Chapter 22: The Last Mission

413 34 0
                                    

HARRIS

"Leeroy ang pangalan mo, tama ba?" tanong ko sa sundalong naghatid sa akin sa kwartong magsisilbing kulungan ko. Naunang umalis ang dalawa n'yang kasamahan kaya naman nabigyan ako ng pagkakataon kung makakaya kong manipulahin ang sundalong 'to.

"Oo," tipid n'yang sagot habang kinakandaduhan ang rehas na kinalalagyan ko.

"Sa'yo 'to, di ba?"

Mabilis s'yang napaangat ng tingin sa hawak kong baril at tarantang kinapa ang bewang n'ya.

"Ilang taon ka na?" kalmado kong tanong bago maupo sa steel bed. Sinilip ko kung loaded ang baril n'ya–kulang na s'ya ng dal'wang bala.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan? Ibalik mo sa akin ang baril ko!"

"Sagutin mo muna ang tanong ko."

"25. Nasagot ko na ang tanong mo kaya ibalik mo na sa akin ang baril ko."

"Apat na taon lang pala ang agwat ko sa'yo," saad ko bago iabot sa kanya ang baril n'ya.

Kunot-noo n'yang kinuha sa kamay ko ang baril na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko.

"Ganun-ganun na lang 'yon? Ibabalik mo lang ng basta-basta sa akin ang baril ko? Hindi ba dapat binaril mo na ako o kaya'y tinakot para palayain kita sa kulungang 'to?" hindi makapaniwalang saad n'yang.

"Ganun ba ang gusto mong gawin ko? Sige, akin na ulit ang baril mo at gagawin ko mismo ang gusto mo," saad ko pero imbis na ibalik ay mabilis n'yang inilagay sa holster ang baril n'ya.

"Alam mo ba ang patungkol sa mangyayaring wipeout sa Redmond City?" tanong ko kay Leeroy.

"O-Oo. Aware kami 'don," sagot n'ya. Makikita sa mukha n'ya ang pagkadisgusto sa planong iyon ng gobyerno pero heto s'ya't parang maamong aso na sunod-sunuran sa utos ng gobyerno.

"Wala ka bang pamilya sa ciudad na 'to?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" inis n'yang tanong sa akin.

"Sinusubukan ko lang kung mako-konsensya ka," sagot ko. Yeah. That's what I'm trying to do.

"Tang...ina!" Mahinang mura nito na ikinangisi ko.

"Ang pagsabotahe sa planong pag-wipeout ng gobyerno sa buong ciudad ang dapat na huling misyon ng platoon ko pero pinatay ng virus ang mga kasamahan ko. Sa ngayon ay ako na lang ang natitirang miyembro na magpapatuloy sa mismong iyon," pahayag ko.

"Bakit mo 'to sinasabi sa akin?" tanong ni Leeroy.

"Kinokonsensya kita."

Muli s'yang napamura ng mahina bago n'ya ako talikuran at iwanan sa kwarto.

That didn't work.

Mukhang wala s'yang konsensya. Bumalik ako sa pagkakaupo sa steel bed at malalim na nag-isip.

Ang four ordinal direction kung saan unang idi-detonate ang bomba bukas ng ala-sais ng gabi ay ang,

Northeast Area
Northwest Area
Southeast Area
Southwest Area

Samantala, ang four cardinal direction na magpapalubog at tuluyang sisira sa Redmond City dahil sa dobleng lakas kesa sa nauna ay sa;

Northbound Area
Eastbound Area
Southbound Area
Westbound Area

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon