Chapter 19: The Last Base

404 35 0
                                    

Hindi ko akalain na gan'to kapanganib ang Southbound. Hindi lang ito basta-bastang checkpoint. Napakaraming sundalo ngayon ang abala at nagkalat sa area na para bang may pinaghahandaan silang giyera.

Bukod sa pagpapasabog sa Redmond City ay ano pa ba ang hindi namin alam?

Para bang nakikiramay ang panahon dahil pagdilim ng kalangitan.

Pansamantala kaming nagtago sa loob ng isang lumang armored vehicle na hindi tatangkaing pasukin ng kahit na sino dahil halos tirahan na ito ng mga ligaw na damu at lumot.

Habang kumakain ang mga bata ay abala naman kami ni Mags sa paglalatag at pag-aayos ng mga baril.

"Ate, gusto ko rin baril po," turo ni Rei sa mga baril na nakikita n'ya.

"Hindi ito laruan bata," pahayag ni Mags.

"Tama s'ya Rei. Totoong baril ang mga 'yan at hindi laruan."

"Pero gusto ko ng laruan," nakangusong pahayag ni Rei.

"Heto, sa'yo na 'yan." Iniabot ni Mags ng isang bala sa kapatid ko. "Kapag big boy ka na ay ako mismo ang magtuturo sa'yo kung paano gumamit ng baril."

"Hindi ba 'to delikado?" tanong ko kay Mags pero nagkibit-balikat lang s'ya bago muling ipagpatuloy ang ginagawa n'ya.

"Humanda na kayo dahil pagkatapos nito ay aalis na tayo. Hindi pweding magtagal pa tayo rito dahil kaunting panahon na lang ang meron tayo bago sumabog ang buong lugar na 'to." seryosong pahayag ni Mags.

"Mags, pwede bang sa akin na lang 'to," saad ko habang hawak ang isang maliit na baril. Sa tingin ko kasi ay hindi sapat ang revolver na meron ako para maprotektahan si Rei at Mervin."

Tumango si Mags bilang sagot sa akin.

"Ate Mags, gusto ko rin ng sandata. Para may pang-self depense rin ako," saad namam ni Mervin.

Isang swiss knife ang iniabot ni Mags kay Mervin na ikinatuwa naman nito.

Kailangan namin maging handa dahil hindi namin alam ang maaaring mangyari kapag lumabas na kami sa sasakyang ito. Wala kaming kontrol sa sitwasyon kaya mas mabuti nang handa kami.

Naunang lumabas si Mags sa sasakyan para magmasid at siguraduhin na walang gumagalang sundalo. Nang masiguradong ligtas ang paligid ay sumenyas s'yang lumabas kami sa sasakyan.

Kaagad kung isinuot ang hood ng jacket ko nang maramdaman ang kaunting pag-ambon. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang mga taong nakasunod sa mga sundalo habang puno ng takot at pangamba ang mga mukha nila. May ilang mga lumalaban kapag hinihiwalay sila sa mga kasamahan nila pero kapalit nun ang pananakit sa kanila ng mga sundalo.

Mahigpit ang ginawa kong paghawak sa kamay ni Rei dahil sa pag-aalala na maaari rin 'yong mangyari sa aming dalawa.

Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Kahit na anong mangyari ay mananatili ako sa tabi ng kapatid ko katulad ng ipinangako ko kina mama at papa.

Elevated ang daang tinatahak namin kaya kitang-kita namin ngayon ang nangyayari sa baba ng checkpoint habang nakatago kami sa mga halamanan. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa tumambad sa amin ang mataas na pader na sa tingin ko ay naghihiwalay sa amin sa Southbound.

May kinuhang makapal na tali si Mags mula sa bag n'ya.

"Mervin, ikaw ang umakyat. Mas magaan ang katawan mo kaya mas mabilis kang makakapunta sa kabila. Itali mo lang ang lubid sa matibay na puno o poste para makatawid din kami. Kakayanin mo ba?" tanong ni Mags kay Mervin.

"Oo. Kaya ko," matapang na sagot ni Mervin.

Kaagad na itinali ni Mags sa katawan ni Mervin ang lubid. Tinuruan n'ya rin ito kung paano ang tamang pagtatali sa poste o puno.

"Magi-ingat ka," bilin ko kay Mervin.

HALATANG nahihirapan sa pagkapit sa lubak at sirang pader si Mervin. Narinig ko ang pagdaing n'ya bago mapabitaw ang isa n'yang kamay habang ang isa naman ay nakakapit pa rin. Ilang patak ng dugo ang tumulo mula sa sugat n'ya dahilan para tuluyan s'ya mapabitaw. Mabuti na lang nakaabang sa baba si Mags kaya nasalo nito si Mervin.

"S-Susubukan ko ulit," determinadong pahayag ni Mervin nang hindi pinapansin ang sugat n'ya sa palad. Muli s'yang inalalayan mo Mags paakyat.

"Oh no," bulong ni Rei na napayakap sa bewang ko.

Ilang sandali pa ay matagumpay na nakatawid si Mervin sa kabila. Tinulungan muna ako ni Mags na itali nang mabuti si Rei sa likuran ko. Baka kasi bigla na lang bumitaw ang kapatid ko kaya minabuti na naming itali s'ya sa akin.

"Rei, 'wag kang malikot, huh? Baka mahulog ka," bilin ko kay Rei.

"Ate! Naitali ko na ang lubid!" sigaw ni Mervin.

Bumuga ako ng hangin saka ko ipinunas sa damit ko ang namamawis kong palad bago hawakan ang lubid. Hindi naging madali para sa akin ang lahat. Masyadong mabigat si Rei kaya nahirapan akong balansihin ang bigat naming dalawa. Ilang beses ako nagpadausdos sa lubid bago tuluyang makatawid sa kabila.

"Ate, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Mervin habang tinatanggal n'ya ang pagkakatali ni Rei sa katawan ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan ko ang sugatan kong palad.

Mabilis na nakasunod sa amin si Mags. Para bang wala lang sa kanya ang pag-akyat sa matataas na pader kahit pa may sugat s'ya sa balikat.

"Hoy! Anong ginagawa n'yo d'yan!" Mabilis kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Sh*t!

Isang sundalo ang nakakita sa amin!

Mabilis na nagtutukan ng baril ang sundalo at si Mags. Ganun na rin ang ginawa ko. Sa ngayon ay mag-isa lang ang sundalo kaya mas lamang kami.

Nakita ko ang mabilis na pagsilip nito sa mga bata kaya kaagad kong iniharang ang katawan ko para itago sina Mervin at Rei.

"Leeroy!"

"F*ck!" Mahinang mura ni Mags ng marinig ang boses ng isa pang sundalo.

Mabilis na lumapit si Mags sa sundalo nang mawala ang focus nito sa amin. Hinampas ni Mags sa ulo ang lalaki gamit ang baril n'ya. Nang matumba ang lalaki ay tinakpan ni Mags ang bibig nito at tinutukan ng baril sa sintido.

"Subukan mong mag-ingay at sisiguraduhin kong kakalat ang utak mo sa lugar na 'to." Pagbabanta ni Mags sa sundalong nagngangalang Leeroy.

Halos pigilan ko ang hininga ko dahil sa mga yabag na papalapit sa pwesto namin. Nang walang sagot na nakuha ang sundalo ay naglakad na ito palayo. Sabay-sabay kaming napabuga ng hangin at nakahinga ng maluwag.

Muntik na!

DEADLOCK: Welcome to Redmond CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon