CHAPTER 10

420 18 5
                                    


CHAPTER 10

HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.

Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?

Pinagpapawisan na ako. Mula sa noo at pati sa palad.

"What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi niya pero parang gusto kong tumakbo.

Mapanganib ang kanyang mga mata.
Parang may kinikimkim na galit na anumang oras ay pwede niyang ilabas.

Pinulot ko ulit ang frame na nahulog mula sa aking kamay kani-kanina lang.

"M-m-may narinig akong nahulog, kaya tiningnan ko. Itong frame pala,,," bumuntong hininga pa ako pagkatapos kong sabihin iyon.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha sa mga kamay ko ang frame na hawak.

Lumunok ako. Nakakatuyo ng lalamunan ang ganitong sitwasyon namin.

Nararamdaman kong marami din siyang gustong sabihin pero pinipigilan din niya.

Paano kung ipapakita niya ang galit niya ngayon? Kakayanin ko ba.

Huminga ito ng sobrang lalim at tumingala na nakapikit ang mata.

"This is the first time that I run out of plans. Unang pagkakataon na natatakot ako. Nagdadalawang isip." biglang sabi niya at tiningnan ako.

Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.
Kailangan kong mag isip ng paraan para maka alis dito.

"La-la-lalabas na po ako sir." mabuti na lang at na agapan ko pang ituwid ang aking dila para masabi iyon.

"Sir? How many times do I have to tell you to drop the formality?" tanong niya.

Sinubukan kong ibalik ang mata sa kanyang mukha pero hindi ko talaga kinaya. Maiihi na yata ako sa kaba.

"Look at me." hinawakan niya ang aking baba para i angat ang mukha ko at nagkasalubong ang aming titig.

Gusto kong umiwas pero kusa namang tumitig ang mata ko.

Sobrang lapit na pala ng mga mukha namin.

Kahit madilim pero malinaw na malinaw ang hitsura niya.
Mula sa mahahabang pilikmata, matangos na ilong, perpektong labi. May papausbong na din siyang mga bigote na hindi naman naka bawas sa kanyang kakisigan, mas lalo lang itong nakadagdag sa kanyang istriktong personalidad.

Parang maduduling na ako sa lapit ng mga mukha namin.

Natigil lang ang magulong iniisip ko nang maramdaman ko ang malambot na bagay na tumama sa aking labi.
Sobrang bilis ng pangyayari pero hindi ako tanga para hindi malaman kung ano iyon.

Ayokong mag-assume pero mas lalong hindi ako nananaginip ngayon.

Gusto kong sampalin ang sarili para masigurado kung totoo ba talaga iyon.

May ngiti na sumilay sa kanyang mukha.

"Fist time?" tanong niya.

Hindi ako makasagot. Pero ano nga bang isasagot ko? Oo? Hindi? Baka pagtawanan pa ako.

"Okay lang ba kung ako pa rin ang second time? Mas matagal nga lang." pagkasabi nun bigla niya akong hinalikan. Ulit. Gaya ng sabi niya mas matagal.
Nakakahingal. Nakakapagod. Nakakatakot. Nakakalunod.

Mula sa mainit niyang mga labi hanggang sa mainit niyang palad na humawak sa batok ko.

Kusa akong napakapit sa kanyang balikat. Nanghihina ang aking tuhod na kung hindi ako kukuha ng anumang suporta mula sa kanya ay mabubuwal ako sa aking kinatatayuan ngayon.

CHAINEDWhere stories live. Discover now