CHAPTER 9

209 6 0
                                    

CHAPTER 9

SA mansion lang nanatili si Lance sa araw na iyon. Hindi siya nag ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan niya ang inutusan na maglibot muna.

Galing sa pagligo sa pool, nasa opisina lamang siya at abala sa mga iba't ibang papeles.
Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat, nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagka abalahan.

Hindi ko din naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko dito sa loob.

Biglang tumunog ang cellphone niya dahil sa text.

Hindi niya binasa agad iyon.

"Sab , paki open naman ng message." ilang sandali lang inutusan niya ako.

Wala akong nagawa kundi kunin ang phone niya.

Himala at walang password o di kaya yung tinatawag nilang pattern.

"Mula kay Marie. Ang sabi invited ka ngayong darating na sabado sa opening ng pinakabagong health center ng bayan natin, at sa gabi naman, isa ka sa mga judges ng kokoronahang Mutya ng San Jose." sabi ko sa kanya pagkabasa ko sa text.

Tiningnan ko ulit ang phone niya baka may mabasa pa akong ibang importanteng text. Mga unsave numbers na ang nandoon pero hindi ako naglakas loob na i open pa ang mga yon.

"We will go. Together." sabi niya na hindi ako tinataponan ng tingin.

"Ikaw lang naman ang invited. Sabi dito sa text." pagdadahilan ko.

"Well, I am inviting you. Pati sa coronation night, dapat nandoon ka." saka pa lang ako tiningnan.

Hindi naman ako maka ayaw. Hindi pwede. Kaya nga nandito ako para may madala siya sa ganitong mga event. Para ma puri ng mga tao na kahit yayamanin ang angkan niya, hindi naman imposibleng magkagusto siya sa isang gaya ko.

Hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Mabuti na lang talaga at wala na dito ang mga kapatid ko. Kung ano mang mga panghuhusga at masasakit na mga salita ang ibato sa akin, pwede ko na lang isarili lahat. Hindi na sila madadamay at masasaktan.

Ito na yong sinasabi ni Miss Ella. Na kailangan paghandaan ko ang mga ganitong event.

Baka magsusuot na naman ako ng high heels nito. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang ginawang pagmamasahe ni Lance sa binti ko nang nag praktis kami ni Miss Ella kung paano maglakad ng naka high heels.
Biglang uminit ang mukha ko.

"Dapat yung wala masyadong balat na nakikita ang isuot mo." sabi niya na nagpabalik sa akin sa katinoan mula sa biglang naalala.

Kailan nga ba niya ako nakita na nag suot na labas pati kaluluwa. Hindi ko naman hilig ang ganoon. Opening lang naman ng health center ang event dapat ba talaga naka gown? T-shirt, pantalon at sneakers okay na naman siguro.

"Huwag ka mag alala sir, babalotin ko po sarili ko. Baka nga po mag raincoat ako kung sakaling uulan." saka ko na realize kung ano ang pinagsasasabi ko nang mag angat siya ng tingin at nag tagpo ang mga kilay.
"Ang ibig ko po sabihin, hindi po ako magsusuot ng sexy. Hindi ko po hilig yon." bawi ko agad bago pa magbago ang mood niya.

"Good. Ayaw ko din na pag piyestahan ka ng ibang tao. Kahit hanggang tingin lang sila, but still, pwede ka pa ring mabastos."

Parang ayaw kong maniwala na siya ang nagsabi non. Akala naman niya bibinta sa akin yang ganyan. Ano bang pinagkaiba nila? Lalaki din naman siya.

Sa hitsura niyang yan? Nek nek niya kung maniwala akong wala din siyang minanyak dati. Pati nga siguro ngayon may pinagnanasaan din siya.
Paki alam ko naman kung meron? Nagpapanggap lang naman kami. Ano mang pangangailangan niya pwede naman niyang hanapin sa iba.

CHAINEDWhere stories live. Discover now