CHAPTER 5

170 6 0
                                    



MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko na sanayin ang sarili na mag first name basis. Gaya ng sabi niya.

Ako na rin ang na utosan na mag dala ng agahan niya.

Pagpasok ko may sinusulat siya, pero nang makita ako agad niya itong tinigil.

Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain, gaya ng nakasanayan ko.

"Basahin mo ito. Mga rules natin yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng lapel sa akin

Pinasadahan ko ito ng tingin. Ayos na man sa akin ang mga naunang rules.
#3. Public Display of Affiction is a must.

"Parang ang unfair na man yata nitong number 3 sir." reklamo ko.

"Why? Paano natin sila mapapaniwala na girlfriend kita kung hindi natin ipapakita?" sagot niya. "Don't worry, hindi ako mapagsamantala. Wala na man akong gagawin na hindi mo gusto." parang nakaka green minded ang huling sinabi niya.

Marami pa ang makasulat doon. Bawal makipag relasyon sa iba kung hindi pa tapos ang pagpapanggap. Bawal mang entertain ng manliligaw. Iwasan munang magkagusto sa iba, focus muna sa relasyon niyo. Mga rules na inembento niya na pabor sa kanya lahat.

Buti na lang at hindi muna ako nagreklamo kung saang parte ng lintik niyang rules ang para sa akin. Nandoon pala sa ibaba. Obligado siyang bayaran ako. Ibigay kung ano ang hingin kong kapalit. Hindi na niya ako guguluhin kung matapos na ang usapan namin. At higit sa lahat, walang dapat maka alam na pag papanggap lang itong ginagawa namin.

"Sir dito po sa pinaka last na walang dapat maka alam na may usapan tayong ganito, paano yon eh diba mga kapartido niyo ang nag suggest nito? So ibig sabihin alam na nila?" nagtataka kong tanong.

"Don't worry. Sinabi nga nila sakin yan, but inamin ko sa kanila na hindi pagpapanggap ito, coz I've fallen in love with you. Sinabi ko sa kanila na unang kita ko pa lang sayo doon sa palaisdaan, your someone special. I already fall for you, really really hard." mataman niya akong tininingnan habang sinasabi yon. Pati mga mata niya madadala ka sa mga titig. Magaling na talaga siya sa ganito. Madali talaga niyang maloloko ang tao. Sa hitsura pa lang niyang walang kapintasan, sa tindig at porma niya, marami na talaga siyang maloloko.

Mahina akong napatango. Mukhang pinag handaan at pinag planohan niya talaga ang pag papanggap na ito. Mukhang seryoso talaga siyang manalo sa halalan next year.

May inabot din siyang picture sa akin. Magandang building yon na parang may maraming mga silid.

"That's St. Clare's. Principal ang Tita ko diyan at isa mga board din ng school. Exclusive school yan sa mga maykayang pamilya . With dormitory. Tinanong ko ang mga kapatid mo if OK lang ba sa kanila yan. They both agree. Hindi sila pababayaan diyan." paliwanag niya sa akin ng nasa larawan.

"Pero nasaan po ang eskwelahang ito?" tanong ko ulit .

"Florence, Italy. In Europe. May mga pinoy din naman diyan. Weekends they are free to use phones or computers. So pwede ka nilang tawagan during Saturdays and Sundays. Pwede kayong magkamustahan. Twice a month pumupunta silang bayan, kasi nasa countryside yang paaralan. Of course food and toiletries are provided na ng school. At ang transportation nila provided din ng school at may kasama silang mga madre or teachers, depende sa dami nila para mabantayan. The most important thing is matuturuan silang maging independent." nakikinig lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya. At sabi niya ayos lang ang mga kapatid ko dito. Ibig sabihin nagkausap na sila? Kailan?

"Kailan niyo po sila nakausap.?" tanong ko ulit.

"Kaninang umaga. Pinuntahan ko sila sa bahay ninyo. Dumaan ako doon galing sa palaisdaan. Base sa nakita ko, bagay na bagay ang paaralang ganito sa mga kapatid mo, because they are responsible. Para mas ma develop pa yung mga skills at talents nila. Sabrina they have huge dreams. At alam ko kayang kaya nila yun kasi matatalino sila. Sayang kung malilimitahan sila dahil kailangan nilang manatili dito. This is there opportunity, I want you to grab them, not for yourself pero para sa kanila."

CHAINEDWhere stories live. Discover now