CHAPTER 4

146 8 0
                                    



HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina. Kahit sumunod ako kaagad kay Sir Lance, kumatok pa rin ako. Ayokong mag kamali sa harap niya.

Pina upo niya ako pagkatapos akong papasukin.

Nakayuko lang ako dahil alam ko at nararamdaman ko na naka tingin siya sa akin.

"I have a favor to ask you Sabrina." buo ang boses niya pero sobrang strikto pa rin.

Kahit ayaw ko, pero dahil sa sinabi niya kusa na akong napatingin sa kanya.

"I'am planning to get involved with politics," huminga siya ng malalim, "and I need your help."

"Po? Tulong ko?" nalilito kong tanong. Tinuro ko pa ang sarili ko.

"Yeah. Wala akong ibang maisip na makakatulong sa akin, ikaw lang." sagot niya.

"Anong klaseng tulong po sir?" naguguluhan pa rin ako. Ako ba ang mangangampanya para sa kanya. Sigurado ako, hindi pera ang tulong na iyon dahil marami na siya non.

" Like I said, papasok ako sa pulitika. Next election I am running for mayor. But before that, kailangan ko muna ayosin ang image ko sa mga tao. 'Cos right now, alam ko ang tingin ng mga tao sa akin. Strikto, ruthless, hot tempered man. I want to change that. I take some of the advises na sinabi sa akin ng magiging ka partido ko na ipakita sa mga tao na even if ganito ako, lumaki sa may kayang pamilya but still I can understand most of the people here in this area. Na papakinggan at tutugunan ko mga hinaing nila dahil naiintindihan ko sila 'cos I'm one of them. Para mapaniwala ko sila na naiintindihan ko kung ano ang pakiramdam ng isang simpleng mamamayan kailangan ko ang isang tao na napagdaanan din ang buhay nila." mahabang paliwanag niya.

"Teka lang sir ah, hindi talaga kita maintindihan." sagot ko.

"Kailangan kita para mapaniwala sila na I also care for such people like them. Na importante din sila para sa akin.Dapat maisip nila na ako ang iboto dahil malapit ako sa mga kagaya nilang mga simpleng tao."

Katahimikan ang sumunod. Na-gets ko naman ang sinasabi niya, ako lang talaga yung ayaw intindihin ang gusto niyang mangyari.

"I want you to pretend as may girlfriend. Or shall I say, fiancee." straight na straight na pagkakasabi niya.

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Sa dami ng babae sa lugar na ito, ako talaga yung naisipan niyang magpanggap? Bilang girlfriend pa talaga? Hindi ko alam ang isasagot.

"Don't worry, hindi libre to, babayaran kita. Just help me with this." kahit may kailangan siya sa akin, hindi mababakasan ng kahit anong paki usap ang boses niya.

"Pero sir, baka magtaka ang mga tao, bago pa lang po kayo dito, katulong lang po ninyo ako, at girlfriend mo na agad-agad? Tapos fiancee pa?" naka isip agad ako ng rason.

"That's exactly the point! Ang mga tao ngayon kahit mahirap ang buhay, still they believe on true love. A fairy tale like story of life. That true love still exists even in our time. We all know that its bullshit, pero malaking bagay pa rin yan sa mga tao." nakangiti niyang sabi.

Pero parang ang sakit ng sinabi niya. True love is bullshit. Kahit ako naniniwala pa rin ako sa true love. Na darating talaga yung isang tao na tatanggap sa atin. Na mas malaki ang pagmamahal niya para sa akin kesa sa mga pagkakamali ko.

"Pwede po bang pag iisipan ko muna sir?" tanong ko sa kanya.

Humilig siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ako. Parang hindi inaasahan ang sagot ko.

"Name your price Sabrina. Pumayag ka lang sa alok ko. Papaniwalain lang natin ang mga tao na nagmamahalan tayo. Kahit isa akong Natividad pinili ka pa rin ng puso ko na ikaw ang magiging girlfriend at fiancee ko. Na nagmahal ako ng simpleng babae. At dahil mas pinili ko ang kagaya mo maniniwala talaga ang mga tao na tumakbo ako para sa kanila. Para sa mga kagaya ninyo. Dahil isa na din ako sa inyo. Dahil naintindihan ko kayo. At dahil ikaw ang piniling mahalin ng puso ko." pilit pa rin akong pinapaintindi nito.

CHAINEDWhere stories live. Discover now