Chapter 20: The Unexpected Guest

396 35 0
                                    

MAGS

"Subukan mong mag-ingay at sisiguraduhin kong kakalat ang utak mo sa lugar na 'to," pagbabanta ko sa sundalo habang nakatutok ang baril ko sa sintido n'ya.

Nang masigurado kong wala na ang kasamahan n'yang naghahanap sa kanya ay umalis na ako sa ibabaw n'ya habang nakatutok pa rin sa ulo n'ya ang baril ko. Kinuha ko mula kay Mervin ang tali na ginamit namin kanina saka 'yon itinali sa kamay ng sundalo.

"Tss. Ako pa talaga 'tong tinakot mo," mayabang na pahayag ng sundalo.

"Pero effective naman, 'di ba?" tanong ko habang inaayos ang pagkakatali sa kanya.

"Hindi naman sa natatakot akong sumabog ang ulo ko, mas natatakot ako sa magiging lagay ng mga kasama mo kapag nakita sila ng mga kasamahan ko." Bumaling s'ya kina Mervin at Rei. Bakas ngayon sa mukha ng dalawang bata ang takot dahil sa sundalo.

Wala na kaming panahon para makipagchikahan sa kanya kaya kaagad din namin s'yang iniwan sa tagong lugar.

"MAGS, may problema ba?" tanong sa akin ni Regan.

Napatigil kasi ako sa paglalakad nang maramdaman ang pagsakit ng sugat ko sa balikat. Pati ang braso ko ay bigla na lang din nanginig dahil sa sensasyong nagmumula sa sugat ko.

"W-Wala," pagsisinungaling ko.

Ipinagpatuloy ko ang pangunguna sa grupo. Ayoko munang isipin ang kahihinatnan ko dahil sa virus na nasa katawan ko. Ayokong mamatay sa lugar na 'to at hindi rin sa mga kamay ng mga sundalo. Ma-pride akong tao kaya hindi ko hahayaang mapatay nila ako.

Isang built-in base ang nakita namin hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon. Mahigpit ang seguridad sa buong paligid. Maraming nagkalat na armadong mga sundalo.

Sa gate kung nasaan ang checkpoint ay doon makikita komusyon. May ilang mga umiiyak, nagmamakaawa at lumalaban sa mga bantay pero naagaw ang atensyon ng lahat ng bigla na lang suntukin ng isang matandang lalaki ang isang sundalo.

Mayamaya pa ay napasigaw at napasinghap ang mga tao nang iangat ng matandang lalaki ang hawak n'yang granada. Sa tingin ko ay nakuha n'ya ito mula sa kaninang sundalong binubugbog n'ya. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga tao papalayo samantalang pinagbabaril naman ng mga sundalo ang matanda pero huli na dahil natanggal na ng matanda ang safety pin ng granada na dahilan para lumikha ito ng malakas na pagsabog.

"Regan!" tawag ko sa kanya.

Nasa pagsabog ang atensyon ng lahat kaya naman pagkakataon na namin para umabante.

Isang malakas na sirena ang umalingawngaw sa buong lugar.

"Mags, tingnan mo!" Mabilis kong sinundan ang itinuro ni Regan at nakita ang double steel door na bahagyang nakaawang.

"Mags, baback-up-an kita."

Tumango lang ako bilang sagot kay Regan saka mabilis na tinakbo ang pinto na ilang metro ang layo sa amin. Nang makapasok ako ay kaagad kong sinenyasan si Regan na pasunudin si Mervin. Nang makalapit sa akin si Mervin ay si Rei naman ang kinailangan kong abangan.

Sa galaw pa lang ni Rei ay alam ko nang ayaw n'yang humiwalay sa kapatid n'ya. Pinilit pa ito ni Regan ana tumakbo patungo sa akin bago ito napapayag. Delikado kasi kung magsasabay sila dahil mapapansin sila ng mga nagkalat na sundalo kaya paisa-isa lang ang abante namin.

Habang tumatakbo patungo sa amin si Rei ay isang sundalo ang bigla na lang sumulpot sa likuran n'ya. Mabilis kong ikinasa ang baril ko na may silencer pero bago ko pa man makalabit ang gatilyo ay hinampas na ni Regan sa ulo ang lalaki. Mabilis ang ginawa kong pagkuha kay Rei at pagsara sa pinto.

"Paano si ate Regan?! Buksan mo ang pinto!" puno ng pag-aalalang saad ni Mervin.

"Manganganib tayong lahat kapag ginawa ko 'yon! Alam kong maiinindihan ni Regan ang desisyon ko,"

"P-Pero hindi tayo pweding umalis nang hindi kasama si ate Regan."

"Ate!" Iyak ni Rei.

"Patahanin mo muna si Rei. Hindi ako makakapag-isip ng plano kung maingay kayo pareho!" utos ko kay Mervin.

Isang pigura ng lalaki ang bumungad sa harap namin. Kaagad kong itinutok ang baril ko sa kanya at iniharang ang katawan ko para protektahan ang mga bata.

"Ibaba mo ang armas mo at itaas mo ang mga kamay mo!" asik ko.

Iniangat n'ya ang dalawang n'yang kamay at dahan-dahang humakbang papalapit sa amin sapat na para makita ko nang malinaw ang mukha n'ya.

"Edward Sy?"

Hindi ako pupweding magkamali. S'ya si Edward Sy, ang nurse na naging laman ng mga balita dahil sa Lucifer's virus na dineveloped n'ya.

"Anong ginagawa ng isang criminal sa kuta ng gobyerno? At kelan ka pa nakalaya sa kulungan?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan n'ya. "Tumakas ako dahil mali ang ibinibintang nila sa akin."

"Ngayon ka pa ba magpapaliwanag kung kelan gagawin ng abo ang buong lugar na 'to?" tanong ko bago ibaba ang baril na nakatutok sa kanya.

"Mervin, tara na!"

"T-Teka!" Pagpigil sa amin ni Edward. "Plano n'yo rin bang tumakas dito sa Redmond?"

"Ano naman kung 'yon nga ang plano namin?"

"May kilala akong doktor na pupweding tumulong sa inyo. Bukas na ang total evacuation nila. Maaari n'ya kayong isama paalis dito."

"Paano ka naman nakakasiguradong tutulungan n'ya nga kami?"

"Dahil kilala ko ang doktor na 'yon."

Nag-isip muna ako kung kakagat ako sa alok ng lalaking 'to. Bukod kasi na s'ya ang itinuturong gumawa ng virus ay baka may iba s'yang masamang plano sa amin. Malay ko bang gusto n'ya lang kaming gawing gene pig sa bago n'yang virus project. 

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityWhere stories live. Discover now