting lips.

uuuuhhh!

Deymn men....

Gulp!

"Delicious?"

Seducing Mr. PervertWhere stories live. Discover now