CHAPTER 8

202 8 0
                                    


CHAPTER 8

HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko alam kung anong oras naka uwi si Lance dahil hindi ako nagising.
Mas lalong hindi ko din alam kung saan siya nag punta.

Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok.

"Gising na po mahal na prinsesa." sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.

Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok ang pang umagang sinag ng araw at medyo sumakit ang mata ko. Wala na akong nagawa at bumangon na lang. Tiningnan ko ang orasan sa bed side table at nakitang alas otso na pala.

Nakakahiya naman at medyo natagalan ako sa pag gising. Baka akalain ng mga kasambahay namimihasa ako o nagiging abusado, na bago pa lang naman ang relasyon namin ni Lance. Pekeng relasyon pala.

"Bangon na kamahalan. Huwag po ninyong pahirapan ang inyong alalay. Ihahanda ko na po ang inyong pang ligo." hindi pa rin ako tinigilan ni Cindy.

Inikutan ko siya ng mata.
"Tigil tigilan mo nga ako Cindy. Tsaka maliligo akong mag isa. Hindi na ako bata na dapat pang paligoan. Tinanghali lang ako ng gising pero hindi ibig sabihin inutil na ako."

Napa bunghalit ito ng tawa. "Masama ang gising teh? Hindi pa rin kayo okay? Sige na maligo ka na at mag bihis kasi nandiyan na si Miss Ella sa baba. May klase ka ngayon mam." sabi nito sabay labas ng kwarto.

Muntik ko na makalimutan na kapag lunes may klase ako kay Miss Ella.

Nagmamadali pa akong bumaba sa kusina para kumain ng agahan. Sobrang nakakahiya na talaga. Ako na nga tinutulungan ni Lance para mas madevelop ang sarili , ako pa tong late.
Halos hindi ko na naubos ang agahan ko sa pagmamadali. Pati sa pagpasok sa opisina ni Lance kung saan ginaganap ang aming klase nagmamadali pa din ako. Hindi na ako nag abalang kumatok pa.

Muntik na tuloy akong matisod, buti na lang nabawi ko ang aking balanse at hindi natuloy ang pagkaka subsob ko sa sahig. Kung nagkataon pahiya to the next level na naman.

Pero hindi ako nakapag salita dahil paglibot ng aking paningin sa loob ng opisina, walang ibang tao kundi ang striktong lalaki na naka upo sa swivel chair niya at naka tingin sa akin.

Parang nagsilayasan ang laman ng isip ko at kahit isang salita wala akong mabigkas.

"Lumabas muna sandali si Miss Ella, may sinagot na tawag." paliwanag niya kahit hindi ako nagtatanong.

Sunod sunod na tango lang ang sinagot ko. Buhol buhol ang aking paghinga at parang nabibingi ako sa kaba.

Nanginginig ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan.

"Kumusta ang tulog?" tanong niya. Iwan kung tinanong niya lang yun para may mapag usapan kami o halata lang talaga sa hitsura ko na wala akong matinong tulog.

"Ayos lang." maikli kong sagot. Mahirap ng habaan ang sagot ko kung hindi naman siya magiging interesado.

Katahimikan ang sumunod. Sa sobrang tahimik halos marinig ko na ang sariling pintig ng puso.

Buti na lang may kumatok sa labas at pumasok si Miss Ella.

"Na istorbo ko ba kayo?" nakangiting tanong nito. Akmang babalik ito sa labas nang pigilin ko.

"Hindi Miss. Ayos lang." sabi ko agad sa kanya. Ayoko ng maiwan sa opisinang ito na si Lance lang ang kasama. Parang nakakalason ang hangin. Ang hirap huminga.

"Maiwan ko na kayo." parang gusto kong magtata talon sa tuwa nang marinig ko yon kay Lance.

Dumiritso na ako ng upo sa sofa para tuloy tuloy na siyang lumabas. Baka matulad na naman ito noong nakaraan na hinalikan pa talaga ako sa noo. Iwan ko na lang kung ano ang reaksiyon ko kung mauulit pa yon sa harap na naman ni Miss Ella.

CHAINEDWhere stories live. Discover now