CHAPTER 2

148 6 0
                                    


BUONG araw kung pinag iisipan kung paano ko sasabihin sa dalawang kapatid ko ang nangyari sa akin kanina sa Hacienda Catalina.
Kung paano ko ipapaliwanag na ilang beses na akong palihim na kumukuha doon ng mga isda at yun ang pinagkakakitaan ko para may pang gastos ako sa kanilang pag aaral.
Kaming tatlong magkapatid na lang ang naiwan simula ng namatay ang tatay namin. Mag lilimang taon na din yun.

High school naman ako ng mamatay si Nanay dahil sa sakit. Sakit na hindi na nagamot pa dahil wala kaming pera pampa ospital o pampa check up man lang.
Sakit na nag simula sa pambobugbog sa kanya ni Tatay.

Impyerno ang naging buhay namin dati dahil kay Tatay. Umuuwing lasing at pinagbubuhatan ng kamay si Nanay at pati kami sinasaktan din.

May namana si Nanay na maliit na palayan mula sa kanyang pamilya, pero nalulong ang Tatay sa sugal at alak, unti unti itong naibenta hanggang ang naiwan na lang ay ang kinatatayuan ng bahay namin at ang maliit na bakuran.

Maraming pinasok na trabaho ang Nanay para mabuhay kami. Labandera sa umaga, taga hugas sa carenderia tuwing tanghali, at tindera sa palengke tuwing hapon. Pag uwi niya ng gabi sinasaktan pa siya ng walang kwenta naming tatay.
Ilang beses na ding nag labas pasok ang Tatay sa kulungan dahil sa pambubugbog kay Nanay at minsan pinapakulong ng pinag kakautangan niya.

Ilang taon din tiniis ni Nanay ang lahat ng iyon. Pati ang pananakit ni Tatay, hanggang isang araw tuluyan na siyang sumuko.

Masakit para sa amin ang pagkawala ni nanay.

Kung saan saan ako lumapit para may matinong burol si Nanay, at dahil na din siguro sa awa, marami ang tumulong sa amin.

Sa kabila ng nangyari kay Nanay hindi pa rin nag babago ang tatay namin. Araw araw siyang lasing. Kung sino sino ang pinagkakautangan para may maipang sugal.
Pagka graduate ko sa high school hindi na ako tumuloy sa college. Kailangan kung mag trabaho para sa mga kapatid ko. Kung ano anong trabaho din ang pinasok ko may mapagkakakitaan lang.
Ang mga kapatid ko na lang ang pinag aral ko.

Hanggang isang araw umuwi si Tatay na sobrang hina. Nahihirapan siyang huminga. Halos hindi na makagalaw. Ilang araw lang ang lumipas nawala na din siya. May sakit pala ang tatay sa atay dahil sa pag inom ng alak. Nagka komplikasyon hanggang tuluyan ng bumigay ang katawan niya.

Ilang buwan ang nagdaan mula ng mawala si Tatay, nakita ko ang palaisdaan sa Hacienda Catalina na binabantayan ni Mang Tasyo. Kailangan kong kumita ng medyo malaki sa araw na iyon dahil may sakit ang bunso namin, si Kikoy. Simula sa araw na iyon malaya na akong nakakakuha ng mga isda na binibenta ko sa labas ng bayan. Minsan dinadalhan ko ng pagkain si Mang Tasyo bilang pasasalamat ko sa kanya. Akala ko tuloy tuloy na iyon kahit hanggang sa mapagtapos ko ng senior high ang kapatid kong babae pero hindi pala, dahil kaninang umaga lang nahuli mismo ako ng may ari.
Kailangan kong manilbihan sa kanya kapalit ng ilang taon kung pagnanakaw.

Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko.
Huminga ako ng malalim pero naiiyak pa rin ako.
Mabuti na lang at ako na lang mag isa dito sa bahay dahil pumasok na sa paaralan ang mga kapatid ko.
Hindi na kami nag kita kaninang umaga pag dating ko dito, siguro maaga silang umalis dahil maglalakad pa iyon papuntang eskwelahan.

Iilang katok ang narinig ko mula sa labas, kasabay ng pagtawag sa pangalan ko. Nakikilala ko ang boses na tumatawag sa akin, si Cindy ang pinaka matalik kong kaibigan. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Matagal ka yata naka uwi ngayon ah,?" tanong niya pagpasok ng bahay.
Dahil sa dami ng gusto kung sabihin, hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Nilingon ako ni Cindy dahil sa hindi ko pag sagot. Naka tulala lang ako.

"Hoi, anong nangyayari sayo?" tanong niya ulit sabay kalabit sa akin.

CHAINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon