CHAPTER 1

188 9 0
                                    


NAKAKATAKOT ang paraan ng pagkakatitig sa akin ng lalaking nasa harap ko. Ramdam ko itong tumatagos sa aking buong pagkatao.

Hinagod ako ng tingin ng kanyang mesteryosong mga mata. Para bang binabasa ang iniisip ko. Nagsitayoan ang mga balahibo ko at ramdam ko ang takot. Ang kanyang hitsura ay nagsusumigaw ng galit at tapang. Kahit sino na man sigurong makakakita na pinagnanakawan sa sarili nilang bakuran ay hindi magiging masaya.

Naputol ang pag titig niya sa akin ng dumating ang isang range rover. Agad bumaba ang mga sakay nito kasama si Mang Tasyo.

Tiningnan ako ni Mang Tasyo na puno ng awa ang mga mata.

"Nakarinig kami ng isang putok sir kaya sinundan ka na namim dito," ang sabi ng isang lalaking nakilala ko na dati sa pangalang Owen, isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ng hacienda.

"Nag tangka kasi siyang tumakas. Kahit pinapatigil ko na, tumakbo pa rin. Kaya pinaputokan ko na." sagot ng lalaki sabay abot ng kanyang baril kay Owen.

Sabay sabay lumingon sa akin sina Owen at ang dalawang kasama nilang sakay sa range rover, samantalang si Mang Tasyo ay nakayuko.

"Dalhin siya sa mansyon." utos niya kina Owen.

Doon ko na gustong umiyak ng dahan dahang lumapit sa akin ang dalawang lalaki na kasama ni Owen at hinawakan na ako sa palapulsohan para hindi na makatakbo ulit.
Pinag landas ng isang lalaki ang kamay niya mula sa aking braso hanggang sa palapulsohan ko, at nandidiri ako sa paraan ng pagkakahawak niya.
Ang mga mata niya ay puno ng pag nanasa na lalong nag pa laki ng aking takot.

Nag pupumiglas ako mula sa pagkakahawak nila pero hindi sila natitinag.

"Ako na ang mag da drive ng range rover. Sasabay sa akin ang babaeng yan at si Mang Tasyo pabalik ng mansyon. Owen ikaw na ang mag uwi ng kabayo ko." biglang nag bago ang isip nito.
"At kayong dalawa, maglakad na lang kayo." baling naman niya sa dalawang lalaking nakahawak sa akin kanina.

WALANG nag sasalita sa aming tatlo habang sakay ng range rover. Siya na nag da drive, ako sa tabi niya at sa back sit si Mang Tasyo.

Parang may pinipigil itong galit sa diin ng pagkakahawak niya sa manibela.

Napapikit ako sabay lunok ng laway. Ang dami daming nag lalaro sa isip ko na pwedeng mangyari sa akin sa mansyon. Baka ipa bogbog ako, baka pagalitan at ang pinaka masaklap baka ipakulong pa.

Ang huling naisip ko ang pinaka bumabagabag sa akin. Kung mangyayari iyon hindi lang ako ang kawawa, pati mga kapatid kong umaasa sa akin.

"Huwag mong susubukang tumakas ngayon. Mas maraming guwardiya ang pwedeng bumaril sayo dito." bilin nito, bago kami bumaba ng makarating ng mansiyon.
Tuloy tuloy itong pumasok sa mansiyon na nag iiwan ng mga putik sa malinis na sahig dahil sa kanyang suot na boots. Habang ang mga katulong naman ay halatang kabado sa kanyang pagdating.
"Ihatid ang almusal ko sa aking opisina." simpleng sabi niya na hindi mababakasan ng anumang kabaitan.
"Mang Tasyo dalhin mo din siya sa opisina ko, mag uusap kami." utos na man niya kay Mang Tasyo bago umakyat sa grand staircase.

"Mang Tasyo anong gagawin ko?", naiiyak na tanong ko sa matanda pagpasok namin sa opisina kung saan kami mag uusap ng striktong lalaki.
"Pasensiya na hija, mukhang hindi kita matutulungan ngayon. Pati ako mukhang mawawalan ng trabaho." naiiling na sabi ng matanda.
"Hindi ko po talaga alam na may ibang mag babantay ngayon sa palaisdaan. Kung alam ko lang po na hindi ikaw ang madadatnan ko doon sana hindi na muna ako nagpunta. Pasensiya na po talaga Mang Tasyo , dahil sa akin nadamay pa kayo." hinging paumanhin ko.
"Ang alam kasi namin hija, sa susunod na linggo pa ang dating ng may ari nitong hacienda. Eh bigla siyang dumating kagabi, kaya hindi lang ikaw kundi pati kami nasorpresa. Kaya hindi kita nasabihan kahapon kasi napa aga talaga yung dating niya."

CHAINEDWhere stories live. Discover now