CHAPTER 7

188 7 0
                                    


CHAPTER 7

HINDI na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.
Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto sinubukan kong huwag muna magka cross ang mga landas namin.

Ang alam ko, hindi siya dito nag hapunan sa bahay.
Kung anong oras siyang umuwi kagabi walang akong alam. Maaga din siyang umalis kaninang umaga.

Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya at may load din pero ayaw kong mag tanong. Baka isipin niyang kina career ko na masyado ang lahat at pati ang personal niyang buhay aalamin ko pa.

Habang kumakain ako ng agahan, pag sisilbihan sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.
Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at doon ko pinagpatuloy ang pagkain na nakikipag kwentuhan sa kanila habang nag huhugas ito ng plato.

Nadatnan kami ni Manang Meldred na nagkakatuwaan.
"Sabrina may inutos nga pala si Lance sa akin" magalang na sabi ng matanda.
"Ano po yun manang?"
"Hindi ka na kasi tagapag silbi ng mansion, kaya pinapahanap niya ako ng papalit sayo. Hindi kasi ako basta bastang kumukuha na kahit sino. Ang gusto kasi ni Lance yung mapagkakatiwalaan, kaya baka may kakilala kang gustong manilbihan dito, baka sakaling tanggapin ni Lance." paliwanag na matanda.

Bigla kong naisip si Cindy, ang matalik kong kaibigan. Baka gusto niyang maging katulong dito.

"May naiisip po ako manang. Matalik ko pong kaibigan." sagot ko kay manang.
"Sige. Papuntahin mo dito mamaya para makita din ni Lance." sabi ni manang.

Pagkatapos ng agahan lumabas na ako ng mansion para magpunta kay Cindy. Nagpaalam ako kay manang at pumayag naman ito.
Excited na akong pumunta sa bahay nila pero hinabol ako ng gwardiya bago pa ako makarating sa may kalayoang gate.
"Mam lalabas po kayo? " tanong ng guard.
"Opo. Babalik din ako mamaya. May pupuntahan lang." sagot ko.
"Alam na po ba ito ni sir?" balik niyang tanong sa akin.

Doon ako natigilan. Kailangan pa bang magpa alam ako, siya nga hindi ko alam kung saang lupalop nag punta.

"Hindi po kasi kayo pwedeng lumabas mam kung walang pahintulot ni sir. Kaya mag pa alam po muna kayo sa kanya."

Makikipag sagutan pa sana ako kay manong guard pero na aawa naman ako.
Na alala ko dati kung paano ko pinahamak si Mang Tasyo dahil nahuli ako ni Lance na nagnanakaw sa palaisdaan. Buti na lang hindi tinanggal si Mang Tasyo at nilipat lang ng ibang area.

Wala akong nagawa kundi itxt ito.

'Lalabas ako. May pupuntahan lang. Babalik ako mamaya.' text ko sa kanya.

May reply agad ito.
'with who?'

Napaikot na lang ako ng mata. Pwede or hindi lang naman ang isasagot niya dapat.

'Pupunta ako sa kaibigan ko' text ko ulit sa kanya.

Nag antay ako ng reply. Muntik ko pa mabitawan ang cellphone ng makita na tumatawag ito.

"Hello," napipilitan kong sagot.
"Where the hell are you going? Lalaki bang kaibigan yan?" matigas ang boses niyang tanong.
"Babae. Si Cindy." walang gana kong sagot.
"I cannot go with you because I'm in the middle of a very important meeting. Magpahatid ka sa bahay ng kaibigan mo. May driver na man diyan." pinal niyang sagot.

Hindi agad ako nakasagot. Kaibigan lang pupuntahan ko dapat talaga may driver? Nasa meeting pala siya tapos importante pa eh bakit tumawag pa?

"Hello? Sabrina?" pukaw niya sa akin.
"Oo na. Magpapahatid na ako. Ibababa ko na to para matapos na yang meeting mo." paalam ko sa kanya.

CHAINEDWhere stories live. Discover now