Chapter 14: The New Virus

485 39 2
                                    

MAGS

"Para saan ang likido na 'to?" tanong ko habang apak-apak ko ang dibdib ni Jenna. Kasalukuyan s'yang nakahandusay sa sahig at namimilipit sa sakit dahil sa ginawa kong pagbaril sa magkabila n'yang kamay at paa.

Bukod sa baril na nakatutok sa ulo n'ya ay hawak ko rin ang isang vacutainer na may lamang kulay berde na likido.

"Subukan mong inumin para malalaman mo ang sagot sa tanong mo." sagot n'ya na nagpa-igting nang panga ko. Diniinan ko ang pagkakaapak sa dibdib n'ya kaya napadaing s'ya sa sakit.

"Magandang idea," saad ko bago yumuko sa harap n'ya at mahigpit na hinawakan ang bibig n'ya.

"Huwaaag!" tili n'ya habang nagpupumigas sa pagkakahawak ko pero huli na dahil marahas kong isinaksak sa bunganga n'ya ang tube na may lamang formula.

Mabilis akong napahakbang palayo kay Jenna ng makita ang bigla n'yang pangingisay sa sahig. Kitang-kita ko at dinig ko ang pagkabali ng mga buto n'ya.

Mukhang isang new develop virus ang ginawa ng higad na 'to. Hindi nga ako nagkamali sa masamang hinala ko sa mga ginagawa n'ya.

Natigil ang biglang pangingisay ni Jenna sa sahig. Matapos ang ilang segundong pananahimik ay isang malakas at nakapangingilabot na tawa ang pinakawalan n'ya.

Hindi ba dapat patay na s'ya matapos mabali lahat ng mga buto n'yan?

Kaagad ding nasagot ang tanong ko nang dahan-dahan s'yang tumatayo. God! This scene is creepy. Ang mga nakausli n'yang mga buto ay unti-unting bumabalik sa dati.

What the hell!

"Nakita mo ba 'yon? Hahaha!" Halakhak ni Jenna.

"Anong ginawa mo?"

"Alam mo kasi Maggie, ganito 'yon. Ipapaliwanag ko sayo kaya makinig kang mabuti." pahayag nito na halatang excited sa ikukwento n'ya.

Nakita ko kung paano maging kulay puti ang mga pupils ng mga mata n'ya habang may mapupulang ugat naman ang gumapang sa sclera n'ya.

"Alam mo ba kung gaano kahirap gumawa ng antidote para sa isang virus? Sabagay, hindi iyon maiintindihan ng mga tao na kagaya mo na walang alam sa larangang medikal. Puro kasi reklamo ang alam n'yo at gusto n'yo ay isubo na lang sa inyo ang ginhawa habang ang mga eksperto na kagaya ko ay nagpapakahirap para lang isalba ang mga buhay ninyo. So moving on, isang new developed virus ang na diskobre ko. Since, aabutin ng isa o ilan pang taon ang paggawa ng antidote sa Lucifer's virus ay nilinang ko na lang ito hanggang sa ma-develop ang panibagong varant ng virus."

"Nakita mo naman, di ba? Tuluyang nawala ang mga sugat ko at nabuong muli ang mga nabali kong buto pe–" Hindi na natapos pa ni Jenna ang sanang sasabihin n'ya ng bigla s'yang nagsuka. Isang itim at malapot na likido ang bigla n'yang iniluwa.

"Mukhang ngayon palang nagsisimula ang totoong epekto ng formula sa katawan mo," saad ko.

"Ang totoo n'yan ay kayo dapat ang magiging gene pig ko pero mukhang minaliit ko ang kakayahan mo, Maggie," pag-amin n'ya.

Bakas sa mukha n'ya na may iniinda s'yang sakit.

Isa na namang malakas na sigaw ang pinakawalan n'ya habang hawak ang mukha n'ya. Mabilis ang ginawa kong pagtutok sa kanya ng baril ko.

Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko ngayon. Para s'yang isang ahas dahil sa pagbabalat ng mukha n'ya. Unti-unting kasing lumalaki ang katawan n'ya kaya halos mapunit ang balat n'ya. Umusli ang ilang mga buto ni Jenna sa balikat at dibdib. Muli akong napaatras dahil sa pagtalsik ng kulay itim n'yang dugo.

Kailangan kong mag-ingat dahil hindi ko alam kung anong uri ng virus ang kalaban ko ngayon.

"Hayop ka! Tingnan mo ang ginawa mo sa akin!" asik n'ya. Kanina lang ay ipinagmamalaki n'ya ang naunang resulta ng virus. Baliw talaga.

Sunod-sunod ang ginawa kong pagkalabit sa garilyo dahil sa bigla n'yang pagsugod sa akin. Tumama ang bewang ko sa operating table at nandidiring napalingon ng maramdaman ang malagkit na bagay sa kaliwang kamay ko. Nahawakan ko pala ang butas na tiyan ng kaninang inu-autopsy na bangkay ni Jenna.

"Sh*t!" Mura ko nang sumugod muli si Jenna.

Hindi na virus ang kalaban ko kundi...isang halimaw! Hindi man lang s'ya napuruhan sa mga tama ng bala sa ulo't mukha n'ya kahit lumuwa na ang ilang parte ng utak n'ya.

Binaril ko ang mga kamay n'ya ng akmang hahablutin n'ya na sana ako. I need to reload. Mabilis akong nagtago sa ilalim ng natumbang mesa at mabilis na nilagyan ng bala ang baril pero muli akong napamura ng nabitawan ko ang baril dahil sa biglang pagtulak ni Jenna sa mesang pinagtataguan ko.

Napadaing ako nang tumilapon ako sa salaming bintana at bumaon sa tiyan ko ang isang kapirasong salamin. Inilibot ko kaagad ang tingin ko sa kwarto para hanapin ang nabitawan kong baril pero nanlumo ako ng makitang apak-apak 'yon ngayon ni Jenna.

"Masakit ba? Hahahah!"

Napangiwi ako ng makita ang ginawa n'yang pagbunot sa nakausli n'yang buto sa balikat. Isang matalim na buto ang hawak-hawak n'ya ngayon na s'yang gagamitin n'yang sandata laban sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkakahandusay at nag-isip ng susunod na plano laban sa halimaw na kalaban ko. Isang maliit na chainsaw ang nakita kong nakapatong malapit sa mga surgical tools. Maliit lang 'yon pero pwede na.

Tumakbo ako patungo sa kinalalagyan ng chainsaw at nang mahawakan iyon ay umikot ako paharap kay Jenna na nasa likuran ko na pala kaya nahagip ng chainsaw ang leeg n'ya pero sa kasamaang palad ay tumama rin ang hawak n'yang buto sa balikat ko at bumaon sa laman ko.

Humiwalay ang ulo ni Jenna sa katawan n'ya nang mas ibaon ko pa ang chainsaw sa leeg n'ya.

Impit akong napasigaw ng bunutin ko ang buto na bumaon sa balikat ko. Kinuha ko mula sa waist bag ko ang isang maliit na bote na naglalaman ng alak at ibinuhos iyon sa sugat ko.

Sh*t! Kung minamalas ka nga naman.

Bago tuluyang umalis sa laboratoryo ni Jenna ay ginamot ko muna ang sarili ko. Kumuha rin ako ng blood sample ni Jenna. Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung kanino ko iaabot at ipagkakatiwala ang dugong 'to.

Kapag naibigay ko 'to sa maling tao ay siguradong mas malala pa ang aabutin ng mundong 'to sa virus.

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityWhere stories live. Discover now