Chapter 6: The Struggles

679 57 3
                                    

REGAN

"Gusto mo talaga ng sakit sa katawan. Sige! Magmatigas ka dahil hindi lang 'yan ang aabutin mong bugbog sa akin," pagbabanta sa akin ng lalaki.

Parang bakal ang mga kamay n'ya dahil sa higpit ng pagkakahawak n'ya sa braso ko. Muli n'ya akong pwersahan na inihiga sa sahig kaya naman mas lalo akong natakot lalo na nang pumatong s'ya sa ibabaw ko.

"H-Huwag!" sigaw ko habang patuloy pa rin pumapalag. "Tulon—Aahhh!" Napatili ako ng maramdaman ang kamay n'ya na humaplos sa tiyan ko. Bago pa man umakyat sa dibdib ko ang kamay n'ya ay nabitawan n'ya na ako.

"Magbabayad ka!" Boses iyon ng isang batang lalaki.

Hindi ko makita kong anong ginawa ng bata para mapadaing ang sundalo pero hindi iyon sapat para mapatumba n'ya ito.

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumayo at lumayo. Mabilis kong inilibot ang paningin ko sa madilim na simbahan at hinanap ang kapatid ko.

"Rei!" tawag ko sa kanya.

Pasuray-suray akong naglakad. Napatalon ako sa gulat ng may bumagsak na katawan sa harap ko.

"Tck." Nanghihinang daing ng bata habang namimilipit sa sakit dahil sa ginawang pagbalibag sa kanya ng sundalo.

"Dapat pala ay pinatay na rin kita kasama ang pari na 'yon!" asik ng sundalo saka n'ya pinunit ang suot n'yang puting roba. Muling nabaling ng tingin n'ya sa akin kaya napalunok ako ng magsimula s'yang maglakad papalapit sa direksyon ko.

"Papatahimikin ko na muna ang batang ito bago ko ituloy ang naudlot kong plano sa'yo," pahayag ng sundalo. Marahas n'yang hinawakan sa buhok ang batang lalaki at walang kahirap-hirap na iniangat ito gamit lang ang isang kamay.

"Babaliin ko ang leeg mo kaya humanda ka!"

Bago pa man mahawakan ng sundalo ang leeg ng bata ay kaagad kong niyakap ang braso n'ya para pigilan s'ya sa binabalak n'ya pero dahil sa lakas na taglay n'ya ay leeg ko ang na napuntirya n'ya.

Muli n'yang inihagis ang bata saka s'ya bumaling sa akin. Kitang-kita ko sa mukha n'ya ang pagkairita dahil sa pagpigil ko sa kanya. Halos hilahin ng matinding sakit ang diwa ko ng isang suntok sa sikmura ang matanggap ko. Namilipit ako sa sobrang sakit ng bitawan ako ng sundalo.

"Siguro naman ngayon ay madadala ka na!" saad nito bago maglakad papunta sa direksyon ng batang binitawan n'ya.

Kahit masakit ang buo kong katawan dahil sa suntok na natanggap ko ay pinilit ko pa rin na makatayo at sundan ang sundalo. Kahit wala akong responsibilidad sa batang iyon ay hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Hangga't maaari ay ayokong may mamamatay sa harap ko .

"T-Tama na," namamaos kong pakiusap sa kanya. Hinila ko ang likurang bahagi ng uniporme n'ya.

Muling nabaling ang tingin sa akin ng sundalo. "Hindi ka ba talaga makapaghintay, hah? Sige, ikaw muna ang uunahin ko." Bakas sa mukha n'ya ang galit. "Hubad!" utos n'ya.

Ang kaninang galit na ekspresyon n'ya ay napalitan ng isang pilyong ngisi sa labi.

Nanginginig ang mga kamay kong hinigpitan ang hawak ko sa sira-sirang hoody jacket na suot ko. Bawat paghakbang n'ya papalapit sa akin ay s'ya rin pag-atras ko papalayo sa kanya.

Akmang aabutin n'ya na sana ako nang may isang kamay ang pumulupot sa bewang ko saka ako nito hinila palayo sa sundalong kaharap ko. Naramdaman ko ang pagtama ng likuran ko sa dibdib ng kung sino. Imbis na mag-panic ako ay parang mas naging kampante pa ako sa pagsulpot nito.

Gusto ko s'yang lingunin para makita ko ang mukha n'ya pero hinang-hina na ako para gawin ang simpling bagay na iyon.

"Tsk. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ruffino. G*go ka pa rin hanggang ngayon," pahayag ng lalaki na nasa likuran ko.

Teka, parang pamilyar sa akin ang boses n'ya.

"P*tangina, Harris! Pakialamero ka pa rin hanggang ngayon!" Nag-igting ang panga ng sundalong nagngangalang Ruffino.

Harris? Ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yon pero pamilyar talaga sa akin ang boses n'ya.

Mag-aangat na sana ako ng tingin para silipin si Harris nang may bigla s'yang ipatong sa ulo ko. Jacket.

"Wag ka munang magulo," utos n'ya sa akin. "Sa pagkakaalam ko ay hindi ito ang assigned area ng platoon mo. Mukhang nagkakalimutan tayo, Ruffino," pahayag nito.

"Tch. Sinasabi mo bang teritoryo mo ang lugar na 'to? Ang yabang mo na, Harris!" asik ni Ruffino.

Nakita ko ang pag-angat ng kanang kamay ni Harris. May hawak s'yang baril na agad nitong itinutok sa kalaban. Mabilis namang kinapa ni Ruffino ang bewang n'ya na parang may hinahanap.

"Sundalong walang baril? Nagpapatawa ka ba?" Mapang-uyam na tanong ni Harris.

Mabilis akong napahakbang paatras nang sugurin kami ni Ruffino pero mabilis ang paggalaw ni Harris. Nasangga n'ya ang kamao ni Ruffino gamit lang ang isa n'yang kamay. Binitawan n'ya ako saka n'ya pinaikot ang braso ng lalaki papunta sa likuran nito. Halos mapahalik sa sahig si Ruffino nang sipain s'ya sa likuran ni Harris.

Napatili ako sa gulat ng isang putok ng baril ang pinakawalan ni Harris. Madilim ang ilang bahagi ng simbahan kaya hindi ko makita kung saang parte ng katawan ni Ruffino ang tinamaan.

Sigaw kasi nang sigaw si Ruffino habang namimilipit sa sakit.

"Ipagdasal mo na hindi na ulit mag-cross ang landas natin dahil sa susunod na makita ulit tayo ay mas malala pa r'yan ang aabutin mo." Pagbabanta ni Harris.

Kailangan ko pang hanapin si Rei pero hindi na kinaya ng katawan ko ang mga natamo nitong bugbog kanina. Tuluyang nag-dilim ang paningin ko. Gusto kong buksan ang mga mata ko pero hindi ko na talaga kinaya.

S-Si Rei. Hahanapin ko pa s'ya!

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityWhere stories live. Discover now